105: Why?

239 11 3
                                    

Dahyun's Pov:

Sa totoo, narinig ko yung pag-uusap ni Tzuyu at ng Mom niya sa phone. Hindi ko sinasadyang marinig 'yun.

Hindi ko inaasahang makikita ko siyang ganun. Umiiyak papasok sa loob ng kanyang kwarto. Mukhang may problema din siya sa pamilya.

Hinayaan ko na muna siyang mapag-isa sa kwarto niya. Alam kong kailangan niya 'yun. Alam kong hindi maganda ang mga ginawa niya sakin, pero di naman ibig sabihin nun ay gantihan ko rin siya ng hindi maganda.

Nagpahinga na lang muna ko sa kwarto't nagmuni-muni. Kumusta na kaya si Mina? Sigurado akong nag-aalala na yun ngayon. Dapat ko na bang sapilitang kunin kay Tzuyu yung phone ko? Ahm. Mukhang hindi magandang idea yun.

Hahayaan ko na muna siyang makarecover sa problema niya bago ko makigulo sa kanya. Ilang oras din akong nakatulala sa ceiling habang nagiisip sa mga bagay-bagay na nangyayari.

Habang nagpapahinga ako sa kwarto, nakarinig ako ng malakas na pagkabasag. Nagmadali akong lumabas nang kwarto. Bumaba ako papunta sa living room. Naabutan ko si Tzuyu na umiinom ng Soju.

May mga vase na basag basag. Nagkalat ang mga gamit sa paligid. Napatingin ako kay Tzuyu na halata namang tinamaan na ng alcohol. Nakatulala lang siya habang patuloy na umiinom.

"Ahm. Mukhang lasing ka na. Tama na 'yan." Akma ko sanang kukunin yung bote kaso sinigawan niya ko.

"Bakit ganun 'yung Dad ko?!"

"Huh?" Halata namang lasing na siya. Mukhang kailangan na nga niyang tumigil. Baka mamaya niyan, masobrahan siya. Baka kung ano pang mangyari sa kanya. Ako pa ang malalagot.

"Bakit ganun siya?! Nandito naman kami ni Mom. Pero bakit nambababae parin siya? Ano bang dapat kong gawin? Ako na nga 'tong nagpapakamasama para sakin na lang nila ibunton ang galit sa isa't-isa eh. Sakin na lang!" Patuloy niyang sabi.

Nanatili na lang akong nakatayo habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya.

This time, ibang-iba yung Tzuyu na nakikita ko. Tzuyu na may pagmamahal sa magulang niya. Yung Tzuyu na marunong masaktan.

"Bakit ganun? Ginagawa ko naman ang lahat. Ayos lang saking ituring akong masama ng lahat. Basta ang mahalaga, huwag naman silang maghiwalay. Paano na ko? Wala na ngang nagmamahal sakin nang totoo. Lahat ng kumakaibigan sakin o nanliligaw man lang, hindi talaga maganda ang pakay sakin. Masasama silang lahat!" Dagdag niya kaya naman naupo na ko sa tabi niya dahil mukhang hindi pa tapos ang mga sasabihin niya.

"Naisip ko, makakatagpo pa ba ko ng taong pahahalagahan ako? Yung taong maiintindihan ako? I think, kaya inis na inis ako kay Mina. Kasi kahit paano, may mga kaibigan siyang totoo. May mga nagmamahal sa kanya nang totoo. Eh sakin? Ano na? Inituturing lang nila ko na masamang si Tzuyu. Si Tzuyu na spoiled brat. Si Tzuyu na walang ginawang tama. Pero alam ba nila yung story kung bakit ginagawa ko 'yun? Hindi!" Sambit niya kaya naman napakamot-ulo na lang ako nang lumagok ulit siya ng soju.

For some reasons, nakakaramdam ako ng awa kay Tzuyu. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganyan katigas ang puso niya para sa ibang tao. Mas pinili niyang isipin ng lahat na hindi siya mabuting tao. Mas pinili niyang tanggapin lahat ng sisi para lang hindi magsisihan ang parents niya.

"Napapagod na ko." Napalingon na lang ako sa kanya nang mapansin kong umiiyak na naman siya.

Umiiyak talaga siya. Ngayon ko lang nakita yung emotional side niya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora