XXIX

1.3K 19 6
                                    

"Hindi ko naman talaga sinasadya na makita sila doon eh. Nagulat nga ako nung nakita ko silang naglalakad papunta doon sa puno. So, sinundan ko sila. Nagtago ako sa may halaman doon to see what they're doing." Kwento ko kay Hans na all ears ang pakikinig sa akin.

Andito kami ngayon sa Redbox at ikinukwento ko sa kanya nung nakita ko sila Lisa at Veo sa park.

"Pssssh. Nagpaka-paparazzi ka naman?" Tanong niya sabay kain ng Nachos.

"Tse! Basta! Tapos yung nga. Nakita kong ang sweet sweet nila tapos nagkilitian pa sila." I smiled bitterly while reminiscing that scene. "Alam mo yun? Yung feeling na dapat ako yung reason nang pagtawa at pagiging masaya ni Lisa. Pero hindi eh. Hindi ako yung rason. Hindi ako si Veo. And that hurts. That fucking hurts." Hindi ko na napigilang mapaiyak sa harap ni Hans. Yung lahat ng kinikimkim kong sakit eh bigla nalang kumawala.

I cried nonstop for almost half an hour, pero ni pagtawa or pag mock eh hindi ko narinig kay Hans.

"Bakit kasi hindi ako si Veo? Bakit kasi hindi sa akin na-inlove si Lisa?" I looked at Hans. "Hans, bakit?"

"I-I don't know. Ako din, hindi ko alam. Pareho lang naman tayo nang tanong Jennie eh. Bakit hindi alin man sa atin na-inlove si Lisa?" Yeah. Me and Hans are in the same boat nga pala.

"Ang hirap Hans. Ang hirap umasa sa wala."

"Tahan ka na, Jennie. Namamaga na mukha mo oh." Pag-aalo sa akin ni Hans.

Pinilit kong tumahan pero hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng mga luha ko.

"Dapat ko na bang pakawalan tong nararamdaman ko sa kanya, Hans? Ang sakit sakit na kasi eh. At saka, kitang kita ko na masaya na siya kay Veo." Tanong ko kay Hans.

"Kaya mo ba?" He asked.

"Kakayanin. Para naman sa kaniya to eh."

"Ikaw ang bahala. Pero, hindi mo ba susubukang sumugal man lang?"

"Para ano pa, Hans? Para pati pagkakaibigan namin eh mawala din? Kuntento na ako dito, Hans. Kuntento na akong maging kaibigan lang niya."

"Hindi ko alam na martir pala tong kaibigan ko na to." Rinig kong sabi ni Hans sa sarili niya.

"Say what you want, Hans. Pero masaya na akong makitang masaya si Lisa."

"Kahit kapalit nun eh ang unti-unting pagkadurog ng puso mo?"

"Oo."

"Iba ka talaga dude." Hans said and hugged me tightly. "Basta, pag hindi mo na kayang dalhin lahat ng sakit ng dibdib mo, don't hesitate to call me again. Ok?"

I nodded. "Mmm."

I'm glad na kahit papaano eh may napaglalabasan ako ng nararamdaman ko. Yung may napagsasabihan ako ng problema ko at hindi ako iju-judge because he understands what I'm going through. Thank you, Hans.

We stayed like that for a couple of minutes hanggang sa nag-ring ang phone niya.

He looked at me para magpaalam kung pwede ba niyang sagutin yung call, and I nodded.

"Hello? Andito sa Trino. Bakit?"

I browse the song book while waiting for him to end his call.

"Jen."

"Hmm? Why? Aalis ka na?" I asked him.

"Aalis na tayo." He corrected me.

"T-tayo? Saan?"

"Si Bobby yung tumawag. Magkita-kita daw tayo sa Bayan."

"Bakit--" i didn't finished my sentence when my phone rings.

UNTITLED, 2017Where stories live. Discover now