111: When You Look Me In The Eyes

299 13 9
                                    

A/N: Guys! Sa mga hindi pa napapanood 'tong new short vid ko for MiHyun, panoorin niyo na. HAHAHA.

Mina's Pov:

Nagpapahinga ako sa bahay nang makatanggap ako ng tawag mula kay Dahyun.

On The Phone:

"Hello, Dahyun!"

"Mina!" Nang marinig ko yung boses niya hindi ko napigilang maging emosyonal.

Kailan ko ba huling narinig ang boses niya? Matagal na. Miss na miss ko na yung boses niya. Finally. Tumawag na siya.

"Dahyun, Kumusta ka na? Alam ko na ang lahat."

"Alam ko na rin. Kailangan nating magkita ngayon." Sagot niya sakin.

"Saan? Nasaan ka?!"

"Pa--Papunta na ko. Magkita tayo sa tambayan nating store noon kung saan kumakain tayo ng cup noodles." Sagot niya kaya naman nagmadali na kong kumilos.

"Sige na. Nagdadrive ako eh. Hintayin mo ko. Malapit na ko." Sagot niya kaya naman nagpaalam na ko kila Momo.

End Call

Nang makapagpaalam kila Momo, nagmadali na kong tumakbo para pumunta sa meeting place namin.

Medyo maulan ngayon kaya naman nagdala na ko ng payong. Hindi na ko makapaghintay na muli siyang makita. Habang tumatakbo ako, mas bumibilis yung tibok ng puso ko.

Gusto ko na siyang makita. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya ka-miss. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit dahil sa mga bagay na inisakripisyo niya para lang mailigtas ako.

Nang dumating ako sa labas ng store, hindi ko maiwasang lumingon sa paligid-ligid. Nasaan ka na, Dahyun?

Kahit na maulan at malamig, nanatili akong naghintay sa labas para mabilis niya kong mahanap.

Makalipas ang ilang minuto, napalingon ako sa kung sinong tumawag sa pangalan ko.

"Mina!" Yung boses na 'yun. Alam na alam ko kung kanino.

 Alam na alam ko kung kanino

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now