Prologue

16.7K 330 169
                                    


"Ate magkano po ang isa?" tanong ko sa magtitinda ng banana cue na dumaan sa harap ng school namin. Mahilig ako sa saging kaya naman nang matanaw ko ito ay agad ko itong nilapitan.

"Kinse lang, neng," sabi ng tindera. Agad ko namang inabot ang bayad at umalis na. Tapos na ang klase ko ngayon, hinihintay ko lang ang ka-batch kong taga kabilang section na nanghiram ng libro ko. Ngayong uwian daw kasi isosoli.

Habang kumakain ng banana cue sa tapat ng gate, nagulat ako nang biglang may humawak sa baywang ko mula sa likod at yumakap. Itutulak ko na sana ngunit nang mapatingi  ako ay isang bata pala. May tuwalya siya sa likod, para siguro 'di matuyuan ng pawis habang amoy na amoy ko naman ang kanyang pulbo na natuyo na sa kanyang leeg. Well, mabango siya kahit na pawisan.

Parang may tinataguan siya dahil nakasubsob ang mukha niya sa tagiliran ko tila ayaw na may makakita.

"Hey little boy, anong ginagawa mo?" tanong ko pero nananatiling nakasubsob ito. Sa tantiya ko ay nasa ikatlong baitang pa lang ito sa elementarya, mga edad pito o walo siguro. "Baby.." muli'y tawag ko.

"Let me hide, I don't want my bodyguards to see me."

Nagpalinga-linga naman ako para alamin kung may bodyguards ba talaga siya, at sa 'di kalayuan nga ay may natanaw akong mga men in black na parang may hinahanap.

"Hindi magandang tinataguan mo sila," sabi ko habang hinihimas ang malambot niyang buhok.

"They're annoying," sabi pa niya. This time ay inangat na niya ang ulo sa akin. Doon ko lang napagmasdan ang gwapo niyang mukha. Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik at may kapulahan ang mga labi.

Para namang nagningning ang mga mata nito nang makita ako. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.

"Bakit naman?" This time lumuhod ako para magkapantay na kami.

"They want me to go home already but I want to play more. I don't like in our house, I have no playmates there. My friends are here."

Parang gusto kong pisilin ang pisngi niya dahil sa sobrang ka-cute-an. Sana may ganito rin akong kapatid balang araw. Gwapo at maputi. Mukha kasi siyang anak mayaman.

"Ganun ba?"

"Yes."

"Hindi ka ba naaawa sa kanila? Tingnan mo oh, nag-aalala na sila." Tinuro ko ang mga bodyguards na busy kakaikot habang kapwa nakahawak sa isang tenga na tila may kinakausap. "And, is that your Yaya? Look she's crying. She thought you're missing."

"I don't care. I don't want to go home yet!" sigaw niya. Napabuntong-hininga naman ako. Ang hirap pa lang magpaamo ng bata.

"What's your name, little boy?" pag-iiba ko ng topic dahil mukhang iiyak na siya.

"G-Gene.."

"Okay Gene, I'm ate Vinafe, can I be your friend?"

"Y-yes Vina."

"Ate Vina.." pagtatama ko pero hindi ito nagsalita.

"Do you want to play with me?"

"Yes."

"Then, we'll play tomorrow. But for now, you need to go home."

"No. What if I can't find you?"

"Look," Itinuro ko ang gate sa aming likuran."This is where I am studying, you can come here anytime you want. We can play after your class."

"Really?"

"Yes." Nginitian ko siya. "So, can we now call your Yaya and bodyguards? They're all worried about you."

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now