III.

3.1K 32 1
                                    

It's been 3 weeks simula nung nagstart ako nang OJT dito sa YGS. And everything is doing well naman. Akala ko mahihirapan ako ng sobra, pero, nope! Enjoyment ang nafi-feel ko. Para akong naka-tagpo ng family with my co-OJTs and our supervisors.

Ayun si mam Chu, madaldal at makulit pa din, si Mam Jennie naman, surprise! Magkasundo na kami! And mas close na nga kami compared kay mam Chu. Si Rosé, ayun, ini-English pa din ako. Minsan nga naiinis na sa amin si mam Chu, wala na daw siyang maintindihan sa pinag-uusapan namin. And, lastly, si sir Veo, yung crush ko na nasa 3rd floor. Close pala silang tatlo nila mam Chu at mam Jennie.

Lagi nga yun natambay dito sa may pwesto namin. Ewan ko ba kung bakit. Siguro para mang-gulo sa dalawa niyang kaibigan. Bale, napag-alaman ko pala na may girlfriend si sir Veo na nasa Taiwan. 6 years na sila. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit nakikipag-flirt si sir Veo sa isang OJT na si Irene. Na-iisue na nga sila kaya nilipat ng department si Irene eh.

"Lalice, if ever that guy will show some affection towards you, don't assume that he really likes you, ok?" Pangaral sa akin ni Rosé.

"How can I do that? Eh wala pa nga siyang ginagawa, asadong asado na akong magiging kami."

"Just a friendly reminder beb, don't fall for that kind of guy. Kita mo nga, alam ng lahat na he has a girlfriend already but he keeps on flirting to other girls."

"He's just being friendly."

"He's just being flirty kamo."

"Ano ka ba Rosa, bakit ba napunta dito ang usapan natin? Ni hindi nga ko kinakausap nun, i-flirt pa kaya--"

"Hi Lisa! Nakita mo ba si Jendeuk?" Tanong ng aking prince charming, este ni sir Veo.

"Ah.. eh.."

"Oh Veo! Ano na naman ginagawa mo dito? Hinahanap ka na dun sa post mo, nag-iikot ka na naman daw." Bungad ni mam Jennie kay sir Veo pagdating niya galing sa hindi ko alam kung saan.

"Grabe naman sila, wala pa nga akong 5mins na nawawala. Haay. Sige akyat na muna ako." Paalam ni sir Veo sabay alis.

"Yo Lice! Pwede ka daw ba mag-OT mamaya? Idadagdag daw yun sa training hours na na-accumulate mo. Ikaw din pala Rosé."

"Ahh, ok lang.. Itetext ko nalang si dada na mag-OT ako. Rosé, ikaw, mag OT ka?"

"Sure! Libre naman ata ang pagkain, right mam Jendeuk?"

"Yeah! Mag-order nalang tayo mamaya. Lisa, ikaw na mag-order ha?"

"Hi guys! Ano pinag-uusapan ninyo?" Tanong ng bagong dating ma si mam Chu sabay upo sa may post niya.

"May OT tayo Chu. Mag order nalang tayo mamaya ng dinner." Si mam Jennie na ang sumagot.

"Wag na! Kain nalang tayo sa Mang Inasal after! Namimiss ko na ang chicken nila dun. OMG! Excited na ko!" suggestion ni mam Chu na nag clasp pa ng kamay. Kulang nalang pumalakpak pa.

"Hayst. Ok fine." Sang-ayon ni mam Jendeuk sa kanya.

After OT

"Tara na guys! Gutom na ko!" Yaya ni mam Chu. Nagpapapadyak pa. Di mo halatang excited kumain ng chicken. Ako din naman excited eh. First time namin kakain sa labas nila mam and Rosé na magkakasama.

"Guys, nagtext si Veo, nasa baba pa daw siya with Irene. Sama daw sila sa Mang Inasal." Sabi ni mam Jendeuk habang nag-aayos ng gamit.

"Eh di maganda! Madami tayo!"

"Nice!" Sagot din ni Rosé sabay tingin na nang-aasar sa akin.

"Tara na!"

Pagbaba namin, naabutan namin ang dalawa na seryosong nag-uusap.

UNTITLED, 2017Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora