28: Who's That Girl?

424 17 3
                                    

Dahyun's Pov:

Mag5AM na nang dumating kami ni Mina sa bahay, binuksan ko na ang pinto. Natigilan na lang ako sa kinatatayuan ko nang makitang nakaupo na sa sala sina Momo, Chaeyoung at Jeongyeon.

"Wait. Ba--Bakit gising na kayo?" Nasabi ko na lang. Si Mina nasa labas padin ng bahay. Pinaghintay ko muna siya sa labas.

"Kim Dahyun, Saan ka ba nagpunta? Nang magising ako ng 4AM, wala ka pa. Kaya ginising ko na si Chaeyoung. Tapos pinuntahan namin si Momo, baka kasi nandun ka. Wala ka din 'dun." Kunot-noong sabi ni Jeongyeon.

"Kim Dahyun, Diba di pa tuluyang magaling 'yang sugat mo?! Bakit lumabas ka pa? Aish. Pasaway talaga." Sabi naman ni Momo.

"Tama. Tama. Tama. Akala namin nasangkot ka na naman sa gu--"

"Shut Up, Chaeyoung." Omg. Ang ingay niya. Baka marinig ni Mina sa labas. Kailangan kong patahimikin ang isang 'to.

"Totoo naman eh. Naisip namin na baka nasangkot ka na naman sa kidna---"

"I said, shut up! Isa pa, Chaeyoung. Wag ka ngang maingay. Baka marinig ka niya!" Saway ko kay Chaeyoung.

"Sino ba?" Tanong nila.

"May kasama ko. Wag kayong maingay. Baka marinig niya."

"Sino? Babae ba 'yan?" Tanong ni Jeongyeon sabay ngisi sakin.

"Aba. Bakit may kasama kang babae?!" Nakapamewang na tanong ni Momo.

"Oo. Pwede ba? Tumahimik kayo. Nasa labas siya. Baka marinig kayo eh. Basta, wag na wag niyong sasabihin kung anong buhay ang meron tayo. Pakiusap lang."

"Bakit nandito siya sa ganitong oras? Bakit magkasama kayo? Magkasama kayo magdamag? Saan kayo nagpunta?" Sunod-sunod na tanong ni Momo.

"Aish. Mahabang istorya. Basta wag na lang kayong maingay sa kanya. Siya yung babaeng nakidnapped."

"Whaaaaat?! Bakit nandito siya?!" Tanong na naman ni Momo.

"Mahabang istorya. Basta kailangan niya ng matutuluyan ngayon. So please, tumahimik na lang kayo."

"So siya yung may ari ng puting tela?" Nakangisi pading tanong ni Jeongyeon.

"O---Oo. Bakit ba? Just shup the fvck up, Guys!" Napakunot-noo na lang ako sa kanila.

Lumabas na ko ulit. Nilapitan ko na si Mina na payapang naghihintay sakin sa labas.

"Let's Go. Binalaan na kita. Magulo samin."

"It's Okay. Thanks." Napangiting sagot niya. Sumunod na siya sakin sa loob.

"Guys, She's Mina." Sabi ko kila Chaeyoung bilang pagpapakilala kay Mina.

"Fvck! Siya yung babae sa bar diba?!" Nagulat na tanong ni Chaeyoung.

"Bar? Anong babae sa Bar? Nagbar kayo? Kailan?!" Extra na naman ni Momo.

Medyo may pagka-weird si Momo ngayon ah. Meron ba siya ngayon or sadyang badtrip lang siya dahil lumabas ako ng bahay kahit sinabihan na niya kong magpahinga muna?

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now