XXXIV.

1.4K 21 6
                                    

"Magkasama pala kayo nung 15 ni Jennie?" tanong sa akin ni Veo habang  naglalakad sa mall.

Tinawagan niya ako kanina para makipagkita dahil may ibabalita daw siya sa akin.

"Huh? Oo. Nagka-yayaan lang. And libre niya daw eh. Sino ba ako para tumanggi sa libre, diba?" pagdadahilan ko kay Veo.

"So, kinwento na ba niya sa'yo kung kailan naging sila nung girlfriend niya? Di ko talaga akalain na bisexual yun si Jennie."

"Ha? Ah. Eh, hindi ko na tinanong. Privacy niya kumbaga." Palusot ko sa kaniya. Sana maniwala ka.

"Hmm? Sabagay."

Haaayy salamat.

"So, saan na tayo?" Tanong ko sa kaniya dahil kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall.

"Ay. Hahaha. Sorry wifey. Katsu Sora tayo. Gusto mo?" Tanong niya sa akin at tumango lang ako sa kaniya.

*bzzt*

Tiningnan ko agad ang phone ko ng maramdaman kong nag-vibrate eto.

From: J🦋
Babe. I miss you.

Napangiti ako ng mabasa ko ang message na iyon ni Jennie.

"Wifey?"

"H-huh?"

"Sino ba yang nagtext at hindi mo man lang naririnig yung sinasabi ko sayo." Inis na puna sa akin ni Veo.

"S-sorry." Hingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"Sino ba yan at grabe ang attention na binibigay mo? Ang sweet pa nang ngiti mo habang binabasa yung message." Halata sa boses ni Veo na inis na siya sa akin. I felt guilty dahil sa ginawa ko.

"Sorry, hubby." I said and give him a hug.

"Oo na. Oo na." Veo dismissed the situation and continued walking towards the restaurant and I just followed behind him silently.

Once we are settled on our table, Veo called the waiter and ordered for the both of us but he didn't bother to ask me what I wanted.

"Isang Chicken Katsu Curry Set, isang Chicken with cheese & Ohba Katsu Set at isang Katsudon. That's all."

The waiter repeated his order and left.

"Hindi mo man lang tinanong kung anong gusto ko?" I voiced out.

He just looked at me and shrugged.

The waiter came back to our table to give the bowls and inform us that we can already avail our unlimited salad.


Veo let me get first and when I came back to our table, he immediately stood up and get his.

We're silently eating our salads while waiting for our main course.

Nang hindi na ako makatiis sa silent treatment niya sa akin ay kinompronta ko na siya.

"Veo, ano bang problema mo? Why are you acting like that?" Mahinang sabi ko sa kaniya pero may bahid na ng inis kong tanong sa kaniya.

...

"Hindi ka ba talaga sasagot?"

...

"Ok! Bahala ka na! Uuwi na ako." Medyo malakas nang sabi ko kay Veo na kahit ang nasa katabi naming table ay napalingon na sa amin.

Padabog akong tumayo at aakma nang tumalikod nang...

"Hi Lisa!" Bati sa akin ni Cha.

"Huh? H-hi Cha." Alanganin kong bati sa kaniya.

UNTITLED, 2017Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin