59: A Bad Person

342 11 6
                                    

Dahyun's Pov:

I lost Sana, My first love.

Parang bumalik lahat ng sakit. Parang kamamatay lang ulit niya. Parang ang sakit-sakit parin. Parang ang hirap paring kalimutan ng nangyari.

Siguro kung hindi ako nagsinungaling sa kanya, hindi mauuwi sa ganito ang lahat. Kung alam ko lang kung anong pinagdadaanan niya. Kung alam ko lang na mahal niya parin ako noon at ayaw niya lang rin akong masaktan at ang magulang niya. Kung alam ko lang na mas pipiliin niyang saktan ang sarili niya kaysa samin. Kung hindi ko lang sana ipinilit ang sarili ko sa kanya noong nahihirapan na siyang mamili. Hindi sana siya namatay.

It's my fault. I'm the reason why she chose to kill herself. I'm a bad person.

Kaya kong tiisin ang gutom pero parang hindi ko na yata kayang tiisin ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ako kumain ng gabihan kagabi at hapon na nang magdesisyon akong lumabas ng kwarto ngayon.

"Da--Dahyun, Are you okay?" Tanong ni Jeongyeon nang makita akong lumabas ng kwarto. Hindi ako umimik sa kanya't dumeretsyo lang sa paglalakad palabas ng bahay.

"Where are you going? Kasamang magtinda ni Momo si Mina sa stall niya ngayon." Sabi naman ni Chaeyoung.

"I don't care." Sagot ko sabay lakad na paalis ng bahay. Ayoko munang makipagusap sa kanila ngayon. Ayoko muna. Gusto kong mapag-isa.

Lalabas lang ako para bumili ng alak. Oo, gusto kong mag-inom at makalimot muna sa ngayon. Napadaan ako sa stall ni Momo papunta sa tindahan ng alak.

"Dahyun!" Tawag ni Momo sakin pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Da--Dahyun. Are you okay?" Natigilan ako nang may humarang sa harapan ko. Nang tingnan ko siya, nakatitig lang siya sakin. It's Mina.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Ayoko munang makausap ang kahit na sino sa kanila.

Nang makabili na ko ng alak, bumalik na ko sa bahay. Nang mapadaan ulit ako sa stall ni Momo, nandun padin sila. So nagtitinda na rin pala si Mina. Good for her. Makakaipon na siya para sa sarili niyang kagustuhan.

"Dahyun, What are you doing?" Tanong ni Momo nang makitang may bitbit akong bote ng beer.

"It's none of your business."

"Dahyun, It's bad for your health." Sabi naman ni Mina.

"No. I'm the bad one. I'm a bad person who did bad things." Nagpatuloy na ko sa paglalakad pauwi sa bahay.

Nang makauwi, dumeretsyo na ko sa kwarto't nagsimula nang magpakalulong sa alak. Wala akong pakialam kung tama ba o mali 'tong ginagawa ko. Masamang tao naman ako eh.

"Kim Dahyun, Stop it." Saway sakin ni Jeongyeon nang sumunod siya sa kwarto ko kaya hindi ko na ito nagawang ilock.

"Mind your own business."

"Dahyun, Nandito kami para sayo. Pakinggan mo naman kami oh." Dagdag niya.

"I won't 'cause I'm a bad person." Sagot ko sa kanya sabay inom na ng beer.

"Dahyun, makakasama sayo 'yan." Extra naman ni Chaeyoung na pumasok na rin ng kwarto.

"Wala kayong pakialam."

"May pakialam kami. Kaibigan mo kami. Kaibigan ka namin. Hindi ka namin pababayaan. Ngayong alam na namin kung bakit nagkakaganyan ka dahil kay Sana, mas lalong hindi ka namin pababayaan." Sabi ni Jeongyeon.

"Kalimutan mo na si Sana. Kung ano man ang nangyari sa kanya, wala kang kasalanan. Magmove on ka na." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Hindi niyo kasi alam ang tunay na nangyari. She's depressed. She's hurt. Hindi ko man lang nalaman na sa pagpilit ko pala ng sarili ko sa kanya, mas pipiliin niyang magpakamatay dahil nahirapan siyang mamili sa pagitan ko at ng pamilya niya."

"Dahyun, It's not your fault. Don't blame yourself." Sabi naman ni Jeongyeon na akmang lalapit sakin.

"Don't come near me. Masasaktan ka lang din."

"Fi--Fine. Gawin mo muna kung anong makakapagpagaan sa kalooban mo. Nandito lang kami sa labas." Dagdag ni Jeongyeon.

Ilang oras na rin ang lumipas. Dumilim na rin ang kalangitan. Ramdam na ramdam ko na ang pagkahilo. Pero bakit ganun? Nasasaktan padin ako.

"Sana!" Sigaw ko habang nag-iinom ng alak sa kwarto.

"Da--Dahyun, what's wrong?" Tanong nila Jeongyeon.

"Namatay siya dahil sakin." Hindi ko na mapigilan yung luha ko habang inaalala yung masasayang oras na kasama ko si Sana.

"Dahyun, Everything will be okay." Sabi nila sabay tapik sa balikat ko.

"Kailangan kong magbayad sa pagkamatay ni Sana."

"Dahyun, wala kang kasalanan dun."

"Si Sana, Namimiss ko na siya." Tuluyan na kong lumuha habang naaalala kung paano ngumiti si Sana.

"Guys! What's happening here?" Narinig kong tanong ng kung sino.

"Si Dahyun kasi, kanina pa nagsasalita ng tungkol kay Sana."

"Dahyun, We're here for you." Sabi ng kung sino sabay punta sa harapan ko.

"Sana?" Medyo nahihilo na ko kaya naman hindi ko masyado maaninagan ang mukha niya.

"No. It's me, Mina. I'm not Sana but I'll stay by your side." Rinig kong sabi niya.

"Mi--Mina." Nasabi ko na lang hanggang sa naupo na siya sa tabi ko.

"Momo, iwanan na muna natin sila." Sabi ni Chaeyoung. Napalingon ako kay Momo na nandito rin pala sa kwarto ko.

Narinig kong inisara nila ang pinto ng kwarto ko. Isang tao na lang ang natirang kasama ko sa loob. Walang iba kundi si Mina.

Ano namang ginagawa niya dito? Akala ko ba gusto na niyang umalis? Bakit nandito pa siya?

🎧To Be Continued🎧

A/N: Guys, Sorry if bitin na naman. Pagod na ko eh. I'll rest for now. Fighting.

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now