Wag po kayo mag-alala. Sigurado po ako na magkikita kayo ng anak ninyo. Makakasama at makikita ninyo na po siya. Nakangiti kong sabi dito.

Pasensya ka na iha, masyado---

Agad naman akong nagulat ng biglang may humawak ng kamay ko, napakahigpit nito kaya agad akong napatingin kung sino ito.

Kanina pa kita hinahanap. Diba sinabi ko na intayin mo ako?

F-Five... gulat kong sabi. Agad naman akong hinila nito paalis ng lugar na iyon.

Nang makalayo kami ay agad itong huminto.

DI BA SINABI KO SAYO WAG KANG MAKIKIALAM!!! Agad naman akong napapikit dahil sa lakas ng sigaw sa akin ni Five. Alam kong galit na galit na ito. ANO BANG MAHIRAP INTINDIHIN DOON HA?!!!!!  hindi naman ako makasagot sa kanya dahil natatakot ako. ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA HINDI KO KAILANGAN NG TULONG MO?!!!

F-Five...

WAG KANG MAGPAKA SUPERHERO DAHIL HINDI LAHAT NG TAO KAILANGAN NG TULONG. IBAHIN MO AKO!! Matapos niya sabihin iyon ay tumalikod na ito at aalis na sana ng pigilan ko ito at magsalita.

Sige kung ayaw mong tulungan kita, gagawin ko. Pero may pabor ako sayong hihilingin. Hindi naman ito sumagot sa akin nanatili itong nakatigil sa pwesto niya at hindi ako nilingon kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko. Pakinggan mo siya, hindi lahat ng pinaniniwalaan mo ay totoo. Gusto mo ng kasagutan diba? Subukan mong pakinggan siya. Yun lang Five. Matapos ko sabihin iyon ay nag umpisa na siyang maglakad palayo.

Umalis na din ako dahil baka nasa bahay na si Cindy.

Pagdating ko ng bahay, agad akong sinalubong ni Cindy.

Gail! Saan ka galing? Nauna pa ako sayo nakauwi samantalang ikaw ang naunang umalis.

Sa prutasan lang ako galing. Magpapalit lang ako. Sandali lang. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Cindy at nagtungo na ako agad sa kwarto para magpalit ng damit. Nang matapos ako ay agad ko ng niyaya si Cindy para pumasok sa trabaho.
-----------------------------------------------------------
Nang makarating kami sa bahay ay parehas kaming pumunta ng kwarto para mag-ayos. Nang matapos ako ay agad akong humiga. Naramdaman ko naman na tumabi na sa akin si Cindy.

Ikaw Gail ha, naglilihim ka na sa akin. Magkwento ka nga. Hindi porket busy ako sa office ay hindi ka na magkukwento.

Alam kong hindi ako titigilan ni Cindy kaya nagsimula na akong ikwento sa kanya.

Ganun ba, nakakalungkot naman ang kwento ni Five. Hindi kasi halata sa kanya. Lagi kasi siyang seryoso. Anong balak mo?

Siguro gagawa ng paraan para magkausap sila. Tumango tango lang ito sa sinabi ko.

Eh kamusta naman yung sa inyo ni Uno?  Sinabi na ba niya sayo? Napabuntong hininga naman ako dahil sa tanong ni Cindy.

Hindi pa. Pero mukhang galit siya sa akin.

Bakit naman? Tapos kinuwento ko sa kanya yung nangyari. Teka! Nagpapanggap pa ba kayo? Para saan pa? Eh alam na naman both side na may pagpapanggap na naganap. Tama naman si Cindy, kahit ako naguguluhan pero pabor na din ito dahil magagawa ko ang misyon ko, may dahilan parin ako para makalapit sa kanya.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon