XXVIII.

1.3K 20 8
                                    

Back to normal na kami ni Jennie after nung conversation namin but madalang pa rin kami mag-usap thru chat dahil busy daw siya nitong mga nakaraang araw.

Si Hans naman eh nakausap ko na rin at humingi din ng sorry sa akin.

"Da! Alis na ako huh?" Paalam ko kay Dada.

"Sige. Umuwi ka kaagad huh?"

"Opo!" Sagot ko at tiningnan ang oras.

5:45 am. May 15 minutes pa ako para makarating sa usapan namin ni Veo. Nagkayayaan kasi kaming mag-jogging sa park.

Habang naglalakad ako palabas sa subdivision namin ay may narinig akong bumusina sa likod ko pero hindi ko iyon pinansin at gumilid nalang ako ng kaonti.

*Beep beep*

*Beep beep*

*Beep beep*

Ano bang trip ng driver na to. Ang aga-aga lakas mambwiset huh.

Nilingon ko ang bwiset na kotse at nakita ko ang salarin na nakadungaw sa bintana ng kotse at nakangiti ng nakakabwiset.

"Good morning wifey!"

"Alam mo ang gago mo Veo! Lakas mo mambwiset." Pag-rant ko sa kaniya.

"Hahahaha! Sorry na wifey. Sakay ka na, dali."

"Aba't di mo man lang ako ipagbubukas ng pintuan?" Reklamo ko sa kaniya.

"Malaki ka na. Kaya mo na yan."

"Veo ang aga-aga huh? Wag mo ko subukan." Banta ko sa kaniya.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Tanong niya sa akin at lumabas ng kotse.

"Uuwi ako."

"Sasama ako sa'yo."

"No."

"Bakit ba ayaw mo pa ako ipakilala kanila Dada mo na boyfriend mo?" Tanong niya sa akin.

I don't know pero parang hindi ko pa feel na i-introduce siya as boyfriend sa family ko.

Alam mo yung feeling na kahit may trust ka sa kaniya, may kaunting doubt ka pa rin na, baka bukas makalawa eh iwan ka niya and worst, hindi lang ikaw ang masasaktan kundi pati ang family mo since may attachment na rin sila sa isa't isa.

"W-we'll get there. T-tara na?"

Nakita kong napabuntong hininga nalang si Veo at pinagbuksan na ako ng pinto.

Once na maka-settle na kami sa kotse ay tahimik na siyang nag-drive papuntang park.

I tried to talk to him with a different topic para mag-lighten ang atmosphere between us, and thankfully, nakisama siya.

"Dito na tayo."

"Buti nalang konti pa lang ang tao."

"Yeah. Let's go?"

I nodded.

After almost an hour of jogging at paglalandian ay nagpahinga muna kami ni Veo sa ilalim ng puno.

Nilatag niya ang dala niyang towel sa damuhan upang upuan ko at higaan niya.

Yes. Nakahiga siya. At ang ginawa niyang unan ay ang hita ko.

"You know what wifey, ibang iba ka sa mga babaeng nakilala ko." Out of the blue na sabi niya.

"H-huh? Paanong iba? May buntot ba ako? Sungay? Or may nakikita ka bang hindi ko nakikita? Ikaw Veo huh? Umamin ka nga. Napapraning ka na ano?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya na ikinahalakhak niya.

UNTITLED, 2017Where stories live. Discover now