69: The Kiss

477 12 11
                                    

Note: Guys, Bago tayo magsimulang magbasa sa chapter na 'to. Sa mga di pa nakakapanood nito, Panoorin niyo muna yung short edited video na ginawa ko para sa inyo. Fighting.

Dahyun's Pov:

Nagmadali akong bumalik sa bahay matapos matauhan sa mga nangyari sa pagitan namin ni Mina.

Sa kakamadali ko nga kanina, nakita pa ni Mina ang kahihiyan ko. Nabunggo pa ko sa front door ng bahay ni Momo.

Napahinga ako nang malalim sa pag-upo ko sa sofa.

"Aish. Kim Dahyun, Ano bang ginawa mo?!" Nasabi ko na lang sabay hawak sa ulo ko.

It's my fault. Hindi ko kasi napigilan 'yung sarili ko. She's too irresistable. Mygod, Dahyun. Nagkikiss ba ang magkaibigan lang?!

Sinabi ko pa naman na "we're just friends" tapos ginawa ko 'yun. Ano na lang ang sasabihin at iisipin ni Mina? Malamang nagulat siya sa ginawa ko. Pero ---- tumugon siya sa halik ko.

Napahawak na lang ako sa labi ko habang iniisip mabuti ang mga nangyari. Bigla akong namula nang maalala ko ang malambot niyang labi.

"No! Dahyun! Stop It!" Napahiga ako sa sofa't tinakpan ng throw pillow ang mukha ko.

Hindi ko mapigilang isipin yung mga nangyari. Hindi ko akalain na hahantong sa ganun ang lahat. Malamang nakaramdam sakin ng disappointment si Mina. Pakiramdam ko tuloy nagtake advantage ako sa kanya. Ano bang dapat kong gawin? Paano na ko haharap sa kanya ngayon?

Isa pang problema, nakita ni Jeongyeon. Malamang ikukwento nun sa madaldal na si Chaeyoung. Aish. Masama 'to. Sigurado kong hindi ako titigil ng dalawang 'yun. Aasarin na naman ako ng mga gague.

Inabot na ko ng dilim kakaisip sa mga nangyari. Hindi parin talaga ako mapakali. Hanggang sa marinig ko nang dumating na si Chaeyoung.

"Andito na ko, Dahyun!" Pumasok na siya sa loob. Kasama padin niya si Nayeon. Aba. Hindi pa nakuntento sa date nila. Hanggang pag-uwi, magkasama padin. Yung totoo wala ba talagang gusto si Nayeon kay Chaeyoung o nagpapa-hard to get lang siya sa kaibigan ko? Nevermind. Pake ko ba sa kanila. Ang problema ko ang dapat kong asikasuhin.

"Hello, Dahyun." Bati ni Nayeon sakin.

"Oh. Hey, Nayeon. Kumusta ang date niyo?"

"Date? Hindi 'yun date. Naggala lang kami." Sagot ni Nayeon.

"Ganun na din 'yun." Sabi naman ni Chaeyoung kay Nayeon.

"Mukhang masyado kayong nag-enjoy sa date niyo kaya hanggang ngayon magkasama kayo."

"Nope. I'm not here for Chaeyoung. Gusto ko lang bisitahin ang kaibigan ko. Where's Mina?"

"What?! Akala ko sumama ka sakin kasi gusto mo pa kong makasama" Gulat na sabi ni Chaeyoung.

"Di kaya! Assuming talaga 'to. Kakausapin ko ang kaibigan ko." Sabi ni Nayeon sa kanya.

"Na--Nasa bahay ni Momo si Mina."

"Salamat, Dahyun." Lumakad na si Nayeon para puntahan si Mina sa bahay ni Momo. What if pagkwentuhan nila 'yun? What if sabihin ni Nayeon kay Chaeyoung? Nababaliw na ko sa kakaisip.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now