XXIII.

1.4K 22 1
                                    

JENNIE's POV

"Thank you for today Jennie." Lisa said. "And thank you for this." She blushed while holding the necklace that I had given to her.

"Anything for you Lice."

"Hmm. So, pasok na ko." Paalam niya.

I nodded.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papasok sa gate nila but she stops and turn to me.

"Want some coffee?" Alok niya.

I checked my watch and shook my head.

"Maybe next time. Medyo late na din eh. Sige na, pasok ka na."

"Hmm. Ok. Bye." At pumasok na siya sa loob ang locked the gate.

Ako naman eh naglakad na papalabas ng subdivision nila.

Habang naglalakad eh napapangiti ako dahil sa naalala ko ang nangyari ng araw na to.

I'm so happy that I made her smile.

"Haay Lisa! Sana ako nalang ang minahal mo." At napabuga nalang ako ng hangin.

"Bakit kasi si Veo ang minahal mo. Nasaktan ka tuloy." Then I remembered that day na nagpasama si Veo sa akin para bilhin si Rainbow.

*Flashback*

"Jendeuk-ah!"

"Oh Veo?! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?"

"Hahaha! Ikaw naman Jennie, parang di mo ko na-miss huh?"

"Hindi naman talaga." Sagot ko sa kanya at tinuloy ang ginagawa ko.

"Pwede mo ba ako samahan mamaya?"

"Saan?"

Hindi siya sumagot.

"Hoy! Saan?"

He smirked. "Sa mall. Date tayo."

"Ha-Ha-Ha. Patawa ka Veo."

"Hahahaha. Joke lang Jendeukie! Papasama ako sa'yo bumili ng regalo para kay Lisa. Birthday na niya next week."

As he mentions Lisa's name, napalingon ako agad sa kaniya.

He's making pa-cute na hindi naman bagay.

"Haaa! Ok ok. Umalis ka na muna diyan nang matapos na ko agad."

Sumunod naman siya agad at umalis.

After he left, I grabbed my phone and opened an app.

I checked the status of my order online. At kung sinuswerte ka nga naman, made-delay daw ng 2 weeks yung delivery dahil nagkaproblema sa customs at ayaw i-release ang mga balik-bayan boxes at packages na nanggaling abroad.

"Badtrip!" Walang gana kong tinapos ang trabaho ko at nang uwian na eh dumiretso na ako sa café sa baba ng building kung saan naghihintay si Veo.

"Hey, let's go!" Yaya ko sa kaniya at di na ko nag-abalang umupo pa.

"Ok." Sagot niya at tumayo na.

While we're on the bus to the mall, Veo was asking me what is the best gift for Lisa.

"Kahit ano naman ibigay mo kay Lisa, sasaya na siya nun. Lalo na at galing sa'yo. Mahal ka nun eh." Inggit na inggit nga ako sa'yo Veo eh. Dahil ikaw ang mahal ni Lisa at hindi ako.

He smiled sadly.

"Woah. What's with that smile?"

Veo looked at me before answering. "Jennie, sampalin mo ako."

UNTITLED, 2017Donde viven las historias. Descúbrelo ahora