XIX.

1.3K 24 3
                                    

"Rosé!"

"H-hi mam Jennie."

"Long time no see huh? Kamusta na?" I heard na papalapit na yung boses ni mam Jennie sa pwesto namin ni Rosé so I decided to walk past Rosé.

Itetext ko nalang si Roseanne mamaya kung saan kami magkikita. Jusko naman kasi. Kung kailan mo iniiwasan, at saka pa nagsisipakita ang mga iyon.

"Oh iniwan ka nung kausap mo." Rinig kong sabi ni mam Jennie kay Rosé bago ako makapasok sa loob ng mall.

After almost half an hour, dumating na si Rosé sa hideout ko.

"Jusko naman Lisa! Bakit ka ba bigla biglang nang-iiwan?"

"Para maramdaman mo naman ang feeling nang iniiwan." Sagot ko sa kanya habang namimili ng kanta.

"Naku Lisa ha! Tigil tigilan mo ko diyan sa mga hugot mo. At of all places na pagtataguan mo, dito pa talaga sa Timezone? You're so funny, my friend." Reklamo sa akin ni Rosé at biglang inagaw sa akin ang song book.

"Ay wow. Reklamo reklamo ka pa, eh nang-aagaw ka naman ng song book."

"Para maramdaman mo naman yung feeling nang inagawan." Sagot sa aking ng babaita na ginaya ang una kong hugot sa kanya.

"Ay wow. Sorry naman daw."

"He! Tigil na nga." Awat ni Rosé sa akin habang tinitipa ang number ng kakantahin niya.

"Woah? Catch Me I'm Falling ni Toni G.? Nice nice!"

"Oo. At dedicated to sa'yo."

Inumpisahan na ni Rosé kumanta at ako naman ay pinapanuod siya.

🎶I don't know why but when I look in your eyes
I feel something that seems so right🎶

Umpisang lyrics palang, it hits me na agad. Na everytime na tinitingnan ko siya or magkausap kami, gustong gusto kong nakatingin sa mga mata niya na parang mata ng pusa.

🎶You've got yours I've got mine
I think I'm loosing my mind
Coz I shouldn't feel this way🎶

Sad reality, we're both in a relationship. And it's not right.

🎶How can time be so wrong
For love to come along?
Catch me I'm falling for you🎶

Kailan ba aayon sa akin ang tadhana? Bakit lagi nalang ako biktima ng wrong timing?

🎶I know we can't therefore be more than friends you and me
But why do I feel this way🎶

Alam kong di tayo pwede. Dahil pareho tayong babae. Yun palang mali na. Pero bakit ayaw maki-ayon ng puso ko sa isip ko? Ayaw kong umamin dahil ayaw kong maapektuhan ang pagkakaibigan natin.

🎶Maybe someday I'll see why love did this to me
Coz I can't go along pretending
That love isn't here to stay🎶

Balang araw. Sana. Makaya ko. Dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko.

🎶How can something so wrong?
Feel so right all along
Catch me I'm falling for you!🎶

Na alam kong kahit mali lahat simula palang, makasama lang kita, alam kong magiging tama din ang lahat. Pero sana. Sana. Saluhin mo ako.

Sniff.

"Yaaah! 100! Did you see that Lice?"

Di ko na nagawang sumagot kay Rosé dahil pinipigilan ko na namang umiyak sa harap niya.

"Lice? Hala? Parang tanga to. Huy! Bakit ka naiyak? Halaa." Naramdaman kong lumapit sa akin si Rosé and hugged me.

"Roseanne.."

"Sshhh. Everything will be alright. Di man ngayon, pero alam ko, maayos din lahat yan. In God's time."

"I hope so beb.."

Di ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Ang masaktan ba dahil sa break up namin ni Veo

O

Ang marealize ko na I'm falling inlove with Jennie, pero maling mali ang situation.

"Tara na. Uwi na tayo. Hatid na kita sa inyo. Makiki-kain na rin ako." Yaya sa akin ni Rosé nang huminto ako sa pag-iyak.

"Mmm.. tara." Kumalas ako sa yakap niya at nag-ayos ng sarili ko. Ganun din ang ginawa niya at nung matapos kami ay lumabas na kami sa booth.

Pagdating namin sa bahay ay nakikain nga si Rosé. Tuwang tuwa naman si Dada sa kanya dahil sa gana niya kumain.

"Buti ka pa naa-appreciate mo ang luto ko. Di kagaya nitong si Lisa, walang kagana gana." Sumbong ni Dada kay Rosé na akala mo'y matagal nang magkakilala kung mag-usap.

"Eh ang sarap sarap nga po ng luto ninyo. Next time po ulit dito ako kakain huh? Hahaha." Bola naman nitong si Rosé.

"Aba. Dito ka na matulog para dito ka na mag-almusal. At saka gabi na rin oh. Tawagan mo nalang parents mo."

"Opo. After ko kumain. Hmm! Sarap talaga."

"Bolero talaga tong Roseanne na to."

"Marunong lang siyang umappreciate ng masarap na luto." Tanggol ni Dada sa bago niyang paborito.

"Eh mas masarap naman talaga luto ko kesa sayo eh. Kaya di ko talaga ma-appreciate luto mo." Biro ko naman kay Dada.

"Nagbuhat na naman ng sarili niyang bangko ang loka. Diyan na nga kayo at aakyat na ako para matulog. Goodnight girls."

"Goodnight!/Goodnight po!" Sagot namin ni Roseanne.

"So, girls talk later? Hahahaha." Tanong sa akin ni Rosé.

"Meaning, talking about my lovelife?" I joked at her.

"Meaning, talking about your complicated lovelife." She responded.

I smiled at her. Buti nalang at may isa pa akong kaibigan na mapagsasabihan ng problema ko. Na hindi ako jinudge nang nalaman niya ang current sexual orientation ko.

UNTITLED, 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon