106: Threats

305 14 7
                                    

Nayeon's Pov:

Papunta ko ngayon kila Momo para bisitahin ulit sila. Alam kong kailangan ako rin ako ni Mina dahil hindi parin bumabalik si Dahyun.

Ang dami nang nangyari. Ang dami na ring nabago at nagimprove. Isang halimbawa na dun ang relasyon namin ni Chaeyoung.

Nung una may pag-aalinlangan pa ko sa kanya dahil sa takot na mapagaya sa iba. Pero nang sabihin na niyang hindi niya ko sasaktan, wala akong nagawa kundi maniwala sa kanya. Mahal ko siya. May tiwala ako sa kanya.

Pagdating ko, sinalubong na agad ako ni Chaeyoung ng isang yakap.

"Nayeon ko~" Nakangiting sabi niya sabay yakap sakin.

"Namimiss mo parin ako kahit na everyday tayo magkausap sa phone?"

"Oo naman! Alam mo namang love na love kita." Sagot niya kaya naman napangiti na lang ako.

"Oh! Mabuti naman napabisita ka ulit." Sabi ni Jeongyeon nang makita ako.

Nakita ko namang nasa isang sulok lang si Mina habang hawak ang phone niya. Mukhang inaabangan parin niya kung tatawag o magrereply si Dahyun sa kanya.

"Mina, Nandito si Nayeon." Sabi ni Momo kay Mina na abala sa phone niya.

"Hello, Nayeon. Mabuti pa si Nayeon, bumabalik. Si Dahyun, hindi parin." Malungkot na pagkakasabi ni Mina sabay pasok na lang sa loob ng bahay. Sinundan naman nila Jeongyeon at Momo si Mina.

"Anyare dun?" Tanong ko sa kanila.

"Sobrang nag-aalala na kami dahil wala kaming communication kay Dahyun. Mag-iisang linggo na!" Sagot ni Momo sabay ilang na lang.

Bigla tuloy akong may naalala. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.

"Hoy! Nayeon!" Sabi ni Chaeyoung na nagsasalita pala sa harapan ko.

"Ah. Ano 'yun?"

"Ayos ka lang? Kinakausap kita eh. Sabi ko, tara na sa loob." Sabi niya kaya napatango na lang ako't sumunod sa kanila sa loob.

Pagpasok namin sa loob, napatingin ako kay Mina na malungkot na nakaupo sa sofa.

"Mina, Maghintay pa tayo. Alam naman naming kaya mo 'yan eh. Malalagpasan din natin 'to." Sabi ni Momo na nasa tabi ni Mina.

"Huwag tayong magisip ng kung ano-ano tungkol kay Dahyun. Hintayin natin ang pagbabalik niya." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Pinipilit kong manatiling positibo pero hindi niyo maaalis sakin ang mag-alala. Mahirap!" Naiiyak na sagot ni Mina samin.

"Everything will be okay." Dagdag naman ni Jeongyeon.

Nakakalungkot isipin na wala akong magawa para tulungan ang kaibigan kong si Mina.

"Don't Cry. Hindi magugustuhan ni Dahyun na malamang umiiyak ka." Lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng isang yakap.

"Miss na miss ko na siya." Tuluyan nang umiyak si Mina.

"Nandito lang kami para sayo." Dagdag ko sa kanya habang pinatatahan siya nila Momo at Jeongyeon.

Napalingon ako kay Chaeyoung na bigla akong hinawakan sa kamay.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now