"Tadda! Tapos na" sabi nito kasabay ng pagbukas ng mga mata ko.

Shit!

"Ma'am mas bagay mo sana kung short hair ang ginawa sa hair mo at hindi wavy, pero okay narin. You're beautiful" sabi nito kasabay ng pag-palakpak niya.

Buti nalang hindi ako nag pa-short hair kung hindi mag-mumukha talaga akong Sia! Well ako naman talaga si Sia eh.

"So ma'am, wash your face everyday with this" sabi nito sabay pakita ng maliit na bote. "At ito ang ipang-pahid mo para iwas ang acne" dugtong nito sabay ngiti.

----------

Hala ang oras na, Alas syete na. Don't tell me ipagpipilitan parin ni Ashley na manood kasama kami.

"Sabi sayo eh maganda ka. Una palang na kita ko sayo maganda ka, hindi lang mapansin ng iba yun" sabi ni Eric.

Pareho kaming napatingin ni Eric sa phone ko ng bigla itong tumunog.

Si Xander pala. "Nasan na kayo?" Tanong agad nito at agad ko namang sinabi kong nasaan.


"Where's- Ria?!" Halata ang gulat sa tono ni Ashely. "Hmm- hindi ka parin naman maganda. Nag mukha ka lang tao" bulong ni Ashley.

Napalingon ako kay Xander ngunit di siya makatingin saakin. Nahihiya ba siya?

Napangiti ako. I remember how I like seeing him like that.

-------

Nang makapasok na kami sa loob agad rin naman nag simula yung panood.

Bali nasa kaliwa ko si Eric tapos sa kanan ko si Xander tapos katabi niya si Ashley.

Di ko masyadong feel yung movie kasi romance!

Naalala ko tuloy, nung pumunta kami ni Xander sa sinehan. Halos umiyak ako kasi walang pinapalabas dati na other genre kundi romance lang.

At ngayon ganun parin ayaw rin kanina ni Xander kaso pinagpipilitan ni Ashley.

Hindi ko rin ma-gets bakit ganito yung takbo ng story! Grabe anmbilis naman mag-kagusto nung lalaki dun sa babae! Kaya nga antagal ko rin nun sinagot si Xander kasi dapat sigurado sa feelings eh, hindi yung sinagot agad. Malay mo infatuation.

"Ba't ka naka-simangot?" Napalingon ako kay Eric ng sabihin niya yun. Napalingon ako kay Xander at nakatingin din siya saakin.

"Ah wala-" naputol ang gusto kong sabihin ng mag salita si Xander

"I think she doesn't like romance movies" sabi ni Xander sabay kuha sa juice na nakalagay sa isang lalagyan sa harap.

"Hindi ah mali ka!" Wika ko ngunit napalakas ata kaya marami ang napatingin saamin.

Sinimangutan ko siya at ngumisi siya bilang ganti.

Bahala ka diyan, Award!

Pagkalingon ko kasabay rin ng- oh my gosh! Halos manlaki yung mata ko dahil sa....

Kissing scene? Hanep 20 years old na ako pero kita mo yun?! Para akong minor de edad. Takot sa kissing scene! Ayoko talaga sa romance eh! Daming SPG!

Huh? Ba't wala akong makita? Sinong nagtakip?

Nang maalis yung kamay na nasa harap ko tinignan ko agad kong sino yun at ayun.... si Xander.

"Sabi na nga ba ayaw mo ng romance eh" pagmamalaki nito dahil mukhang tama ang akusasyon niya.

"Huh? Sinong may sabi?" Sabi ko rito.

"Halata naman eh." Wika nito sabay tap nito sa ulo ko.

"Hindi kaya. Paano mo nasabi na ayaw ko ha?" Tanong ko sabay pout.

"Kaya ayaw mo kasi tuwing nakakakita ka, lagi mong naalala yung ninakaw mong halik saakin." Sabi ni Xander at literal na napaawang yung bunganga ko.

Kainis! "What are you two, talking about?" Pareho kaming napabaling kay Ashley.


------Edited: 02-09-2020

(A/N):

Aweee antamad ko as in inabot ako ng week bago ko to matapos. Sorry chingus!

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now