12: My Weakness

448 21 1
                                    

Dahyun's Pov:

Tanghali na nang magdesisyon akong magpahinga na muna sa kahahanap ng pera. Wala akong makitang pagkakakunan ng pera. Ni hindi ko nga magawang kumilos sa tuwing makakakuha ko ng opportunity para gawin ang nakasayan naming gawin.

Sa tuwing may hoholdapin ako, natitigilan na lang ako. Siguro dahil masyado kong iniisip kung anong nangyari sa pagitan namin ni Sana noon.

Bigla na lang tumunog ang phone ko habang nagpapahinga ko sa isang tabi. Tumatawag si Jeongyeon.

Aish. Bakit tumatawag ang isang 'to sa ganitong oras ng paghahanap ko ng pera?!

On The Phone

"Oh, Bakit tumatawag ka sa ganitong oras ng paghahanap ko ng pera?! Ang hirap-hirap kayang mangholdap!"

"So, holdaper ka pala. Hindi pa ba sapat yung nanakaw mo samin?" Nanlaki ang mata ko nang marinig na may ibang boses ang sumagot sakin.

"Sino 'to? Bakit nasa'yo ang phone ng kaibigan ko?!"

"Sa wakas nahanap ka namin, Fool! Hulaan mo. Gusto mo ng clue? Briefcase!"

"Nasaan ang kaibigan ko? Nasaan si Jeongyeon?!"

"Let me correct you. Mga kaibigan kamo! Kasama ko silang tatlo. Kung gusto mo pa silang makita nang buhay, susunod ka sa gusto ko!" Sagot niya kaya mas kinabahan ako. Tatlo? Si Jeongyeon, Chaeyoung at Momo! No way!

"Yah! Subukan mo silang saktan, malalagot ka sakin! Nasaan ka?! Nasaan sila?!"

"Ooopps. Hindi mo sinabi agad. Pano ba yan? Nasaktan ko na sila eh. Pero sige sabi mo eh, hihintayin ka namin sa bahay mo. Nandito kami. Bilisan mo dahil mainipin ako." Sagot niya kaya naman in-end call ko na't nagmadali na kong tumakbo pauwi.

End Call

Shet! Paano nalaman ng mga g*go na yun ang bahay namin?! Paano nila ko nakilala?! Kailangan ko silang iligtas. 

Tama. Maaaring si Momo ang isa sa kanila dahil wala siya sa stall niya para magtinda. Iniwanan niya itong walang bantay.

Nang marating ko ang tapat ng bahay, nakita kong nakakalat sa labas ang mga gamit namin.

Nagmadali akong pumasok sa loob, nanlaki ang mata ko nang makitang puro pasa na sa mukha si Jeongyeon.

Samantalang si Chaeyoung at Momo naman ay may mga pasa din sa isang sulok. Ang daming nakapalibot sa kanila na mga armadong tao.

"Nooooo! Sinabi ko sayong wag mo silang sasaktan!" Akma na sana kong susugod sa isa sa kanila na may hawak ng phone ni Jeongyeon.

"Hep! Sige. Subukan mo pang lumapit kundi pasasabugin namin ang ulo ng mga kaibigan mo."

"Ano bang kailangan niyo?!"

"Yung briefcase. Nasaan ang pera namin?! Sa tingin mo, hindi ka namin mahahanap? Hindi mo siguro alam na may CCTV sa lugar kung saan ka nagtago. Nagkamali ka ng desisyon na tanggalin ang mask mo. G*gong 'to. Gugulangan pa kami. Ano?! Sumagot ka. Nasaan ang pera namin?!" Sigaw niya sakin.

Shiiiiit. Hindi ko naisip ang tungkol sa CCTV. Ano nang gagawin ko? Nang dahil sakin, nasaktan ang mga kaibigan ko. Hindi ko naman pwedeng takasan ang problemang 'to. Hindi ako tatakas dahil alam kong mapapahamak ang mga kaibigan ko.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now