Chapter twenty-nine

3.7K 138 5
                                    

PANAY ang linga ni Romeliza sa paligid, pero hindi naman niya makita si Ellifard. Nakangusong umupo siya sa damuhan habang yakap ang tuhod.



"Sabi niya aabangan niya 'ko dito." Nakangusong bulong niya ipinatong niya ang baba sa tuhod saka tumingin sa damuhan. Tinatawagan niya ang cellphone nito pero hindi naman sumasagot. Naghintay pa siya ng ilang sandali doon, panaka-naka ay lumilingon siya sa mga dumadaan sa harap niya dahil nagbabakasali siya na si Ellifard 'yon. Hanggang sa kumalat na ang dilim sa kalangitan pero wala pa rin ang binata.


"Palagi na lang niya 'kong ini-indiyan.." Bulong niya habang kinukutkut ang damo, bigla na lang lumitaw sa isip niya si Christina.


"Siguro kasama niya ang babaeng 'yon..." Gumuhit ang kirot sa puso niya, gusto niyang isipin na wala na talaga si Christina at Ellifard lalo't may nangyari na sakanila ng binata. Sinabi nitong mahal siya nito pero sapat na ba 'yon?



Nag-init ang mata niya.... paano kung tama si Justin? baka mamaya magaya lang din siya kay Christina.


"Excuse me miss..."


Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin. Nakita niya ang dalawang lalaki na nasa harap niya.


"Hi ahm.... pwedeng maki-upo sa tabi mo?"



Pinunasan naman niya ang mga mata. "Ah may kasama po a----



"Hindi pwede..."


Napatingin sila sa bagong dating. Nagliwanag ang mata niya nang makita si Ellifard.



"Ellifard!" Natutuwang sabi niya, malamig ang tingin na binalingan nito ang dalawang lalaki.


"Ano pang ginagawa niyo dito?" Supladong sabi nito sa dalawa.



"Sorry sir..." Sabi ng mga ito saka umatras. Nakahalukipkip na tinignan naman siya ni Ellifard.


"Bakit nakaupo ka diyan?"


Napanguso siya dito. "Tinatanong mo pa.... eh kanina pa kita hinihintay dito akala ko aabangan mo 'ko." Sabi niya habang hindi pa rin tumatayo. Napayuko siya at tumingin sa damuhan.



"Siguro kasama mo si Christina no.... a-ayos lang naman sakin kung  kayo pa rin ba o hindi na eh. Pero sana naman 'wag mo naman akong paghin----



Tumigil siya sa pagsasalita nang hawakan nito ang kamay niya. Tiningala niya ito.



"Ano bang sinasabi mo diyan?" Natutuwang sabi nito at hinila siya patayo. Hindi naman siya pumalag.



"Tsk tignan mo ang dumi ng pang-upo mo oh." Sabi nito habang pinapagpagan ang likuran niya. Muli siya nitong tinignan sa mukha, inipit nito sa likod ng tenga niya ang buhok niya at pinisil ang pisngi niya.



"Alam mo naman ikaw ang lagi kong uunahin 'diba?" Sabi nito, tinignan niya ang suot nito. Naka-hoody jacket ito ng itim. Muli siyang tumingin sa mukha ni Ellifard.



"San kaba galing?" Tanong niya pa dito, hinila naman siya nito papalapit dito saka siya inakbayan.



"May pinagawa lang sakin sila Grey."



Napangiti naman siya. Parang sapat na sakanya na isang paliwanag nito para mawala ang inis niya. Sinugod niya ito ng yakap.



"Ouch!" Nakangiwing umatras ang katawan nito. Nag-aalalang tumingin naman siya sa katawan nito.



Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now