VII.

1.6K 25 5
                                    

It's been 1 month simula nung nagsasabay kami sa pag uwi ni sir Veo, at ilang araw nalang at birthday na niya.

Mas lalo kaming nagiging close at mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa pagiging clingy niya?

..Na everytime nasa UV express kami nakasakay eh sumasandal siya sa balikat ko at sinisiksik pa ang mukha niya sa leeg ko.

..Na lagi niya akong pinupuri at binu-boost ang self-esteem ko.

..Na proud na proud sa akin nung sinabi ko sa kanya na running for Cum Laude ako at siya pa talaga ang nagbalita kanila mam Jennie at mam Chu.

Naalala ko nga yung time na yun na mas hyper pa siya sa pag kwento nun sa dalawa..

"Guys! Guess what!"

"What?" Bored na tanong ni mam Jendeuk. Na hindi man lang siya tinitingnan.

"Running for Cum Laude si Mochi!"

"Who the f is Mochi?!" Iritadong tanong ni mam Jendeuk kay Moch- este sir Veo.

"Si Lisa!"

"Hahahaha! Ang baduy naman ng Mochi, Veo! Kadiri ka!" Tatawa tawang asar ni mam Chu kay sir Veo habang si mam Jen ay halatang nagpipigil ng tawa.

"Anong masama sa Mochi?"

"Wala namang masama sa Mochi. Ang masama, yung ang tanda mo na, ganyang tawagan pa ang naiisip mo. Punyeta. Hahahaha!" Ayan na. Nag-umpisa na ding mang-asar si mam Jen.

"Ah basta! Maganda yung Mochi. Kasing ganda ni Lisa." Sabi ni sir Veo sabay tingin sa akin at tinaas baba pa ang kilay niya.

"Tama na nga yan. Hahahaha! By the way, congrats Lisa! Naks, saan pakain mo? Magpapakain ka na ba?" Bati ni mam Chu sa akin.

"Huh? Wala pa po. Di pa naman final yung grades po." Pa-humble kong sabi.

"Ano ka ba?! Claim it! Deserve mo yun!" - mam Jen

"Yeah! Yan nga din sabi ko sa kanya Jen eh. Ayaw maniwala." Gatong naman ni sir Veo.

"Eh mahirap kasi umasa."

"Simula pa naman umaasa ka na man na diba? Ngayon ka pa ba susuko?"

Napatingin ako kay mam Jen na halatang iba ang nais iparating ng sinasabi..

"Lisa! Ano na gift mo sa birthday ni Veo?" Rosé's question brought me back to reality.

"H-huh?"

"Wala ka man lang regalo sa kanya? Paano ka niyan sasagutin?" Like, seriously Rosé?!

"Luh? Ano ako yung nanliligaw?"

"Ay hindi ba?!"

"Aish. Plano ko sana siya lutuan ng adobo. Gusto niya daw kasi matikman yung luto kong adobo."

"Ay wow. Yun lang?"

"Di ko nga alam kung ano ang gusto niya eh."

"Gawan mo nalang ng letter."

"Eh yun nga balak ko kasabay ng adobo, pero naisip ko din is kung bigyan ko kaya siya ng belt since mahilig naman siya dun?"

"Pwede na din. Naks, nagpapalakas talaga sa nililigawan niya oh."

"Kaso yung date ng birthday niya eh yung date na tapos na ko sa OJT ko."

"Hala, oo nga pala. Iiwan mo na ako. So sad beb."

"Yeah. Pero, ano kaya kung labas tayo that day?!"

"Hmmm. Nice idea. Ako, ikaw, sir Veo, mam Jen, mam Chu at Bobby."

"Call! Sabihin ko kanila mam Jen."

--

"Taraaa! Trinoma tayo! Timezone!" Sang-ayon agad ni mam Chu sa yaya ko sa kanila habang si mam Jen eh mukhang nag-iisip pa.

"What's that guys?! Mag Trinoma kayo? Kailan? Sama ako!" OMG! Mam Chu, don't you da--

"Sige Hans! Sama ka! The more, the manier!" My gahd! Napa-mental facepalm ako kay mam JiSoo. Hindi dahil sa english niya kundi sa pag-agree niya na sumama si Hanbin.

"Good! Hahahaha! Kailan ba yun?"

"Sa Friday na! After office. Sabay sabay tayo ha?"

"Sure. Thanks sa pagpayag Lodi." Wt?! Kung alam mo lang Hanbin, kanina pa ko kumontra sa isip ko.

"Hehehe. Wala yun senpai. Sige na, akyat ka na dun. Hanap ka na ni boss Yang "

"Hahahaha. Sige. See you guys! Update niyo nalang ako. Bye!" Hay salamat at umakyat na ang lalaking yun.

"So, dadaan ka pa dito sa office sa Friday?" Tanong ni mam Jen.

"Uhm, yup! Galing naman ako sa school that day so, along the way naman. Keri na."

"So, ok. See you then."

UNTITLED, 2017Where stories live. Discover now