XXXVI.

1.4K 24 5
                                    

Lisa.

Months have passed and the things between me and Jennie are kept private.

Wala kaming pinagsasabihan na iba, kahit kanila ma'am Chu, Bobby, Hanbi at Roseanne.

At hindi ko rin alam kung bakit napapadalas ang pagkakasalubong namin kapag kasama namin sina Veo at Cha na kadalasan ay nauuwi sa double date. Kagaya ngayon.

"Akalain mo nga naman oh, sa dami ng upuan dito sa loob ng cinema, tayo pa ang naging seatmates!" Tuwang sabi ni Veo sa mga bagong upo sa tabi namin.

Oo. Andito kami sa cinema at manunuod ng Never Not Love You.

"Well, baka soulmates talaga tayo." Sagot ni Cha at tumawa ng malakas. Naging close na silang dalawa dahil sa dalas ng mga coincidental dates namin.

"Wag ka nga maingay Cha." Sita ni Jennie sa kaniya at umayos ng upo sa tabi ko.

Ang awkward lang ng pwesto namin dahil napapagitnaan ako ni Jennie at Veo.

"Ang KJ mo talaga, hon. Hmmp!" Kunwaring tampo sa kaniya ni Cha at binato pa siya ng popcorn.

"Shhh. Tigil na Cha, huh? Mag-start na ang movie." Hindi na siya pinatulan ni Jennie dahil mas hahaba pa ang sagutan nila if ever.

Tumahimik na ang lahat nang magsimula na ang movie.

Hindi ako makapag-concentrate sa panunuod dahil naiirita ako sa katabi ko. No. Sa kasama ng katabi ko.

Paano ba naman, kung hindi susubuan si Jennie, gusto pa, sabay sila iinom ng juice.

Pinilit kong mag-focus nalang sa panunuod at hindi na sila nilingon.

Nasa bandang kalagitnaan ng movie nang mauhaw ako. I was about to get my drink pero, kamay ang nahawakan ako.

Hihilahin ko na sana ang kamay ko from her pero hinigpitan niya ang hawak doon at ginuide iyon pababa.

Yes.

Magkaholding hands kami ni Jennie.

Buti nalang at madilim at hindi halata ang pagbblush ko at kilig ko.

Yun ang akala ko.

"Lisa, what's wrong?"

"H-huh?"

"May problem ba? Bored ka na?" Pag-aalang tanong sa akin Veo.

"W-wala. Medyo nilalamig lang." Pagsisinungaling ko sa kaniya.

Alangang sabihin ko sa kaniya na kinikilig ako kasi magka-holding hands kami ni Jennie diba. Hays. Kung pwede lang.

"Ganun ba? Come here." Naramdaman akong inakbayan ako ni Veo at bahagyang hinila papalapit sa kaniya.

He looked at me and smiled. "So, medyo ok na ba?" He asked.

"Yeah. M-much better." Sagot ko sa kaniya.

Naramdaman kong mas humigpit ang paghawak ni Jennie sa kamay ko.

I looked at her and to my surprise, she's also looking at me. I gave her a shy smile and with that, she continued watching the movie.

Hindi ko na intindi ang pinanunuod naming movie. Mas pinag-isipan ko ay ang itsura naming apat ngayon.

Veo is side-hugging me while me and Jennie are holding each other's hand at si Cha naman eh maya't maya ang pagsubo ng popcorn kay Jennie.

Juskolord.

--
Jennie.

"So, anong masasabi ninyo sa movie?" Veo asked us. "Ang galing ng JaDine diba?" Dugtong pa niyang tanong.

Andito kami ngayon sa Dairy Queen. Nag-crave kasi si Lisa sa ice cream.

"It's a good movie. Alam mo yun, it's all about making choices and how those choices will affect us." Sagot ni Cha sa kaniya.

"Yeah. For me it's all about how Gio and Joanne tries to find a reason to stay, a reason to fight and a reason to justify their choices with love as the only bias." Veo added.

"Sa tingin mo, kaninong character kayo mas nakakarelate?" Tanong ni  Cha sa amin.

I don't know what to answer. Honestly, hindi ko naintindihan yung movie. I was occupied by Jennie's presence the whole time.

"I think, mas nakaka-relate ako sa character ni Nadine as Joanne. Yung pareho kaming magye-yes sa mga bagong simula sa buhay namin sa kabila ng mga magagandang nangyayari sa paligid namin. And I liked the fact how self-aware she is kung kailan niya narealize na masaya pa ba siya o hindi na. Just like me." Veo answered her. "But at some point, medyo nakaka-relate din ako kay James as Gio na tina-try na i-fulfill ang kung anon ang gusto niya sa buhay. Yung piliin yung kung saan siya masaya.. Free-spirited and careless. Yung nag-settle siya sa kung saan siya comfortable, yung paghahanap ng paraan para maging masaya siya. Dahil para sa kaniya, ang perpektong pag-ibig ay hindi ang paghahanap ng TAMANG TAO kundi maging isang tamang tao na kayang magmahal." Dugtong ni Veo.

"I agree with you, V. Ibang iba nga ito sa mga naging movies dati ng JaDine, ano?"

Veo nodded to Cha in response to her question.

"One thing na natutunan ko sa movie na yun is, Selfishness can kill your relationship." Cha added.

"Yeah. It indeed kills relationship." Pagsang-ayon ni Veo sa kaniya.

"Oh, Lisa, Jennie? Bakit ang tatahimik ninyo? Di niyo ba nagustuhan yung movie?" Tanong ni Cha sa amin nang mapansin niyang sila lang ni Veo ang mag-uusap.

"H-huh? S-sorry. Nilalamig kasi ako kanina kaya di ako nakapanuod ng maayos." Paumanhin ni Lisa.

Kaya pala nagpayakap ka kay Veo. Tss.

Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin  na agad niyang napansin kaya napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Eh ikaw Jen?" Tanong sa akin ni Veo.

"H-huh? K-kasi etong si Cha kasi eh. Subo ng subo sa akin ng popcorn. Di ko tuloy naintindihan yung movie." Pagdadahilan ko sa kanila at sinabayan ko pa ng kunwaring galit kay Cha para maniwala sila.

"Hehehe. Sorry, Hon." Paghingi niya ng sorry sa akin na may kasama pang haplos sa braso ko.

Maya maya ay nakaramdam na ako ng mahihinang sipa sa binti ko.

I glared at the culprit and she just shrugged na parang wala siya ginawa.

"Tara na. Uwi na tayo." Yaya ni Lisa.

"Tara." Pagsang-ayon ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

Kita sa mukha nilang tatlo ang gulat.

"Diba sabi mo mag-overnight ka sa bahay? Tara na. Hinihintay na tayo ni mama." Sabi ko at hinila na siya.

"Wait, Hon!" Habol sa amin ni Cha.

"Pwede ako sumama?" Tanong niya.

"Bahala ka." I answered at tuloy na naglalakad habang hila-hila si Lisa.

"Veo! Una na kami! Bye!" Rinig kong paalam ni Cha kay Veo at humabol sa amin.

Nang makasakay na kami sa van ay hindi ako kinakausap ni Lisa at hindi naman kami makapagkwentuhan ni Cha since may isang nakapagitan sa amin.

Maya maya ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko at nang tingnan ko kung sino ang nag-text ay natawa nalang ako.

From: Park Chaaa
You smooth af!

I looked at her and smirked.

__

UNTITLED, 2017Där berättelser lever. Upptäck nu