125: Stuck

571 18 43
                                    

Mina's Pov:

Ngayong araw ang pinakahihintay ni Dahyun na mangyari. Special ang araw na 'to dahil sa wakas makaka-graduate na siya ng highschool.

Siyempre mawawala ba ko sa special day na 'to. Hindi pwede. Kaya naman minabuti kong alamin kung saan gaganapin ang graduation nila. Hinayaan ko na munang si Tita ang mag-asikaso sa kompanya ngayong araw dahil gusto kong makita si Dahyun na umakyat sa stage.

Nang marating ko ang venue ng graduation nila, minabuti kong huwag magpahalata na nandun ako. Nag-iingat rin akong huwag mamukhaan ng ibang tao na nasa lugar dahil napapabalita rin ako sa tv.

Basta ang gusto ko lang ay mapanood si Dahyun sa pagkamit ng pangarap niya. Bago pa magstart ng event, gumawa muna ulit ako ng dummy acc. para batiin si Dahyun. Nakita ko naman yung reaction niya habang binabasa ang message ko sa phone niya. Hindi ko mapigilang matawa sa pagkunot ng noo niya.

Ang nakakatawa pa, ini-block ulit ng gague ang ginawa kong account. Ilang acc. kaya ang magagawa ko? Block agad eh. Hahaha.

Nang magstart na yung event, nanatili ako sa isang sulok habang pinagmamasdan si Dahyun.

Hindi ko maiwasang ngumiti hanggang sa umakyat na siya sa stage. Pero nawala din yung ngiti ko nang makita ko yung babaeng kasama niya mag-grocery. Anong ginagawa nun dito? Aish. Nanggigigil na naman ako.

Pero di bale na nga, sinabi naman ni Dahyun na magkaibigan lang sila. Mas paniniwalaan ko ang mga sinabi ni Dahyun. Minabuti kong manatili sa pwesto hanggang sa matapos ang event.

Gustong-gusto ko na siyang lapitan pero alam ko rin namang hindi ito ang magandang timing. Ayokong kunin ang atensyon ng lahat ng tao sa lugar na 'to.

Hanggang sa makipagusap na si Dahyun sa classmate at babaeng kasama niya nung isang araw. Narinig kong niyayaya nila si Dahyun magcelebrate mamayang gabi sa Bar. Nacurious tuloy ako. Anong klaseng selebrasyon?

Naalerto ko nang mapalingon sa direksyon ko si Dahyun. Nanlaki ang mata niya nang makita ako kaya naman nagmadali na kong umalis.

Napahinga ako nang malalim nang makapagtago na ko sa loob ng kotse. Muntikan na ko dun ah. Buti nakatakbo ko. Nakita ko siyang naglibot sa labas habang hinahanap ako hanggang sa lapitan siya ng mga kausap niya kanina.

Party pala ah. Hindi ako papayag na hindi ako makakapunta dun mamaya para bantayan siya.

Hapon na nang dumating si Tita sa mansion. Naabutan niya kong paalis ulit.

"Saan ka pupunta, Mina?"

"Magpaparty po."

"Huh?"

"Panahon na po para muli kaming magkausap ni Dahyun."

"Talaga? Mabuti naman at nagdesisyon ka nang makipagusap ulit sa kanya. Akala ko patatagalin mo pa eh."

"Sige po, Tita. Mauna na po ako."

"Goodluck, Mina." Ngumiti na lang ako't sumakay na sa kotse. Hindi na ko nagsama ng driver. Kaya ko na 'to.

Nagdesisyon muna kong magpark malapit sa dorm na tinitirahan ni Dahyun. Ang tagal kong naghintay sa labas. Inabot na ko ng dilim sa kotse. Hanggang sa makita ko na siyang lumabas kasama ng mga kaibigan niya at ng babaeng kasama niya noon.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz