7: Headphones

520 20 7
                                    

Mina's Pov:

Nang dumating kami sa bar, nakita kong nagsasaya ang lahat. Lahat sila sumasayaw. Merong mga nakaupo lang habang nagtatawanan. May mga nag-iinuman. Siyempre di mawawala yung mga nagpi-flirt sa isa't-isa.

"It's time to have some fun, Mina. Enjoy!" Masayang sabi ni Nayeon sakin habang sumasayaw-sayaw.

"Si---Sige. Mauupo na muna ko dito. Enjoy."

"Huh? Come on. Dance with us. Feel the beat. Wag kang umupo lang diyan." Dagdag niya.

"Ayos lang talaga ako dito. Mag-party ka na."

"Sige. Diyan ka na muna ah. Tawagin mo ko 'pag may kailangan ka." Sabi niya. Tuluyan na siyang nakihalubilo sa ibang tao na nagsasaya. Buti pa si Nayeon, nagagawa na niya yung gusto niya.

Nakita kong nilapitan siya ng isang maliit na tao. Nagpalitan kaagad sila ng phone number. Ganun lang kabilis? Close na kaagad sila? Baka naman magkakilala na sila. Nang umalis na yung kausap ni Nayeon, pumunta siya sakin.

"Gusto mo ba ng maiinom, Mina?" Tanong ni Nayeon sakin.

"Hindi na. Okay na ko."

"Sige. Ikaw ang bahala. Galaw-galaw naman diyan, Hahah."

"Kilala mo yung kausap mo kanina?"

"Yung maliit? Nako. Hindi. Nagkausap lang kami. Nagbigayan kami ng phone numbers." Sagot niya.

"Talaga? Bakit ganun kabilis? Binigay mo na kaagad phone number mo sa taong di mo naman kilala?"

"Ganito na ang mundo ngayon, Mina. Wake up. Kaya kung ako sayo, mage-enjoy na ko." Dagdag niya sabay smile sakin.

Nakarinig naman kami ng hiyawan sa bandang gitna ng dance floor. May sumasayaw na kung sino. Ang weird ng sayaw niya. Parang baliw. Parang may sapi.

"Woohoo! Hahaha. Mukhang nagkakasiyahan dun ah. Punta muna ko dun. Sama ka?" Sabi ni Nayeon.

"Di na. Haha. Dito na lang ako." Lumakad na si Nayeon para makihalubilo sa ibang tao na naghihiyawan para sa mukhang ewan na sumasayaw.

Matapos ang hiyawan. Huminto na din yung sumasayaw. Si Nayeon, may mga kausap na ibang tao. Siguro di niya rin kilala. Ganito na pala ang mundo ngayon. Siguro dahil minsan lang talaga ako makalabas ng mansion kaya hindi ko alam.

Ni hindi nga ko makanood ng TV eh. Bakit? Dahil meron akong super striktong Dad. Ayaw niya kong maiimpluwensyahan ng ibang tao o ng mundong 'to. Di ko alam kung nag-aalala siya para sakin o ayaw niyang mapahiya siya at masira ang career niya dahil sakin.

Kanina pa ko nakaupo sa pwestong 'to pero wala pading nakikipagkaibigan sakin na ibang tao kahit na wala na kong kasamang bodyguards ngayon. Siguro hindi dahil sa bodyguards ko noon kaya walang nakikipagkaibigan sakin noong napasok pa ko sa school, siguro dahil sakin mismo. Kasi hindi ako marunong makipagkaibigan. Kasi tahimik lang ako. Kasi hindi ako madalas ngumiti.

Tumayo na lang muna ko't naglibot-libot sa loob ng bar hanggang sa biglang may maglagay ng kung ano sa ulo ko. Agad akong napalingon sa kanya. Natigilan ako nang makita ang ngiti niya at ang ngiti sa kanyang mata.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu