XIV.

1.3K 18 1
                                    

Here I am at their office na naman.

Hinihintay ko si ma'am Jendeuk kasi magpapasama ako sa kanya sa SM North para makipagkita kay Bambam at manunuod kami ng play sa school.

Absent ngayon si Mochi dahil may nilakad din daw siyang mga documents. Di ko na tinanong kung para saan. Well, di rin naman siya nagkusa na magsabi.

"So, tara na Lice?"

"Tara!"

"Babyyyyyyyy--" napalingon kami ni ma'am Jendeuk sa kung saan nanggaling ang boses na yun. "Oh Lisa, kamusta? Buti naman napadalaw ka."

"Hi Senpai! Mukha mo. Lagi nga ako nandito. Kulang nalang mag time in din ako para makasahod na."

"Hahaha! Sige, hingian kita kay Mam Jo ng time card."

"Loko ka talaga sir Hans!"

"Tigilan mo na nga yan Hans, aalis na kami." Putol ni mam Jendeukie sa usapan namin ni sir Hans.

"Saan kayo pupunta, baby?"

"Baby?! K-kayo na?" I'm shookt.

"Oo. Kagabi lang Lice. Tara na." What?

"Kagabi? Eh magka-usap lang tayo kagabi ah. Bakit di mo kinuwento?"

"Sige Lice una na rin ako. Bye!" Paalam ni sir Hans sa akin. "Baby, text ka pag nakauwi ka na huh? Bye!"

"Oo. Bye."

"Oy. Ano na? Kwento?"

"Mamaya na. Sa biyahe. Tara na."


---

"So, nung sabay kayo umuwi galing sa gala natin, yun na yung start nang courting niya sa'yo?"

Nasa bus na kami at kasalukuyan ko siyang hina-hotseat ngayon tungkol sa kanila ni Hanbin.

"Oo? Ata?"

"Ganun? Eh bakit di mo kinukwento sa akin?" Nakakatampo lang kasi. Ako, open na open sa kanya tapos siya di nagkukwento sa akin.

"Ayaw ko nang dagdagan pa yung iniisip mo. Tsaka, wala namang kakwento-kwento sa amin ni Hanbin."

"Kahit na--"

"Tara na Lice, baba na tayo." Andito na pala kami sa SM.

Naglakad na kami papuntang foodcourt para kitain si Bambam na agad ko namang nakita.

"Lalisaaaa!" Tawag sa akin ni Bambam sabay kaway pa sa akin. Nakakahiya talaga tong bestfriend ko.

"Siya ba yung bestfriend mo?" Tanong sa akin ni mam Jendeukie.

"Oo. Nakakahiya ano?"

"Nope. Ang cute niya lang. Wala siyang keber sa paligid niya." And she smiled.

Nakangiti lang siya hanggang sa makupo na kami sa pwesto ni Bambam.

I observed her. She's comfortable with Bambam kahit na first time lang nila magkasama.

Noong una palang naman namin magkakilala ni mam Jennie ay gandang ganda na ko sa kanya. Kung lalaki nga lang ako liligawan ko talaga siya. At bukod sa ganda niya, mabait pa at matalino si mam Jennie. Kaya ang swerte lang talaga ni Hanbin at napa-sagot niya si mam.

"Lisa, phone mo ba yung tumutunog?"

"Kapag sinaktan ka ni Hanbin, masasapak ko talaga siya."

"H-huh?"

"Oy Lisa, ang lapit ng sagot mo sa tanong ni Jennie ah"

"Ha? A-ano ba tanong niyo?"

"Sa'yo daw ba yung nagri-ring na phone?"

At dun ko lang napansin na nagv-vibrate nga ang phone ko.

*My Agape Calling*

I accepted the call.

"H-hello Veo?"

"Hi Mochi! Asan ka? Andito ako ngayon sa SM. Kita tayo."

I looked at mam Jennie na nakikipag-kwentuhan na ulit kay Bambam.

"Andito din kami sa SM. Sa may foodcourt."

"Kayo? Sino kasama mo Mochi?"

"Si mam Jennie. Pati si Bambam."

"Oh? Sige punta ako diyan. Don't end the call huh? Papunta na ko."

"O-ok"

I stand up.

"Guys, wait lang huh?"

"Bakit Lisa?" Si Bambam ang nagtanong sa akin dahil busy si mam Jendeukie sa pag-inom ng milktea niya.

"Sasalubungin ko lang si Veo. Nandito din pala siya sa SM."

"Oh...."

"Hello Mochi? Nandito na ko sa foodcourt saan ka banda?"

Naglakad na ako palayo sa dalawa at kinausap si Veo and ininstruct siya sa dadaanan niya.

After a few minutes, nagkita na kami and he immediately hugged me.

Kumalas agad ako sa yakap niya kasi baka may makakita sa amin. Hindi ako natatakot na may makakita sa amin sa part ko. Ang ikinakatakot ko ay may makakita sa amin na kakilala nilang dalawa ni Sue.

"Tara na sa kanila." Yaya ni Veo sa akin at hinila na ako.

--

Pagdating namin sa pwesto ng dalawa ay tumayo na rin sila.

"Oh dito na pala kayo. Buti naman. Tara na Lisa, malapit na magsimula yung play."

"Saan yung play? Kasama ka nila Jen?"

"Hindi. Hinatid ko lang talaga si Lisa. Ikaw Veo pumasok ka na bukas ha? Susumbong na kita kay sir Yang."

"Sa school Mochi. Tara na." Yaya ko na rin kay Veo.

"Oo papasok na ko, Jen."

"Sabay na ko sa inyo palabas." At nauna nang naglakad si Mam Jennie.

Pagdating namin sa bus bay...

"Babyyyyyyy!"

Napalingon ako kay mam Jennie. "Oy si sir Hanbin."

"Tinext ko siya. Nagpasundo ako." Sabay lakad papalapit kay sir Hanbin.

Veo and Hanbin had their bro hug.

"Una na kami guys ha? Bye." Paalam sa amin ni mam Jen and naglakad na sila palayo ni sir Hanbin.

"Sila na pala? Ang bilis ah."

"Nagulat nga din ako eh.. and hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala."

_____

UNTITLED, 2017Where stories live. Discover now