17: No Choice

445 19 0
                                    

Dahyun's Pov:

Nang iabot na samin ang pagkain namin ng babaeng kasama ko, hinayaan ko na lang siyang mag-isip ng paraan para makakain.

Pero ayaw naman agad niyang mag-isip ng paraan. Nagsusungit lang siya sakin. Mukhang nag-iiba na ang ugali niya. Ibang-iba na ang ugali niya ngayon. Nagsusungit siya ngayon, samantalang yung unang beses na magkita kami ay mukhang hindi makakabasag ng plato. Ngayon, mukhang gusto pa nga niyang basagin ang plato sa mukha ko eh.

Anong magagawa ko? I'm not someone na tutulong sa katulad niya. Isang maling galaw ko lang, maaaring ikapamahak ng mga kaibigan ko.

Like what I've said, wala siya sa inner circle ko kaya bakit ko siya tutulong?

Saka, gusto ko munang mauna siyang kumain in case na may lason 'yun. Malay ko ba kung may masama ring balak sakin ang mga buwisit na taong 'yun.

Sinabi ng babaeng 'to na masama akong tao. Well, tama naman siya. Masama akong tao. Lahat ng pumapasok sa buhay ko napapahamak nang dahil sa kasamaan ko.

Nang tanggalin ko ang takip niya sa bibig, hindi ko na ibinalik. Hinayaan ko na lang siyang dumaldal nang dumaldal. Kalayaan niya 'yan. Saka, baka di na rin naman tumagal ang buhay niya. Kasi mukhang hindi parin matawagan nila Mister X ang tatay ng babaeng 'to.

Paano na lang kung hindi na talaga nila ma-contact ang tatay ng babaeng 'to? Paano kapag hindi nila nakuha ang gusto nilang pera kapalit ng babaeng 'to? Mukhang maagang mawawala sa mundo ang babaeng 'to. Aish. Kim Dahyun, it's none of your business. She's nothing.

Lumipas pa ang ilang minuto, ni isa samin walang gumagalaw sa pagkain. Hanggang sa pumasok sa isip kong baka mamatay sa gutom ang babaeng 'to. Halata kasing gutom na gutom na siya't pagod na. Pero siyempre pagod din naman ako. Gutom na rin naman ako.

Saka, siguro ayos lang naman na tulungan kong kumain ang babaeng 'to ngayon. Agad na kong kumilos. Dinala ko ang plato ko't naupo sa harapan niya.

Kapag namatay ang babaeng 'to ngayon dahil sa gutom, baka sakin pa isisi ni Mister X. Baka mas mapahamak ang mga kaibigan ko. Kaya wala akong choice kundi magkunwaring nice sa taong 'to. Iisipin ko na lang na isa na naman 'tong dare na kailangan kong gawin.

Sa unang alok ko sa kanya, ayaw pa niyang kainin ang pagkain na nasa kutsarang hawak ko. Pero sa huli, napapayag ko rin naman siya. Kumain na kaming dalawa kaysa magutom pa kami.

Habang kumakain kasabay ang nakagapos na babaeng 'to, iniisip ko kung ano nang kalagayan nila Jeongyeon. May panggastos kaya sila? Kumain na kaya sila? Magaling na kaya ang sugat nila? Hindi ko maiwasang isipin ang kalagayan nilang tatlo. And si Momo, dapat hindi na siya nadadamay dito eh. Dapat di na siya nakisali sa gulo.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Biglang sabi sakin ng babaeng pinapakain ko.

"It's none of your business."

"Nagtatanong lang naman ako."

"Tsk. Kumain ka na nga lang."

"Busog na ko. Salamat."

"Mabuti naman. Nangangalay na ko kakasubo ng pagkain sayo eh." Iniayos ko na ang mga pinagkainan namin.

"Masama ka ba talagang tao?" Natigilan ako sa sinabi niya. I looked at her seriously. Ano bang iniisip ng isang 'to?

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now