5: High School Classmate

522 16 2
                                    

Mina's Pov:

Nakaupo lang ako sa kwarto habang nakapwesto sa may bintana. Namimiss ko nang lumabas ng mansion. Mas mabuti pa nung nag-aaral pa ko, at least noon nakakalabas pa ko. Ngayon, di na talaga.

Ano pang reason ko sa paglabas? Alam ko namang hindi tatanggapin ni Dad ang kahit na anong idahilan ko.

Miss na miss ko na talag si Mom. Nung buhay pa siya, isinasama niya ko palagi sa Mall. Kung nandito lang talaga siya. Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang isang idea, what if puntahan ko na lang ang puntod ni Mom? Tama. Miss na miss ko na talaga siya eh.

Agad na kong kumilos at nag-ayos ng sarili para sa paglabas ko. Siyempre, nagsuot ako ng maganda't bagong bistida. Alam ko namang di ako papayagan lalo ni Dad lumabas kung magsusuot ako ng di niya gusto.

Bumaba na ko sa hagdan, nakita ko si Dad na paalis na.

"Dad!"

"Why? Oh. Ayan! 'Yan ang sinasabi kong suutin mo hindi yung mala-basurang pajama mo." Sabi kaagad niya nang makita ako.

"Dad, Pwede ba kong lumabas?"

"No." Sagot niya sakin kaya nalungkot ako.

"Pero gusto kong bisitahin ang puntod ni Mom."

"Hindi na kailangan. Magpapadala na lang ako dun ng bulaklak sa tauhan ko."

"Pero gusto kong ako mismo, Dad."

"Susuwayin mo na naman ba ko?"

"Dad, kahit ngayon lang. Please let me." Pakiusap ko sa kanya.

"No."

"Isasama ko na lang si Yaya Jihyo."

"Hindi mo pwedeng gambalain ang Yaya mo. May ipinag-utos ako sa kanya. Darating mamaya dito ang mga business partners ko para sa isang meeting. Magpakaayos ka, Mina." Dagdag niya.

"Kahit ako na lang, Dad. Kaya ko na naman ang sarili ko. Hindi ako maliligaw. Pangako. Pagbigyan mo na ko kahit ngayon lang."

"I said, No."

"Kung ganun mapipilitan akong pilitin ka, Dad. I'll wear my favorite pajamas later. Please, Dad. Diba ayaw mo namang makita nila akong katawa-tawa."

"How dare you?! Nagmamatigas ka na?! Subukan mo kong ipahamak! Anak lang kita. Ako ang ama mo. Wag mo kong ipahiya." Galit na sabi ni Dad.

"Si Mom ang pinag-uusapan dito, Dad. Si Mom. Alam mong seryoso ko sa sinabi ko."

"Fine. Hahayaan kitang lumabas ngayon pero sasamahan ka ng mga tauhan ko. Wag na wag kang gagawa ng kalokohan na ikasisira ng imahe ko. Umuwi ka rin kaagad dito. Hindi ko alam kung bakit nagsisimula nang tumigas yang ulo mo. Pareho kayo ng nanay mo! Go." Sambit niya kaya lumakad na ko.

Maya-maya, sumunod sakin ang dalawang tauhan ni Dad para magbantay. Hinayaan ko na lang, ang mahalaga ay makapagdala ko ng flowers para kay Mom.

Sumakay na ko sa kotse't nagsimula nang magmaneho ang tauhan ni Dad. Bumili na muna ko ng bulaklak bago tuluyang dumaan sa sementeryo kung saan nakalibing si Mom.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now