Chapter thirteen

3.5K 106 2
                                    

"Okay ikaw pa malakas ka sakin eh..."



Halos maglulundag-lundag si Romeliza sa kama sa tuwing naririnig niya ang sinabi ni Ellifard. Hindi niya alam pero sa tuwing tumatawag si Ellifard o 'di kaya ay nakikita niya. May kung anong lumulundag sa sikmura niya sa tuwing nakikita ang mukha nito. Nakangting bumaba siya sa kama at pumunta sa tokador. Binuksan niya 'yon, natigilan siya nang makita ang bagay na 'yon sa isang box.


"Nami-miss ko pa rin 'to... but some other time na lang kita uli gagamitin." Nakangiting sabi niya saka niya isinara ang aparador.


"Ginagalit talaga ako ng grupong 'yan eh!"



Napatingin siya sa pinto nang marinig ang sigaw na 'yon. Tumayo ako at saka lumabas ng kwarto dahan-dahan siyang bumaba at saka sumilip sa awang ng hagdan. Nakahawak sa ulo ang papaniya at inaalo naman ito ng mama niya.



"Ba't di mo na lang bitawan ang kasong 'yan mahal.." Sabi ng mama niya.



"Hindi pwede mahal.... maraming masisirang buhay. Hawak nila ang mataas samin kaya hindi ko sila mapakialaman. Kung nandito lang uli ang taong 'yon na tumulong sakin noon wala sana tayong problema."




Naawang umakyat siyang muli sa kwarto. Tahimik na sumampa siya sa kama at nangalumbaba habang nakatingin sa loptop....



"Kawawa naman si abeoji." Bulong niya. Tumingin siya sa orasang nakasabit sa dingding. Kinuha niya ang cellphone saka kinontak ang number ni Ellifard. Napangiti siya nang sagutin nito 'yon.



"Hello?"


Natigilan siya nang marinig ang boses babae na 'yon.


"Sino 'to?" Tanong ng babae sa kabilang linya. May kung anong bagay naman na dumagan sa dibdib niya.


"A-ah si Ellifard?" Halos pabulong na sabi niya. Natigilan naman ang nasa kabilang linya.



"Ahm... nasa c.r eh. Katatapos lang namin.. you know what I mean." May talim sa boses na sabi nito. Napakurap naman siya at bahagyang ngumiti.



"Ah... g-ganon ba? Sige sorry ha." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Natulala siya sa kawalan, muli siyang sumilip sa orasan.


"Pupunta naman siguro siya kahit kasama niya ang girlfriend niya." Bulong niya. Pero hindi niya alam kung bakit hindi non mabago ang bigat na nararamdaman niya. Huminga siya ng malalim saka umupo sa gilid ng kama habang yakap ang malaking teddy bear.


"Pupunta siya... pupunta siya." Bulong niya habang nakatingin sa teresa.

-----------***

NAPANGIWI si Ellifard nang maramdaman ang kirot ng sentido. Akmang tatayo siya nang maramdaman ang nakadagan na 'yon sa dibdib niya. Mabilis siyang lumingon. Natigilan siya nang makita si Christina, niyugyog niya ang balikat nito.


"Hey, wake-up Christina."


Unti-unti naman itong nagmulat ng mata saka tumingin sakanya.



"Inaantok pa 'ko Ellifard." Sabi nito at muling yumakap sakanya. Umupo naman siya sa kama at hinagilap ang sando.



"Bakit dito ka natulog? 'Diba sabi ko doon ka sa guestroom?" Sabi niya dito habang sinusuot ang damit. Umupo naman ito.



"Alam mo naman na takot ako kapag mag-isa sa kwarto 'diba?" Sabi nito. Tumitig naman siya dito saka siya napailing. Bumaba siya sa kama.


"Sige na bumaba kana sa kusina maghahanda muna ako ng breakfast." Sabi niya dito habang papasok sa banyo.


"Ipagluluto mo 'ko?!"


"Oo, now get up yourself. Mauna kana don sa baba." Sabi niya dito saka kinuha ang toothbrush.


"Ayieh! Salamat!" Tili nito at niyakap pa siya. Nasundan na lang niya ito ng tingin nang lumabas ito ng kwarto niya. Naiiling na tumingin uli siya sa salamin. Natigilan siya nang may maalala.



"Shit!"


Mabilis siyang nagmumog at nagmamadaling lumabas ng banyo. Hinagilap niya ang cellphone saka hinanap ang number ni Romeliza. Kinontak niya ito hindi naman siya nabigo nang ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag niya.



"Hello?! Ahm.. Romeliza i'm sorry naka---


"Okay lang 'yon Ellifard ano kaba." Natatawang putol nito sa sasabihin niya. Ilang beses niyang minura ang sarili.


"I'm really sorry, mamaya pupunta ako school mo hintayin mo 'ko ha?"


Ilang sandali itong hindi natigilan.


"Ayos lang naman 'yon Ellifard. Kung busy ka ngayon 'wag kana munang tumuloy."


Siya naman ang natigilan.


"So you don't want to see me?" Malamig na sabi niya dito. Hindi naman ito nakapagsalita.



"Basta magkikita tayo mamaya, hintayin mo 'ko." Sabi niya dito saka pinatay ang tawag.

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang