Special Chapter #5

Start from the beginning
                                    

Si Irene at Seulgi pala. So, magkasama pala sila. Magkababata pala sila. Naupo sila sa inupuan namin kanina. Nanatili kaming tahimik ni Mina sa isang tabi.

"Kumusta ka na, Seulgi?" Tanong ni Irene.

"Heto. Masaya dahil nandito ka na ulit." Sagot ni Seulgi sa kanya.

"Condolence nga pala sa nangyari sa lola mo. Everything will be okay, Seulgi."

"So, kaibigan mo pala ang alaga ni Lola noon?" Tanong ni Seulgi sa kanya.

"Yes. Kaibigan ko na rin si Mina."

"I don't like her."

"Bakit naman? Mabait naman si Mina. Nabanggit niyang may di pagkakaunawaan sa pagitan niyo. Bakit 'di niyo siya subukang patawarin?"

"Inalagaan siya ni Yaya. Pero hindi niya nagawang alagaan si Yaya." Sagot ni Seulgi.

"Tama siya~" Bulong ni Mina sa tabi ko.

"Baliw. Hindi totoo yun. Inalagaan mo ang yaya mo. Nagkataon lang na wala ka sa tabi niya noon para protektahan siya. Pero alam kong ginawa mo naman ang best mo." Bulong ko rin kay Mina.

Nagpatuloy na lang kami sa pakikinig sa kanila.

"Hindi ko alam. Basta alam ko naiinis ako sa kanya." Sabi ni Seulgi.

"I'm sure gusto ng yaya mo na mabisita siya ng alaga niya. Pag-isipan mong mabuti, Seulgi. Alam mo kung anong makakapagpasaya sa lola mo."

"What do you mean?" Tanong ni Seulgi kay Irene.

"Mahalaga para sa lola mo si Mina. Sa tingin mo, ayos lang sa kanya na hindi mabisita ni Mina kahit isang beses? Pagbigyan mo na ang kasiyahan ng lola mo. Alam ko namang mabubuti kayong tao. Sadyang nadadala lang kayo ng emosyon niyo ngayon." Dagdag ni Irene.

"Susubukan ko." Sagot ni Seulgi sa kanya.

"Mabuti kung ganun. Salamat sa pakikinig, Seulgi. Alam mo ring ikaw lang ang makakapagpaliwanag nang maayos kay Mang Jinyoung sa mabuting hangarin ni Mina." Dagdag ni Irene sa kanya.

"Huwag ka mag-alala. Kakausapin ko bukas si Papa. Tama ka. Yung kasiyahan parin ni Lola ang mas matimbang. Naaalala ko, kapag umuuwi siya dito sa probinsya, naikukwento niya si Mina." Sagot ni Seulgi kaya napahinga ako nang maluwag.

"Buti kung ganun, Seulgi. Proud ako sayo!" Feeling ko may gusto 'tong si Seulgi kay Irene. Grabe makatitig eh.

"May tanong ako, Irene."

"Ano yun?"

"Taken ka na ba?" Tanong ni Seulgi.

"Hi--Hindi pa."

"Gusto kong ituloy yung pangako ko noong bata pa tayo." Sagot ni Seulgi sabay hawak sa kamay ni Irene.

"Alin?" Clueless na tanong ni Irene.

"Yung pangakong paglaki natin, magiging tayo."

"Huh? Di--Diba joke lang yun? Akala ko balewala lang yun sayo dahil mga bata pa nga tayo noon." Sabi ni Irene sa kanya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now