54: You Don't Know

348 10 9
                                    

Mina's Pov:

Nang magising ako, nasa tabi ko si Dahyun. Nakatitig siya sakin habang dahan-dahan kong iminumulat ang mata ko.

"Mina." Rinig kong sabi niya.

Nang tuluyan nang luminaw ang paningin ko, nasa isang kwarto pala ako. Kwarto 'to ni Dahyun ah.

"Anong ginagawa ko dito?!"

"Nawalan ka ng malay kaya dinala muna kita dito."

"Aalis na ko." Agad na kong tumayo kaso humarang siya sa daraanan ko.

"No, Mina. Baka hindi mo pa kaya."

"Hindi pa kaya? Lahat na lang ba talaga kayo iisipin na hindi ko kaya? Ano? Pipigilan mo din ako?"

Lahat na lang ng tao iniisip na hindi ko kaya ang sarili ko. Kailan ba nila ako hahayaang magdesisyon para sa sarili ko? Sobrang hina ko ba talaga kaya ayaw nilang ako na ang mag-asikaso sa sarili ko?

"Umalis ka sa dadaanan ko." Seryosong sabi ko sa kanya pero hindi siya nakinig. Patuloy siyang humarang sa harapan ko.

"Please, Mina. Magpahinga ka muna. Kumain ka muna. Nagluto sila Jeongyeon ng pagkain. Kailangan mong magpalakas." Sabi ni Dahyun sakin.

"Magpalakas? Kasi mahina ako? Diba?!"

"Hindi mo naiintindihan. Nag-aalala lang naman ako sayo eh. Please, kumain ka muna." Sagot niya.

"Hindi mo rin naman ako naiintindihan. Since hindi tayo nagkakaintindihan, aalis na ko." Lumakad na ko palabas pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Sandali, Mina. Naiintindihan naman kita eh. Hayaan mo lang akong tulungan ka." Sabi niya habang hawak padin ang kamay ko.

"Naiintindihan? Tutulungan mo ko? Bakit? Close ba tayo? Magkaibigan ba tayo? Magkakilala ba tayo? Diba stranger lang ako? Heto, ginagampanan ko yung role ko bilang stranger sa buhay mo. Ano pa bang gusto mo?!"

"Gusto kong mapalapit sayo." Anong ka-gague-han 'tong sinasabi niya sakin?! Matapos niya kong ituring na stranger, pipigilan niya ko?! Kalokohan. Alam kong lahat sila naaawa lang sakin kaya tinutulungan nila ako.

"Pwede ba? Enough, Dahyun. Hindi ko kailangan ang explanation mo. Aalis na ko." Bago pa ko makalabas ng bahay, nagsisulputan na sila Nayeon, Momo, Chaeyoung at Jeongyeon.

"What's happening here?" Tanong nila samin.

"Aalis na ko." Sagot ko sa kanilang lahat sabay pilit na kawala mula sa pagkakahawak ni Dahyun sa kamay ko.

"Mina, Calm down. Magpahinga ka muna." Sabi ni Nayeon sabay lapit sakin.

"Pati ikaw? Iniisip mo ring hindi ko kaya? Lahat talaga kayo? Grabe, Bakit nga ba nagtataka pa ko? Wala talagang nakakaintindi sakin. Hayaan niyo na lang akong umalis." Sabi ko sa kanila kaya hindi na tuluyang nakalapit sakin si Nayeon.

"Gusto lang naman naming tumulong sayo." Sabi naman ni Jeongyeon.

"Hindi ko kailangan ang tulong niyo."

"Mina, Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh. Bakit pinagsasalitaan mo ng ganyan ang mga kaibigan ko?!" Tanong ni Momo sakin.

"Isa ka pa. Momo, Ayaw mo naman sakin diba. Ramdam ko na masungit ka sakin. Why? Tell me the reason. Dahil ba mahina ako? Dahil pabigat lang ako?"

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now