Chapter thirty-seven

3.4K 142 4
                                    

KUNO'T-NOONG tumingin si Romeliza sa mall arena. Napakaraming tao sa labas ng mall at talagang mahaba ang pila. Bigla siyang nakaramdam ng inggit nang makita ang naglalakihang poster ng BTS na dala ng mga ARMY. Binalingan niya si Ellifard na nakangiti habang nakatitig sakanya.

"Anong ginagawa natin dito Ellifard?" Takang tanong niya. Pinisil nito ang palad niya.

"Basta.... halika na." Nakangiting sabi nito at inakbayan siya. Nagulat siya nang bigla silang pumila sa mga pupunta sa loob para sa concert!

"E-ellifard bakit tayo pipila dito eh wala naman tayong ti-----

"Chingu!!"

Napalingon siya sa sumigaw, nanlaki ang mata niya nang makita si Marie na may dalang dalawang light stick. Patakbo itong lumapit sakanila.

"Sabi ko nga ba at hindi mo matitiis mga bebe natin eh!" Natutuwang sabi nito, nagsalubong naman ang kilay niya at natitigilang tumingin kay Ellifard. Itinaas nito ang isang kamay, nanlaki ang mata niya nang makita ang dalawang ticket sa kamay nito.

"Ellifard pano mong..." Hindi niya matuloy ang gustong sabihin dito.

"Pero tigilan mo ang kasisigaw ng Jimin doon ha? Alalahanin mo kasama mo a----

Masayang nilusob niya ito ng yakap naramdaman naman niya ang pagbalot ng braso nito sa katawan niya.

"Hala?! hala! Salamat Ellifard! Kamsa!" Tumitiling tumalon-talon siya wala siyang pakialam kung naging center of attraction sila.

"Ay hindi niya alam? Ikaw pala bumili ng ticket Ellifard?" Narinig niyang tanong ni Marie, tumingala naman siya sa mukha ni Ellifard.

"San ka nakabili?" Tanong niya dito. Nagkibit balikat ito.

"Nagtanong kasi ako kagabi kay Maxeau kung pwede pa ba 'kong humabol para makabili ng ticket. Pero sabi niya sold-out na raw, sakto namang may mga kakilala siya na pupunta rin pala dito. Sabi ko bibilhin ko 'yung ticket nila dodoblehin ko na lang 'yung bayad, pumayag naman sila. Afterall, mukhang two days concert 'to eh at may next wave pa."

"Napagastos kapa..." Sabi niya dito pero masaya naman siya. Ngumiti ito sakanya.

"It's okay, para naman sa'yo eh. So, just relax and enjoy.."

Nakangiting muling yumakap siya dito.

----------------***

WARNING: SPG

"I'M so tired....."

Nakapikit na umayos si Romeliza ng pagkakadapa sa kama.

"Huwag ka munang matutulog kakain pa tayo..."

Nakangiting nilukot niya lang ang katawan sa kama at hindi pinakinggan ang binata.

"Just give me more minutes muna Ellifard." Bulong niya habang nakapikit. Naramdaman naman niyang lumundo ang kama kasunod non ay ang mainit sa likuran niya. Napangiti naman siya nang maramdaman ang binata sa likod.

"Come on, alam kong kapag natulog kana deretso na hanggang mamaya. Mahirap ka kayang gisingin." Bulong nito sa likod ng kanyang tenga. Bigla naman siyang nakiliti nang humaplos ang palad nito sa bewang niya.

"Ellifard naman eh...." Ungot niya. Naramdaman niyang namamalat ang lalamunan niya. Paano ba naman ay wala siyang ibang ginawa kanina kung hindi ay sumigaw ng sumigaw. Wala ding nagawa ang boyfriend niya dahil hindi siya nito napigilan. Napaungot siya nang maramdaman ang kamay ng binata sa loob ng kanyang damit. Gumapang 'yon papunta sakanyang gilid ng dibdib.

Dark Society 4- Ellifard Desconte (COMPLETED)Where stories live. Discover now