XIII.

1.2K 18 4
                                    

Weeks have passed.

Many things have changed.

Mas dumalas na ang pag-aaway namin.

Mas nagiging insecured na ako sa ex niya and praning na baka magbago ang isip niya at balikan yun.

"Hey! Bakit natahimik ka Lalice?"

I snapped back to reality nung nagsalita na sa kabilang linya si Mam Jennie. I called her para lang may mapagsabihan ako nang problema ko.

"H-huh? W-wala. Hahaha. Ano pala magandang kanta ngayon? Any suggestion Jendeuk?"

"Wag ka na kasi mag-overthink Lalice. Magtiwala ka lang sa love niyo sa isa't isa."

"Hindi naman eh..."

"Sus. Ako pa ba lolokohin mo Lalice?"

"Oo na nga. Pero di ko talaga maiwasan eh. Alam mo yun? Alam kong ako yung pinili niya pero pakiramdam ko, mahal niya pa rin si Sue eh."

"Wag ka kasing mag-isip ng ganyan."

"I can't help it. Kung kaya niya ngang ipagpalit si Sue na matagal niyang nakasama, paano pa kaya ako?"

"Iba ka naman Lisa eh. Mahirap ka ipagpalit."

"P-pero..."

"You have this characteristic na hindi gugustuhing iwan ng kung sino mang mapalapit sa'yo. Keep that in mind. Iba iba lahat ng tao. Hindi ibig sabihin na nangyari sa isa, eh mangyayari din sa'yo. Be positive Lalice."

"Haaay. I'll try ma'am Jendeuk."

"Magtiwala ka lang kay Veo. I'll be your eyes sa office if yan ang makakapag-kampante sa'yo."

"You don't have to."

"Ok lang."

"Thank you talaga ma'am Jendeuk ha? You're the best talaga! Labyuuu!"

"I---"

"So, kamusta na pala kayo ni Hans?"

"H-huh?"

"Kamusta na kako kayo ni Hanbin? Lately kayo lagi ang magkasama and magkausap sa GC natin. Kayo ha? Ayieee."

"Baliw. Walang kami. We're friends. May mga bagay lang na kami ang nagkakaintindihan ni Hans. Hanggang dun lang yun."

"At saang bagay naman yun aber?"

"Basta... Secret na namin yun. Sige na goodnight! Bye!"

"Ang da----"

*tootootooot*

At binabaan talaga ako ni ma'am Jendeuk. Ano naman kaya yung secret nila ni Hanbin? Haay. Feeling ko, left out na talaga ako sa balita.

I opened my messenger at pumunta sa GC naming 6.

Lisaaaa: Wassup guys! I miss you na!

JenJen: Matulog ka na.

Bobby NiJiSoo: Hi Lisa! Kamusta? May work ka na?

Poging Hans: Hi Lalice! Musta? Hello Baby! @JenJen

VEOnardo DeCaprio: Hi Mochi! I love you!

JenJen: kadiri ka Hans!

Lisaaaa: watda?! May pa-baby na kayo?

Lisaaaa: wala pa Bob eh. Ikaw kailan alis mo?

Lisaaaa: Hi Mochi! I love you too!

Seen by JenJen and Poging Hans

15 minutes have passed and wala na nagreplt sa GC, nag logged out na ako and decided to sleep.

But the thought of ma'am Jendeuk and Hanbin's secret keeps on bothering me and I keep on thinking kung ano ba yun hanggang sa makatulog na ako.

Kinabukasan...

UNTITLED, 2017Where stories live. Discover now