13: Kidnapped

460 21 1
                                    

Mina's Pov:

Nang imulat ko ang aking mata, nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Nakahiga ako sa banig habang nakagapos ng tali ang paa at kamay.

"Gising ka na pala." Napalingon ako sa kung sinong nagsalita.

"Nasaan ako?! Sino ka?! Anong ginagawa ko dito?!" Sigaw ko sa kanya.

"Relax. Parating na maya-maya si Boss. May tinuturuan lang siya ng leksyon sa ngayon." Sagot nito sakin.

"Tuloooooong!" Paulit-ulit na paghingi ko ng saklolo.

"Kahit anong gawin mo, walang tutulong sayo dito. Kinidnap ka namin eh. Sinigurado naming walang tutulong sayo. Hahaha." Natutuwa nitong sagot.

"Nasaan ang yaya ko?! Anong ginawa niyo sa kanya?!"

"Siyempre ikaw lang ang pakay namin kaya---" Ngumisi siya sakin.

"Kaya ano?! Anong ginawa niyo kay Yaya?!" Sinubukan kong magpumiglas kaso nakatali ako nang mabuti.

"Kaya hinayaan na lang namin siyang nagsusumigaw sa palengke. Mabuti naman at wala kayong kasamang bodyguards. Dumali tuloy ang trabaho namin." Dagdag nito.

"Pakawalan niyo na ko. Tulong! Tulungan niyo ko!"

"Sinabi nang walang tutulong sayo eh" Sigaw niya sakin sabay kuha ng makapal na tela.

"A--Anong gagawin mo sakin?!"

"Para hindi ka makapag-ingay!" Agad akong tinakpan ng makapal na tela ang bibig ko't initali sa bandang likod ng ulo ko para hindi ako makapag-ingay.

Biglang may bumusina sa labas kaya naman napangiti ang lalaki sakin.

"Mukhang nandito na si Boss. Diyan ka na muna. Makinig ka na muna ng music bago ka mamatay. Yun ay kung kaya mong makawala diyan. Hahaha." Sabi niya sabay lapag sa gilid ng headphones at mp3 player.

Yung bigay sakin ng nakilala ko sa bar. Mabuti na lang at hindi 'yun nasira.

Lumabas na ng madilim na kwarto ang lalaking nagbabantay sakin. Boss? Sinong boss? Si Yaya Jihyo. Ayos lang kaya siya? Kasalanan ko 'to. Dapat hindi na lang ako nagpumilit na sumama sa kanya. Malamang malalagot siya kay Dad. Aish. Myoui Mina, kasalanan mo 'to.

Kailangan kong makawala sa lugar na 'to. Kailangan kong malaman ang kalagayan ni Yaya Jihyo.

Napalingon ako sa pinto nang makitang bumukas ito. Pumasok ang isang lalaking may bigote.

"Kumusta na ang nadakip na prinsesa?" Tanong sakin ng lalaking pumasok sa loob.

Pinilit kong magpumiglas at kumawala pero wala talagang talab.

"Tanggalin niyo nga muna ang nakatakip sa bibig ng babaeng 'to!" Utos niya sa ibang lalaki na agad ding tinanggal ang nakatakip na tela sa bibig ko. Malamang siya yung Boss!

"Sino ka?! Anong kailangan mo sakin?! Pakawalan niyo na ko!"

"Ooops. Palaban ang anak ni Mr. Myoui. Mayamang negosyante. Kaawa-awa naman dahil nasa'min ang kaisa-isang anak niya." Sagot niya sakin sabay ngisi.

"Kung pera ang kailangan niyo, magbibigay kami."

"Yun nga eh. Pera ang kailangan namin. Pero hindi sumasagot sa tawag ang Dad mo. Mukhang wala naman siyang pakialam kung mamatay ka." Sagot niya sakin.

Tama. Di ko agad naisip 'yun. Nasa business trip siya ngayon. Mukhang dito na nga talaga ako mamamatay. Wala namang pakialam si Dad sakin eh.

"Bakit natahimik ka? Handa ka nang mamatay?"

"Bahala na kayo sa buhay niyo." Nawawalan na ko ng pag-asa. Pero si Yaya. Sigurado kong gagawa yun ng paraan para mailigtas ako. Pero----hindi ko nga alam kung ano na talagang nangyari sa kanya.

"Tawagin mo na lang akong Mister X. Bibigyan ka pa namin ng ilang araw para mabuhay. Palalagpasin namin ang pagkakataong 'to. Sa ngayon, magrelax ka na muna dahil may magbabantay na sayo sa lahat ng oras." Dagdag niya.

"Kahit na sino ka pa, wala akong pakialam!"

"Masyado ka na ulit maingay. Patahimikin na ulit 'yan!" Agad na ulit nilang tinakpan ang bibig ko para hindi ako makapag-ingay.

"Good Dog! Pumasok ka dito!" Utos ng Mister X na 'to sa kung sino.

Maya-maya pa, pumasok ang kung sino na may suot na mask at black jacket with hoody.

"Siya si Good Dog. Ang magbabantay sayo sa lahat ng oras." Pagpapakilala sakin ni Mister X sa taong hindi ko makilala ang identity.

Talagang sinigurado ng isang 'to na hindi ko siya makikilala ah. Kung sino man siya, hindi siya uubra sakin.

"Oh My God!" Rinig naming reaction ng pa-nysterious na magbabantay sakin.

"Bakit?! May angal ang mabait naming aso?!" Pasigaw na tanong ni Mister X sa kanya.

"Wa--Wala, Boss." Matipid nitong sagot sa kanya. Familiar yung boses niya. Bat ganun?

"Simulan mo nang magbantay sa ating Prinsesa." Dagdag ni Mister X sabay tulak na kay Good Dog palapit sakin.

Nagulat kami pareho nang saraduhan nila ang buong kwarto dahilan para dumilim na.

"Aish. Ni hindi man lang nila binuksan ang ilaw." Nagulat ako nang bumukas ang ilaw.

Nakita kong nakatayo si Good Dog sa harapan ng switch ng ilaw. Nang lumingon siya sakin, mata niya lang ang tanging nakikita ko nang maayos dahil may takip ang lower part ng mukha niya.

Bakit ganun? Ang mga mata niya. Parang familiar din sakin. Hindi ako makapagsalita dahil may takip ang bibig ko kaya nagpumiglas na lang ako pero hindi na ulit siya nagsalita.

Naupo na lang siya sa isang sulok at nanatiling tahimik. Yung totoo? Bantay ba siya o bilanggo din sa lugar na 'to? Aish. Bahala na nga lang. Ano na ngayon ang mangyayari sakin sa lugar na 'to?

💖To Be Continued💖

A/N: Abangan ang mga susunod na chapters. Dont forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now