20: Her Name

453 16 2
                                    

Dahyun's Pov:

Nang imulat ko ang mata ko, nasa isang unfamiliar na kwarto na ko. Anong ginagawa ko dito? Nang maalala kong katatakas ko lang pala mula sa isang sindikatong grupo, napaiktad ako sa kinahihigaan ko.

"Ouch!" Napainda ako nang mapabangon ako sa kama. Biglang sumakit yung sugat ko sa kaliwang braso.

"Dahyun, relax." Napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko si Chaeyoung at Jeongyeon.

"Na---Nasaan tayo? Anong nangyari?"

"Nandito tayo sa hospital. Dinala ka namin para magamot yang sugat mo sa kaliwang braso. Mabuti na lang at naagapan din agad. Si Momo ang unang nakakita sayo. Humingi siya ng tulong samin kaya dinala ka na namin." Sagot ni Jeongyeon.

"Sa--Salamat. Di niyo na naman ako dapat dalhin sa hospital. Wala tayong pambayad."

"Gague ka ba? May sugat kang patuloy sa pagdugo. Tanging puting tela lang ang nakalagay diyan habang naglalakad ka pauwi sa bahay. Nawalan ka ng malay, tapos sasabihin mong di ka na dapat dalhin dito. My god, Kim Dahyun." Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Chaeyoung.

Oo nga pala, yung puting tela. Yung babae. Ano na kayang nangyari dun? Naalala ko, her name is Mina. Nakauwi kaya siya nang maayos? Wait, Am I really thinking about her? Gosh. I'm going crazy. She's nothing. Seriously.

"Nasaan yung puting tela na 'yun?"

"Ba--Bakit?" Tanong nila sakin.

"Basta."

"Here." Agad nang iniabot sakin ni Jeongyeon. Inilagay ko na ito sa bulsa ko.

"Salamat."

"Kanino ba yan? Ano bang gagawin mo diyan? Para isang maliit na puting tela lang yan na may stains ng dugo mo eh." Curious na sabi ni Chaeyoung.

"It's none of your business." Sagot ko na lang.

"Mukhang okay ka na, Dahyun. Nagagawa mo na ulit kaming sungitan eh." Dagdag ni Chaeyoung.

"Okay na nga ko. Gusto ko nang lumabas."

"Ano bang nangyari, Dahyun? Bakit may sugat ka? Ano nang nangyari sa mga sumugod dito sa bahay? Saan ka nila dinala? Paano ka nakatakas?" Tanong nila sakin.

"Mahabang istorya, saka ko na lang ikukuwento. Basta, ang mahalaga ay makalabas ako dito. Wala tayong pera pambayad kaya sa tingin ko kailangan kong tumakas. Mauna na kayong umalis, ako nang bahala sa pagtakas."

"Walang tatakas." Natigilan kami sa biglaang pagpasok ni Momo sa loob.

"Mo---Momo."

"Nakalimutan namin sabihin, kasama nga pala namin si Momo." Sabi ni Jeongyeon.

"Tatakas ako. Mauna na kayong umalis."

"You don't have to. Binayaran ko na yung hospital bills mo." Sagot ni Momo.

"What? Bakit? Di mo na dapat ginawa 'yun, Momo!"

"Pero gusto kong gawin 'yun para sayo, Dahyun. Alam kong tatakas ka, alam ko ring magiging dahilan yun ng kapahamak mo na naman. I won' let that happen. Don't worry, di galing sa masama ang pera. Galing yun sa ipon ko. Buti na lang may ipon ako." Sagot niya sakin.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon