35: First Move

368 13 2
                                    

Jeongyeon's Pov:

Unang gabi ni Mina sa lugar namin. Magkasama sila ni Dahyun ngayon sa labas ng bahay namin. Anong ginagawa nila? Nagkukwentuhan siguro sila ni Dahyun tungkol sa kung ano-anong bagay.

I'm sure that they're getting closer and closer whenever they're with each other.

Nakatayo lang ako sa isang tabi habang nagmamasid sa kanilang actions. Si Chaeyoung natutulog na sa loob ng bahay.

Biglang nakuha ng atensyon ko si Momo na nakaupo sa labas ng bahay niya. Shet. Anong ginagawa niya dun mag-isa? Talaga bang pinapanood pa niya si Dahyun at Mina?

Obvious sa mukha niya na nagseselos siya. Kumilos na ko't lumapit sa kanya. Dahil abala masyado si Mina at Dahyun, di na nila napansin na nasa paligid nila kami ni Momo.

"Hey, Momo."

"Oh, Jeongyeon. Gising ka pa pala." Sabi niya kaya naupo na ko sa tabi niya.

"Yup. Di pa ko inaantok eh."

"Same."

"Yun ba talaga ang rason?"

"What do you want to say?" Tanong niya kaya inituro ko sila Mina at Dahyun.

"Oh, Ano namang kinalaman nila sa 'di ko pa pagtulog?"

"You're jealous."

"Grabe. Ako? Magseselos? Sa kanila? Seryoso? Haha. Sinong nagsabi? Wala nga kong pakialam sa pinaguusapan nila eh." Sagot niya sakin. Nako, kunwari pa siya eh. Kahit naman gaano umacting si Momo na hindi siya nasasaktan, di padin ako maniniwala.

Alam kong may gusto siya kay Dahyun. Halatang-halata kaya namin ni Chaeyoung noon pa. Pumupunta si Momo sa bahay para lang makita si Dahyun noon. Ginagawa pa niya minsang dahilan na may niluto siyang pagkain kaya bumisita siya samin. Pero ang totoo, kay Dahyun niya lang talaga gustong ipakain ang niluto niya. Hahaha. Grabehan din ang estilo ni Momo. Makaluma na. Lol

"Fine. Sabi mo eh. Mukha ngang close na 'yung dalawa." Sagot ko kaya napatingin si Momo sakin.

"Hindi kaya. Mukha ngang pinaguusapan nila kung kailan aalis si Mina eh." Depensa ni Momo habang naka-pout pa.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. She's cute. Haha. Obvious na talagang nagseselos siya.

"Momo, why don't you try to love someone else?"

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong niya sabay tingin ulit kila Dahyun.

"Malay mo nasa tabi-tabi lang 'yung tunay na nagmamahal sayo."

"Mahal kita." Sagot niya sakin sabay smile.

"Huh? A--Ako?" Hala. Yung heartbeat ko ang bilis masyado. Sasabog na ata yung puso ko. Ako? Mahal niya?

"Yes. Mahal kita. Mahal ko si Chaeyoung. Mahal na mahal ko si Dahyun." Klaro niya nang nakangiti padin.

Ouch. Yung "Mahal na mahal ko si Dahyun" yung sumaksak sa puso ko eh. Sakin, mahal lang. Pagdating kay Dahyun, mahal na mahal.

Akala ko mahal na talaga niya ko sa paraang gusto ko. Hindi pala. Umasa na naman ako.

"Ye--Yeah. Mahal din ki--." Nakangiting sabi ko kaso di ko na nagawang sabihin nang buo dahil tumayo na siya.

"Matutulog na ko. Goodnight." Sabi niya sabay pasok na sa loob.

Aish. Nasayang ata ang chance ko na sabihin sa kanya 'yung gusto kong sabihin. Akma ko sana siyang susundan kaso bigla akong tinawag ni Dahyun.

"Jeongyeon! Gising ka pa pala." Sabi ni Dahyun sakin.

"Goodnight, Jeongyeon." Sabi naman ni Mina sakin. Pumasok na rin sa loob ng bahay ni Momo si Mina. Mukhang tapos nang magkwentuhan sina Mina at Dahyun. Kaya naman pala matutulog na si Momo. Binantayan lang yung dalawa. Grabe. Iba ka talaga, Kim Dahyun.

"May sasabihin lang ako kay Momo." Akma na sana akong papasok sa loob ng bahay ni Momo nang akbayan ako ni Dahyun.

"Bukas na lang, Jeongyeon. Let them rest for now." Sabi niya kaya wala na kong nagawa.

Sumama na lang ako kay Dahyun pabalik ng bahay. Sayang 'yung chance ko kanina. Kainis. I'm about to make my first move but Dahyun stopped me.

Siguro may next time pa naman eh. Sa susunod, sisiguraduhin kong magagawa ko na ang dapat kong gawin.

💖To Be Continued💖

A/N: Any JeongMo, MiHyun & DahMo shippers here? Fighting!

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now