XX.

1.4K 18 3
                                    

October 31.

2 days before my birthday.

2 weeks since Veo and I broke up.

2 weeks since I distanced myself to Jennie. No calls. No texts. No chats.

2 weeks since I realized that I'm inlove with her.

"So, magbi-birthday ka na, madami ka bang handa?"

Rosé asked. Andito na naman siya sa bahay. Nanggu-gulo ng bahay nang may bahay.

"Huy! Sumagot ka naman! Dada oh! Di ako pinapansin ni Lisa!"

"Lisa! Kausapin mo yang si Rosé! Baka mabaliw na yan."

Patol naman sa kanya ni Dada.

Hayy. Those two. Parang sila ang mag-ina eh.

"Oh yan ha. Sundin mo si Dada mo. Kausapin mo ko beb! Hindi yung nagd-daydream ka na naman tungkol kay J--" tinakpan ko agad ang bibig niya. Lokang to kasi napaka-ingay. Di pa alam ni Dada ang tungkol sa pagiging Bi ko tapos eto, sa kadaldalan niya mukhang mapapahamak pa ako.

"Wala akong handa! Pwede ba, tumahimik ka muna Roseanne. Or much better, kumain ka nalang dun sa kitchen." Sabi ko sa kanya at tinanggal na ang kamay ko sa bibig niya.

"Ay bad mood si ateng! Tag tuyot ba? Hahahaha!" Pang-aasar pa sa akin ni Rosé.

Dinampot ko ang isang unan para ibato sana sa kanya pero mabilis masyado ang gaga at nakatakbo na papuntang kusina.

After a few minutes, bumalik si Roseanne sa tabi ko na may dalang miryenda.

"Pero seryoso Lice, maghahanda ka?"
Tanong niya.

"Di ko nga alam eh. Wala ako sa mood mag-handa."

"Maghanda ka na. Yung other friends mo nalang ang i-invite mo."

"Kung sabagay. Di lang naman kayo ang friends ko."

"Ay wow! Hahahaha!"

"Da! Maghahanda na ko sa 2 ha?!"

"Wala akong pera!" Sagot naman ni Dada.

"Yun lang! Hahahaha!" Diyos ko. Bakit ba ako napapaligiran ng mga ganitong tao?

-

November 2.

My Birthday.

Nagpaka-busy kami ni Dada sa paghahanda.

Simpleng handaan lang naman with family and friends.

Haay. Kung di sana complicated ang lahat, kasama ko din ang barkada na mag-celebrate.

"Oh Lisa, mag-ayos ka na. Baka dumating na ang mga bisita mo. Ako na bahala dito."

"Kaya mo na ba Da? Tapusin nalang muna nating to?"

"Hindi na. Kaya ko na to. Tinawag ko na si Ninang mo para tulungan ako."

"Sure ka Da huh?"

"Oo naman."

"Ok." At umakyat na ako para mag-ayos.

7PM.

Nagdatingan na ang mga bisita ko.

My Highschool friends. Some of my friends noong Elementary. My childhood friends. And si Bambam.

At di rin mawawala ang napakatakaw kong kaibigan.

"Grabe Lisa! Seryoso ka talaga? Ikaw nagluto nito?" Tanong sa akin ni Rosé habang nakatitig sa Carbonara na niluto ko.

"Oo nga. Kulit nito. Kumain ka na nga lang Roseanne."

"Naninigurado lang." Sabay balik sa pagkain niya ng Carbonara.

"Siyempre naman Lisa, maninigurado talaga yang si Rosé, sa itsura mo kasi, di kapani-paniwala na masarap ka mag-luto." Gatong naman ni Bambam.

"Oo nga. Mamaya in-order mo lang pala to tapos pinuri ka namin sa lasa, eh di hindi namin nabigyan ng tamang credits ang totoong nagluto." Aba't di talaga ako titigilan ng dalawang ito.

"Pwede ba--"

"Lisa! May bisita ka." Tawag ni Dada sa akin.

"Sino--" I was shocked nang makita ko siya dito sa bahay. All smiles at may bitbit na sobrang laking paper bag.

"Hi Lice, Happy Birthday!"

---

Sino kaya yun? Hahahaha.
Short update.

btw, Thanks sa lahat ng readers nitong UNTITLED, 2017. :)

ARMYs! Malapit na comeback nila 😊
BLINKs! Comeback is real na! 😍

UNTITLED, 2017Where stories live. Discover now