Chapter Forty

4.1K 112 12
                                    

"BABY can..... I hold you tonight. Baby---Arayy!"


Naiiling na tumingin si Romeliza kay Ellifard nang muntikan na itong matalisod, nilapag niya ang hawak na planggan na may tubig sa mesa at saka niya dinampot ang sandals at ibinato 'yon sa ilalim ng kama. Nilapag na ito ng kuya niya sa kama.


"Bakit ang daming shtar dito? Isha... dalawa? Whoah!" Sambit nito habang tumatawa. Hindi niya maiwasang matawa sa itsura nito. Kasi naman parang bata, ang cute pala nito kapag nalalasing. Binalingan niya ang kapatid na inaayos ang unan sa ulo ni Ellifard.


"Ikaw na bahala dito... mamaya lumabas ka na rin ha? Doon kana sa kwarto ko, doon ako sa sala." Nakangiting sabi ng kuya niya.



"Thank you kuya." Nakangiting sabi niya sa kapatid. Ginulo nito ang buhok niya saka na ito lumabas ng kwarto. Nilapitan naman niya si Ellifard, tinanggal niya ang sapatos at medyas nito. Kinuha niya ang bimpong puti saka siya umupo sa gilid ng kama.


"Ano ang tapang mo ha. Sabi mo kaya mo hindi naman. Si papa tignan mo nakakatayo pa ng tuwid!" Sermon niya dito habang pinupunasan ang mukha nito ng malamig na bimpo.


"Wheresshh my angel Romelisha? Angel c'mon come to daddyy.." Sabi nito habang nakataas pa ang dalawang braso. Pinalo niya ang kamay nito.


"Para namang buang to! Ginawa mo pa 'kong bata!" Bulong niya dito, hindi naman ito umimik. Naiiling na tinapos niya ang pagpupunas dito, kinumutan niya ang binata.


"Diyan ka lang ha? Ititimpla kita ng kape.." Sabi niya at akmang tatayo.


"Ay!" Napatili siya nang bigla nitong hilahin ang braso niya, napasubob siya sa dibdib nito. Hinampas niya ito sa dibdib.


"Urgh ano ba?! Ikaw na lalaki ka! Iinom hindi naman kaya!" Saway niya pa dito, pumulupot ang mga braso nito sa katawan niya. Nakapikit pa rin ito.


"Shiyempre kailangan, baka ilayo ka shakin ng papa mo.." Bulong nito ngunit sapat para marinig niya. Napangiti na lang siya sa sinabi nito, humiga siya sa dibdib nito.


"Pano kung ilayo nga 'ko ni abeoji sayo?" Tanong niya dito.

"Ilayo? Edi itatanan kita, 'di ba shabi mo noon kung anong pwedeng gawin mo para matulungan ako? Manatili ka lang sakin 'yon lang." Sabi nito habang kumukumpas pa sa hangin ang kamay.


"I love you Ellifard..." Sabi niya dito. Hinintay niya itong sumagot pero wala siyang ibang narinig maliban sa paghilik nito, tiningala niya ito.


"Plakda.." Nakangiting sabi niya, hinalikan niya ito sa labi. Inayos niya ang kumot sa katawan nito at hinaplos ang buhok nito.


'Thank you God, ibinigay mo sakin ang lalaking 'to na mahal na mahal ako..'





-----------*****




"SIGURADO kaba sa gagawin niyo ni dad?"




Napangiti lang si Ellifard sa tinuran ng katipan, Kanina pa nito tinatanong ang tungkol sa plano nilang dalawa ng ama nito na mahuli ang matanda. He need to help her father, isa pa ay dawit ang pangalan nila ng grupo niya kaya dapat lang ay may gawin naman silang tama sa pagkakataong 'to. O ang mas madaling sabihin ay siya...



"Babe it's okay. Wala kabang tiwala samin ng daddy mo?" Aniya sa katipan. Ngumuso naman ito at niyakap siya braso.



"Kasi naman eh, reckless ka masyado. Natatakot ako para sainyo ni daddy."


Napangiti naman siya at hinalikan ang noo nito. Hinawakan niya ito sa baba at iniangat ang mukha.


"Kung ano man ang mangyari sakin babalik at babalik ako okay? Ikakasal pa tayo eh." Nakangiting sabi niya. Natigilan naman ito.


"Kasal?"


Inakbayan niya ito at tumingin sa daan. Saktong nag-green sign na ang stoplight. Nagpasama kasi ito na maghatid ng damit sa simbahan na pinagsisilbihan ng tiyahin nito. Pagkatapos non ay naisipan nilang kumain na din sa labas.



"Halika na... uwi na tayo." Aniya na hindi pinansin ang tanong at tingin nito. Tumawid silang dalawa sa pedestrian lane.


"Ellifard anong kasal 'yung sinasabi mo?"


Pagdating nila sa kabila ay huminto siya sa paglalakad at binalingan ito.



"May nangyari na satin, at nasa akin na ang maraming dahilan para hindi kana umayaw sa kasal. Isa pa, malakas ako sa daddy mo." Nakangiting sabi niya dito. Ilang sandali siya nitong tinitigan pagkuway ngumiti ng malawak.



"Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong!"



Sabay naman silang napalingon sa may-ari ng boses na 'yon. Nakita niya ang isang ale na sumisigaw habang tumatakbo naman ang isang malaking lalaki na may bitbit na bag. Patungo ito sa direksyon nila. Bigla niya tuloy naalala ang nangyari noong unang pagkikita nila ni Romeliza. Naramdaman niyang bumitaw sakanya ang katipan.



"Hey! Babe no!" Saway niya dito. Bumaling ito sakanya.



"Saglit lang 'to promise..." Anito at mabilis na lumayo sakanya at sinalubong ang lalaking 'yon.



"Babe ano ba!" Sigaw niya at mabilis na sumunod dito. Ngunit napahinto din siya nang makita niya ang ginawa nito. Parang buo ang loob na hinawakan nito ang leeg ng lalaking 'yon at isang paa na pinatid ang binti nito. Binalaiti pa nito ang braso ng malaking lalaking 'yon dahilan   para mabitawan ang bag. Bumagsak ito sa lupa ngunit mabilis ding nakatayo. Nanlaki ang mata niya nang makitang kumuha ito ng patalim sa tagiliran.



"Babe watch out!" Sigaw niya. Ngunit sa pagkamangha niya ay mabilis nitong naiwasan 'yon. Bihasang hinawakan nito ang patalim sa hawakan pagkatapos ay pinatalsik 'yon gamit ang kumpas ng daliri nang hindi man lang nasusugatan ang balat. Napakurap siya, he knew that kind of skills.....na-encounter niya na 'yon. Nakita niyang gumapang ang daliri ng katipan sa batok ng lalaking 'yon dahilan para mabilis itong mawalan ng malay. Umawang ang labi niya.


'What the heck..'


"Woooahh!"


Nabalik lang ang kamalayan niya nang marinig ang ibang palakpakan na 'yon. Nakita niyang kinuha ni Romeliza ang bag na 'yon saka mahinhin na inabot sa ale.



'What if I'm not really innocent anymore? I mean, sa ibang bagay hindi na ako inosente? Anong magiging reaksyon mo?'


Nakangiting bumaling sakanya si Romeliza. Parang bumagal pa ang paligid niya habang papalapit ito sakanya.


"Nakita mo 'yon Ellifard?! Ang galing ko 'diba?" Natutuwang sabi nito sakanya. Tulalang napatingin siya sa mukha nito.



"Uy! Gara mo naman, palpak lang talaga 'yung unang encounter ko sayo." Nakangusong sabi nito. Napalunok siya.




"S-saan mo natutunan 'yon?"


"Ah, sa master ko. Pinasok kasi ako ni dad sa isang taekwondo school. Gusto niya daw kasi na ma-defend ang sarili ko kahit gaganto ganito ako." Nakangiting sabi niya, may itatanong pa sana siya dito ngunit may rumesponde ng mga pulis na nagkataong malapit lang pala ang lokasyon sa engkwentro.


"Halika na babe..." Tingala sakanya ng katipan, inakbayan niya naman ito at kahit nagtataka pa din ay hindi na siya nagtanong.....

---------******

A/N: Sorry for the long late update. Naging busy lang talaga sa mga gawain. 😊

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now