38: She's Magical

357 16 2
                                    

Momo's Pov:

Nagising ako ng 5AM dahil sa pagtunog ng alarm-clock ko. Maaga kasi akong magtitinda ngayon sa stall ko.

Nag-ayos na ko ng sarili't natigilan sa harapan ng kwarto kung saan natutulog si Mina.

Kung isama ko na kaya siya sa pagtitinda ngayon? Wala namang masama. Kailangan ko rin naman ng katulong.

"Mina. Gising ka na ba?" Kinatok ko ang pinto ngunit walang sumasagot. Tulog pa yata siya.

"Sige. Bukas ka na lang magsimulang magtinda." Dagdag ko pero wala padin talaga. Hinawakan ko ang doorknob. Nagulat ako nang hindi pala nakalock ang pinto ng kwarto. Dahan-dahan ko itong binuksan. Nagulat ako nang malaman kong wala na si Mina sa loob.

Maaga siyang nagising? Saan naman siya nagpunta? Wala naman siya dito sa loob. Hahayaan ko na lang sana nang biglang pumasok sa isip ko na baka pinuntahan niya si Dahyun.

Nagmadali na kong kumatok sa bahay nila Dahyun nang paulit-ulit hanggang sa magbukas ang pinto.

"Sino ba 'yan? Agang-aga eh!" Rinig kong reklamo ni Jeongyeon.

"Jeongyeon, It's me!" Sabi ko kaya naman nagulat si Jeongyeon. Mukhang natutulog pa sila ni Chaeyoung kaso binulabog ko sila.

"Oh! Ikaw pala, Momo. Anong ginagawa mo dito? Maaga pa ah."

"Nandiyan ba si Mina?"

"Wala." Sagot niya sabay hikab pa.

"Pasensya na sa pangiistorbo. Nandiyan ba si Dahyun?"

"Teka. Silipin ko sa kwarto niya." Sabi ni Jeongyeon sabay balik sa loob.

"Wala rin siya dito. Baka may pinuntahan sila." Sagot ni Jeongyeon nang balikan niya ko.

"Huh? Magkasama sila? Ganito kaaga? Saan naman sila pupunta?"

Bigla akong nakaramdam ng paghihinala na mas nagiging malapit na nga sila sa isa't-isa.

"Malay ko. Pareho silang wala, Diba? Malay natin may pinuntahan sila na di natin alam."

"Thanks. Mauna na ko."

"Wait! Saan ka pupunta?" Tanong ni Jeongyeon sakin sabay kamot sa ulo niya.

"Basta."

"Sandali!" Biglang hinawakan ni Jeongyeon ang kamay ko.

"Why?"

"I know, hahanapin mo sila. Diba?"

"Of course not. Magpupunta ko sa stall ko para magtinda nang maaga." Sa totoo, tama si Jeongyeon. Hahanapin ko nga sila Dahyun. Mamaya na lang ako magtitinda kapag nahanap ko na sila.

"Kilala kita. Wag ka nang magpunta kung saan-saan. Hintayin mo na lang sila." Dagdag niya.

"Jeongyeon, Just let me."

"I won't let you go alone. I'll come with you." Lumabas si Jeongyeon ng bahay kahit na nakapajama pa siya. Sumama siya sakin sa paglalakad.

"Momo, Kung may biglang dadating sa buhay mo na handa kang mahalin nang totoo. Anong gagawin mo?" Biglang nagtanong si Jeongyeon sakin.

"Wala. May iba akong mahal eh." Nasagot ko na lang dahil totoo naman na may mahal akong iba. Si Dahyun, siya lang.

"Paano kung hindi ka naman kayang mahalin ng taong mahal mo? Paano kung may mahal siyang iba?" Dagdag niyang tanong.

Dapat ko bang sagutin ang tanong niyang nakakasakit sa damdamin? Aish. Ang sakit isipin na hindi ako kayang mahalin ni Dahyun sa paraang gusto niya. Ang malala, may mahal siyang iba. Ganern! Iniisip ko palang nasasaktan na ko.

"Maglakad na nga lang tayo. Tama nang tanong." Tumango na lang siya sakin at sumunod na sa paglalakad.

Habang naglalakad kami, nagsisimula nang lumiwanag dahil mag-uumaga na.

"Momo, May sasabihin ako sayo." Sambit ni Jeongyeon kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Ano 'yun?"

"Momo, Gusto ki--" Natigilan si Jeongyeon nang biglang may tumawag samin.

"Momo! Jeongyeon!" Napalingon kami sa di kalayuan. Nakita namin sina Dahyun at Mina na naglalakad palapit samin.

Omg! Magkasama nga silang dalawa. Hindi ako nagkakamali. Huhuhu. Bakit magkasama na naman sila nang sila lang? Saan kaya sila nagpunta? Nagdate ba sila?

"Momo, Gus--" Rinig kong sabi ni Jeongyeon pero dahil masyado akong nakafocus kila Dahyun, di ko na siya nagawang pakinggan pa.

"Next time mo na lang sabihin, Jeongyeon." Sabi ko sabay lapit na rin kila Dahyun.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Dahyun samin.

"Wa--Wala. Naglalakad-lakad lang. Kayo?"

"Nag-agahan lang sa labas."

Wth?! Nag-agahan sila sa labas? Eh, never pa nga kong niyaya ni Dahyun na magbreakfast sa labas. Sa totoo, ni hindi nga siya nagbe-breakfast. Nagpapalipas siya ng gutom noong wala pa si Mina. Aish. Tapos ngayon? May nalalaman pa siyang nag-agahan lang sila sa labas? Kim Dahyun, you're breaking my heart.

"Momo, mag-agahan din tayo sa labas. Let's go." Yakag ni Jeongyeon sakin.

"Di ako nagugutom. Ikaw na lang. Thanks."

"Si--Sige. Mabuti pa bumalik na tayo sa bahay." Sabi ni Jeongyeon kaya naman nagsimula na kaming maglakad pauwi.

"Magsisimula na ba kong magtinda ngayon, Momo?" Tanong ni Mina sakin.

"Next time na lang. Thanks."

"Si--Sige. I'll wait." Nakangiting sagot niya habang naglalakad. Mukhang ang saya-saya niya. Malamang nag-enjoy siyang kasama ang taong pinakamamahal ko. Kainis. Wala na naman akong nagawa. Hinayaan ko na naman silang maging closer.

"Tama. Magpahinga ka muna sa bahay." Sabi ni Dahyun kay Mina.

"Salamat. Kaya ko na naman eh." Sabi ni Mina.

"Mina, Iba ka talaga." Biglang sabi ni Jeongyeon.

"Huh?" Clueless na tanong ni Mina. Di ko rin alam sinasabi ni Jeongyeon eh.

"You're magical. Isang Mina para sa cold na si Dahyun." Sagot ni Jeongyeon sabay ngisi pa kay Dahyun.

Parang nagegets ko na ngayon. Aish. Jeongyeon! Why?!

"Gague ka talaga, Jeongyeon!" Hinabol ni Dahyun si Jeongyeon na nang-aasar sa kanya. Samantalang kami ni Mina, patuloy lang sa pagsunod sa kanilang dalawa.

She's magical? Siya ang sagot para mawala na ang cold side ni Dahyun? Dahil sa kanya, ngumingiti na si Dahyun? Ganun ba ang ibig sabihin ni Jeongyeon? Tiningnan ko si Mina na mukhang wala paring nagegets sa sinabi ni Jeongyeon. Nakangiti lang siyang nanonood sa dalawa.

Napansin ko ang suot niyang jacket. It's Dahyun's jacket. Ayoko na. Para nang sinasaksak ang puso ko sa bawat bagay na malaman kong ginagawa ni Dahyun para kay Mina.

Pinilit ko na lang ngumiti hanggang sa makabalik na kami sa bahay. Nagdesisyon na kong magsimula nang magtrabaho sa stall. Gusto ko munang mapag-isa. Ayoko munang makita si Dahyun o si Mina. Ayoko munang masaktan.

🤗To Be Continued🤗

A/N: Musta na, Guys? Sorry, Slow-Update ako.

Dont forget to leave some comments. Thank you 💖

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now