XXI.

1.3K 17 5
                                    

"B-bakit ka nandito?"

"Here's your gift. Hope you like it." Hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Bakit ka nandito?" I asked again.

"Nung nakita namin yan ni Jennie, hindi na kami nagdalawang isip na bilhin yan. Siya pa nga ang nagpilit na bilhin ko yan para sa'yo. Ikaw na ikaw daw yan. Hope you like it."

Inabot ko ang paper bag at binuksan ito.

I found out na isang malaking violet na Unicorn stuffed toy pala iyon.

"Yung minion nga sana ang kukunin ko eh. Pero hinatak ako ni Jennie papunta diyan sa pwesto niyang Unicorn at sinabi na yan ang bilhin ko for you since gustong gusto mo yung unicorn and color violet pa."

"T-thank you Veo." Tinitigan ko ang stuffed toy. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng oras na to.

"Dinaanan ko pa nga yan sa bahay nila eh. Doon ko kasi yan pinatago. Mahirap na kasi sa bahay since mga pakialamero mga tao doon."

Galing sa bahay nila mam Jennie ito? OM--

"Happy Birthday pala ulit. Mochi." Then smiled at me.

That smile na nakapagpa-inlove sa akin ng husto.

"Lisa! Pakainin mo na yang bisita mo." Putol ni Dada sa pag-uusap namin ni Veo.

"Oh, Pakainin mo na daw ako." Ulit ni Veo sa sinabi ni Dada sabay ngiti ng nakakaloko. Double meaning. Same old Veo. Haay.

"Ano ba handa mo? Sayang hindi nakasama sina Jennie. Yung mag jowang Bobby at Chu, babe time daw nila. Si Hanbin naman nag-OT tapos si Jennie, pinasama ni Tita sa kanya sa Shangrila."

"Sayang naman. Yaan mo na, may representative naman sila eh. Hati kayo ni mam Jen sa gift na yun?"

"Hindi ah. Hahahaha. Akin lang yun. Nagpasama lang ako sa kanya na bumili nyan."

"A-ah. Ganun ba? Thank you nga pala."

"Basta para sa'yo, Mochi."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pinaghain na siya.

"So, ano pala ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ni Veo habang hinihimay yung fried chicken.

"Hmm?"

"Sa regalo ko sa'yo. Yung Unicorn." Paliwanag niya.

"Hmm. Rainbow?"

"Rainbow? Why?"

"Coz there's a Rainbow always after the rain?"

"Hmm? Umulan ba?" Pilosopong tanong sa akin ni Veo.

"Not literally na ulan. Gloomy days kumbaga. Broken days."

"Ahh. Well, if may Rainbow na, it means na there will be a nice and beautiful day ahead na diba? Start over again?" Tanong sa akin ni Veo. But hindi ko siya sinagot at inasikaso na ang mga bagong dating na bisita.

The night went well naman. Nakasundo naman ni Veo ang family ko and ibang friends. Pinakilala niya ang sarili niya bilang manliligaw ko at halos lahat ng bisita ay aprubado sa kanya. Iba din talaga ang dating ng lalaking to.

"Dada, mauuna na ho ako. May pasok pa po kasi ako bukas. Salamat po sa pagkain. Ang sarap po sobra." Paalam ni Veo kay Dada. Aba't naki-Dada talaga. Iba tuloy ang tingin sa akin ni Rosé.

"Naku hijo. Walang anuman. Kung gusto mo, pag nagugutom ka, daan ka dito sa amin parang itong si Rosé."

"Ay taray Rosé, ginawang fast-food chain ang bahay nila Bes." Asar ni Bambam kay Rosé.

"Willing naman kaya si Dada. Diba Da?"

"Oo naman. Ayaw kong may batang nagugutom."

"Ay bongga! Dada! Para sa Kapitan!" Asar naman ni Bambam kay Dada. Loko-loko talaga.

"Hahahaha. Sige po. Lalagian ko na ang pagdaan dito. Kung ok lang kay Lisa?" Sabi ni Veo sabay lingon sa akin.

All eyes on me.

Ganda ko eh.

Chos.

"B-bakit naman hindi?" Alanganin kong sagot.

"Ayun naman pala eh!" Singit naman ni Rosé na halatang inis na sa sagot ko. Mahaba habang paliwanagan ito.

"Thanks Lice. Sige po, mauna na ako. Da, Rosé, Bam."

"Sige/Ok/Ingat pre." - Dada/Rosé/Bambam

Pagkaalis na pagkaalis ni Veo, hinatak agad ako ni Rosé sa kwarto ko at sinimulan nang i-interrogate.

"So, what was that?" Tanong agad niya sa akin pagkalock na pagkalock ng pinto.

"Umm.. I don't know either?"

"Lisa naman! Di ka pa ba nadadala?!"

"Rosé, boses mo."

"Lisa, masasaktan ka na naman." Rosé said with her lowered voice.

"I know. Di naman na ako mapo-fall sa kanya eh."

"How did you know?"

"Coz I'm inlove with Jennie."

--

Omo! 😍😊😂

UNTITLED, 2017Where stories live. Discover now