V.

2K 34 4
                                    


"So, bakit ka nga binigyan ni Veo nitong chocolate?" Ma'am Jennie asked. Ang cold ng boses niya habang hawak hawak yung chocolate na binigay ni sir Veo.

Yes. Chocolate yung laman nung inabot sakin ni sir Veo. At imbes na ako ang nagbukas nun, si Ma'am Jendeuk ang gumawa. Ang saya diba?

"Hindi ko nga alam Ma'am Jennie. Kung alam ko lang eh di sana kanina ko pa sinabi ang dahilan." Medyo inis nang sagot ko sa kanya. Kanina pa kasi siya paulit-ulit ng tanong.

"Anong naramdaman mo nung binigay niya to sa'yo?" Medyo kalmado nang tanong ni Ma'am Jennie.

Pero yung tanong niya, WTF?! May alam na ba siya?!

"H-ha?! Ano pinagsasabi mo diyan Ma'am Jen? Hehehe" maang maangam ko kasabay pa ng isang pilit na tawa. Sana maniwala siya.

"Alam mo Lalice, halata ka eh. May gusto ka kay Veo. Halata sa mga tingin mo sa kanya." OmyGod! Ganoon na ba ako ka-transparent? "Ang sa akin lang Lisa, alalay lang sa damdamin. May girlfriend si Veo. Kaya sana, habang hindi pa malalim 'yang nararamdaman mo sa kanya, tigilan mo na." Dire-diretsong sabi ni Ma'am Jen sabay abot ng chocolate at bumalik na sa pwesto niya.

--

"Rosé, bakit ganoon?! Noong isang linggo, binigyan niya pa ako ng chocolate tapos ngayon, isang linggo na niya akong hindi pinapansin?!" Ngawa ko kay Rosé na ngayon ay nagsuksok na ng earphone sa magkabila niyang tenga.

"Ano ba naman yan Rosa!" hinatak ko ang earphone niya kaya naman sinamaan ako ng tingin ng loka.

"Ano ba?!" Iritang sabi ni Rosé.

"Beb! Di niya ako pinapansin!" Ulit ko sa aking sentiment.

"Eh ano naman kung hindi ka niya pinapansin?! Ano ka ba niya?! Ano ba kayo?! May kayo ba?!" Aba't?! May dalaw ba 'tong si Rosé at ang init ng ulo?

"Oo nga! Kayo ba?" OmyGod!

"Ah eh.. Hahaha! Ma'am Jen, may iuutos ba kayo?" Patanong na sabi ni Rosa ng makita si Ma'am Jennie.

"Ah, eto Rosé pakipapirmahan kay Boss Yang. Thank you." Utos ni Ma'am Jen kay Rosé sabay abot ng mga papers.

Pag-alis ni Rosé ay tyaka ako hinarap ni Ma'am Jennie.

"So, ano yung drina-drama mo kay Rosé?"

"Huh? Wala yun. Kaw talaga Ma'am Jendeuk."

"Ano naman kung hindi ka niya pinapansin? Di ba nga mas maganda yun? Kasi siya na mismo ang lumalayo sa'yo para di ka na mahulog pa sa kanya?" Eto na naman po siya. "Lalice, hindi ba sinabi ko na sa'yo na wag kang mahuhulog sa kaniya?"

"O-Oo. H-hindi naman a--"

"Yun naman pala eh. Eh ano tong ginagawa mo? Hinahayaan mo yung sarili mong mahulog sa kanya kahit alam mong wala kang pag-asa."

"Masama bang magka-crush? Crush lang Ma'am Jen ipagkakait ninyo pa?"

"Madami pang iba diyan Lalice."

"Madami pa pero hindi sila ang gusto ko."

Natigilan si Ma'am Jennie. Tinitigan niya ako sa mata and she takes a deep breath.

"Ok. Kung yan ang gusto mo. Siguraduhin mo lang na di ka iiyak ng dahil sa kanya." Yun lang ang sinabi ni Ma'am Jen at umalis na.

Nang uwian, parang walang sagutang nangyari sa amin ni Ma'am Jennie. Sabay-sabay kami nina Rosé, Ma'am Chu, Ma'am Jennie at Sir Veo na umuwi. Habang nasa jeep ay masaya kaming nagkukwentuhan.

UNTITLED, 2017Where stories live. Discover now