88: My Everything

331 12 5
                                    

Mina's Pov:

Tanghali, nakatambay lang ako sa labas ng bahay ni Momo nang biglang sumulpot si Dahyun. Tumabi siya sakin. Si Jeongyeon kasi ang sumama kay Momo sa pagtitinda sa stall ngayong araw. Si Nayeon at Chaeyoung naman nagde-date sa paligid ng lugar. Nagba-bike silang dalawa.

"Mukhang malalim ang iniisip mo." Sabi niya sakin.

"Di naman. Naiisip ko lang 'yung mga bagay na nangyari simula nang makilala kita." Sagot ko sa kanya.

"Ganun ba? What's wrong? May problema ka ba?"

"Wala naman. Naiisip ko lang kasi kung hanggang saan tatagal yung happiness na nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako na baka isang panaginip lang ang lahat." Nakayukong sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Kung panaginip lang ang lahat ng 'to, sabihin mo sakin. Gagawin kong totoo 'yung masasayang ala-ala na nangyari sa panaginip mo."

Napangiti na lang ako hanggang sa hawakan niya ko sa kamay.

"Dahyun, simula nang makilala kita naging masaya 'yung buhay ko. Salamat sa lahat."

"Ako nga ang dapat magpasalamat. Dahil sayo, natutunan kong buksang muli ang puso ko para sa mga taong hindi umalis sa tabi ko. Maraming salamat."

"Pangako. Hindi kita ipagpapalit sa kahit na anong bagay. Ikaw parin ang pipiliin ko hanggang sa huli." Dagdag ko.

"Ganun din naman ako. Pangako! Poprotektahan kita kahit na anong mangyari." Sagot niya sakin sabay ngiti pa. Yung ngiti talaga niya yung nagpapakalma sakin sa tuwing nago-overthink ako. Hindi nakakasawang pagmasdan.

"Tama. Hanggang sa huli, ikaw padin. Walang makakapagpabago nun." Sagot ko sa kanya. Tuluyan na kong naluha dahil sa masasayang ala-ala na naaalala ko.

"Don't cry, Mina. Nakakainis kasi. Kahit umiiyak ka, maganda ka padin. Naiinlove padin ako sayo kahit umiiyak ka na." Sabi niya sabay pahid sa luha ko.

"Masaya lang talaga ako na kasama kita ngayon."

"Masaya din naman akong nandito ka sa tabi ko. Hindi ka na nga makakawala eh. Hindi kita pakakawalan." Sabi niya sabay akbay sakin.

Nagulat naman ako nang bigla niya kong halikan sa pisnge.

"Para saan 'yun?"

"Wala lang. Gusto ko lang. Haha." Natatawang sagot niya.

"Ano 'yun?!" Tanong ko sabay turo sa kaliwang side niya kaya naman napalingon siya dun.

"Wala na----" Hindi na siya natuloy sa pagsasalita dahil sa sumunod na ginawa ko.

Nang lumingon ulit siya sakin, sinalubong ko na siya ng isang passionate kiss sa labi. Nagsimula nang magtugon-an ang halik naming dalawa.

Sa mabilis na pangyayari, hindi ko na naintindihan kung paano kami nakarating sa living room sa bahay nila Dahyun nang hindi humihinto ang paghalik namin sa isa't-isa.

Dahan-dahan akong napahiga sa sofa hanggang sa pumaibabaw sakin si Dahyun.

"I love you, Mina." Sabi niya habang nakatitig sakin nang punong-puno nang pagmamahal niya.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now