81: One Sided Love ?

317 10 0
                                    

Chaeyoung's Pov:

Sa totoo, hindi ko alam kung ano ba talagang meron samin ni Nayeon.

May mga moments na pinapakita niyang gusto niya ko pero madalas, parang wala siyang pakialam sakin.

Ano ba talaga ang meron samin? Meron bang kami? Meron ba kong pag-asa? Gusto rin ba niya ko?

Naiisip ko tuloy na baka tama si Dahyun. Baka nga hindi talaga ako gusto ni Nayeon.

Sino ba naman kasing mag-aakala na ang isang katulad ko na nakapagpaiyak na ng marami noon ay titino dahil sa pagdating ng isang magandang babae sa buhay ko?

Aminado kong marami na kong nai-date noon kahit hindi ko talaga sila gusto. Aminado kong para sakin laro lang ang pagmamahal. Mukhang ito na ang kaparusahan sa pagiging loko ko noon.

Nakakainggit tuloy sina Dahyun at Mina. Kahit naman hindi nila sabihin, alam namin na merong namamagitan sa kanila. Eh, kami ni Nayeon?

Naupo na lang ako mag-isa sa labas ng bahay. Nagmumuni-muni. Nag-iisip kung tama bang ipagpatuloy ko pa 'to.

"Hey Chaeyoung!" Biglang sumulpot si Dahyun sabay tabi sakin.

"Oh, Bakit?"

"Bakit malungkot ka?"

"Wa--Wala. Hindi naman ako malungkot."

"Kilala kita. Wala kang maloloko dito. Anong problema?"

"Mukhang nasa one-sided love ako." Pag-amin ko sa kanya.

"Huh? Bakit mo naman nasabi?"

"Mukhang di naman talaga ako gusto ni Nayeon. Mukhang tama ka."

"Ano ka ba naman? Wag mo seryosohin 'yung biro ko. Hindi totoo 'yun. Inaasar lang kita. Sorry, mukhang dinamdam mo. Di ko na uulitin." Inakbayan niya ko.

"Ayos lang. Sa tingin mo, may pag-asa pa ko sa kanya?"

"Oo naman! Ikaw pa. Sa dami mong napaiyak noon, kaya mo 'yan."

"Pero iba si Nayeon."

"Huh?"

"Hindi ko siya ibibilang sa mga napaiyak ko noon. Ibang-iba siya. Seryoso ko kay Nayeon. Gusto ko talaga siya."

"Mukhang tinamaan nga ang kaibigan ko. Haha." Ginulo ni Dahyun ang buhok ko.

Aminado kong palagi kaming nag-aasaran ni Dahyun. Pero ganun talaga kami magbonding. Sa huli, isa't-isa ang karamay namin.

"Simula nang makita ko siya sa Bar, nagbago na ang lahat. Noong gagawin ko na ang dare ko na kunin ang phone numbers ng ibang tao, nakuha ng atensyon ko si Nayeon. Ang ganda niya habang sumasayaw sa dance floor. Yung ngiti niya, gustong-gusto ko. Matapos ang gabing 'yun, phone number niya lang 'yung hindi ko ni-delete sa mga nakuha ko." Pagsasalaysay ko habang inaalala ang unang pagkikita namin ni Nayeon.

"That's my friend. Ano ka ba? Wag kang sumuko. Bakit 'di mo tanungin si Nayeon kung ano ba talaga ang meron sa inyo? Bakit 'di mo subukang alamin?"

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz