Prologue

12.1K 221 3
                                    


"NAKU! Ang tanda mo na wala ka pa ring boyfriend!"

Napasimangot na lang si Romeliza sa sinabi na 'yon ng kaibigan niyang si Marie.


'Grabe siya ha!'


"Dakchyeo! Anong wala? meron kaya!" Sabi niya habang nakataas ang kilay. Umismid lang ang kaibigan sakanya. Halata namang hindi ito naniniwala sakanya eh!


"Naku tigilan mo nga 'kong babaita ka, nag pi-feeling ka na naman." Nakangising sabi nito sakanya saka ito tumayo.


"... Oh siya dito na 'ko. Annyeonghi gaseyo chingu." Sabi nito saka tumalikod. Napanguso na lang siya nang lumabas na ito sa kwarto niya. Ano naman ngayon kung wala pa siyang boyfriend? Naiinis na dumapa siya sa kama at binuksan ang loptop. Habang nakatingin siya sa monitor ay may unti-unting nabuo sa isip niya. Nakangiting nag search siya sa google ng mga kakaibang pangalan.


"Ellifard... wow! 'Eto maganda!" Nakangiting sabi niya, napansin niya naman ang pen name ng favorite niyang author.


"Hmmm.. Desconte." Natutuwang kinlick niya ang sign up for facebook at nag create siya ng mga something-something na kalokohan don. Naghanap naman siya ng mga picture sa google inabot ata siya ng ilang oras doon. Wala kasing makapasa sa panlasa niya, naagaw ng pansin niya ang isang lalaking nakasimangot habang nakatingin sa malayo. Halatang stolen shot.


"Oww... he looks like koreano pero ang masculine niya! geemmaayy!"


Kinikilig na sinave niya 'yon sa photos niya at hinintay ang pag-update kung okay na ba ang ginawa niyang profile.


"Omo Neo jal saeng-kyeot-da!!" Tili niya habang nakatingin sa monitor.



'Okay na ang lahat! Gash! Siguradong pag pe-piyestahan 'to ng mga kaibigan ko haha'

------------****

THREE WEEKS AFTER...




"KAILAN mo ba kasi ipapakita samin 'tong lalaking 'to? At saka isa lang ba ang photos niya?"

Napairap si Romeliza sa kakulitan ni Marie. Dumami na lang kasi bigla ang nag-friend request sa ginawa niyang facebook and most of them are girls! Duh! Hindi ba nila nakitang taken na 'yon?!

"Hindi nga siya makakauwi dahil may business siya okay?" Sabi niya dito. Ngumuso lang 'to habang nakatingin sa screen ng picture ng boyfriend niya kuno!


"Ang swerte mo... ang gwapo niya."


Mayabang na ngumiti siya sa kaibigan.

'Kung alam mo lang!'

"Siyempre naman!" Nakangiting sabi niya.


"Teka , gusto mong tubig? Kuha lang kita" Sabi ni Marie saka mabilis na lumabas ng kwarto. Nakangiting binuksan niya ang facebook ng 'boyfie' niya. Napatingin siya sa friend request. Aba! Sampu agad ilang minuto lang siyang nawala. Nawala ang ngiti niya nang makita ang name na 'yon.


"Ellifard..." Basa niya saka niya in-accept ang requester, kinlick niya ang pangalan na 'yon. Wala naman ibang picture siyang nakita maliban sa monster truck na nandon mga different kinds of gun and something-something like a race car and trucks. Ilang minuto lang ata nang in-accept niya ang friend request niya nang may mag message sakanya. Nanlaki ang mata niya sa nabasa.

"Kung sino ka man na kumuha ng litrato ko at umimbento ng kung ano-ano. I swear hahanapin kita at papatayin kahit ang kalahi-lahian mo!" Sabi sa message na may naka emoticon pang galit na mukha at may sungay.

Medyo umatras siya.

Patay...

Mabilis niyang sinara ang loptop.


"Omo, Jal mothaesseo! I'm dead!"

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon