14: It Can't Be

444 19 0
                                    

Dahyun's Pov:

Habang nasa biyahe, naririnig kong naguusap ang mga buwisit na 'to tungkol sa babaeng kinidnap nila.

"Malaking pera din ang kapalit nun, Mister X." Sabi nung isa sa kanila.

So, ang g*gong 'to ang leader nila. May nalalaman pang Mister X. Ang sabihin niya, natatakot siyang malaman ng iba kung anong klase siya ng tao kaya codename na lang ang ginagamit niya. Duwag! Kung di nga lang mapapahamak sila Chaeyoung, kanina ko pa 'to naturuan ng leksyon.

"Tama. Kaya tawagan niyo nang paulit-ulit ang mayamang negosyante niyang ama. Kailangan nating makuha ang pera sa lalong madaling panahon." Sagot ni Mister X.

"Paano kung hindi agad niya ibigay ang gusto natin?"

"Pwes mawawalan siya ng anak. Kawawa naman. Ang kaisa-isang anak niya ay magpapaalam sa mundo nang maaga." Sagot ni Mister X nang may ngisi sa labi.

G*go pala talaga 'tong mga 'to eh. Pumapatay ng tao para sa pera. 'Yan ang bagay na hindi ko kailanman ginawa kahit na gipit kami.

"Papatayin na ba natin kaagad yung babae kapag hindi talaga natin matawagan ang Dad niya?" Tanong naman nung isa sa kanila.

"Relax. May magbabantay naman sa Prinsesa." Sagot ni Mister X.

"Sino, Boss?"

"Ang ating Good Dog." Sagot nito sabay ngisi sakin. Bakit ako pa? Ang dami-dami naman nila eh. Bakit ako?!

"Ako?!" Gulat kong tanong.

"Oo. Ikaw. Sino pa ba ang Good Dog dito? Haha." Sagot niya sakin dahilan para magtawanan na naman silang lahat. Sige, pagkatuwaan niyo lang ako. Kapag nakahanap talaga ako ng pagkakataon, lagot kayo sakin.

"Ipagkakatiwala ba talaga natin yung babae sa taong 'yan?" Nag-aalinlangan na tanong nung isa.

"Sigurado kong gagawin niya nang maayos ang ipinaguutos ko dahil hindi niya gugustuhin ang gagawin ko sa mga kaibigan niya sa oras na sumuway siya." Tusong sagot ni Mister X.

Alam niya kung ano ang kahinaan ko. Kainis. Hindi pwedeng palaging ganito. Hindi pwedeng patuloy niyang gamitin sila Chaeyoung para pasunurin akong parang isang aso. Kailangan kong umisip ng paraan.

Kumusta na kaya sila ngayon? Ayos lang kaya sila? Akma ko sanang ichecheck ang phone ko nang bigla itong halbutin ni Mister X.

"Oooops. Bawal magcellphone sa oras ng trabaho."

"Give it back to me!"

"Ako na muna ang magtatago nito sa ngayon. Gawin mo na lang ang lahat ng ipaguutos namin." Sabi nito sakin kaya wala na kong nagawa kundi tumahimik sa isang tabi.

Nang dumating kami sa hide-out nila, agad na kaming nagsibabaan. Magaling sila pumili ng lugar. Malayo sa ibang tao. Walang makapanghahadlang sa mga balak nila sa lugar na 'to na puro damo't dayami sa bukid lang ang nakapaligid.

Pumasok si Mister X sa loob ng isang kwartong madilim. Siguro nasa loob ang bihag nilang babae. Ang sakit naman ng tadhanang napunta sa babaeng 'yun. Siguro mayaman talaga ang ama ng babaeng 'yun kaya humantong sa ganito.

Maya-maya pa, pinatawag na ko sa loob ni Mister X kaya naman pumasok na ko. Sa pagpasok ko, naaninagan ko ang isang babaeng nakagapos ang paa at kamay habang nakaupo sa banig. Meron ding takip ang bibig niya.

Nang makita ko ang buong mukha niya, bigla akong nagulat.

"OhMyGod!" Nasabi ko na lang nang makilala ko ang mukha niya kahit na may takip ang bibig niya.

It can't be. Namamalik-mata lang ba ko o siya talaga 'yung babae na ginawan ko ng dare sa bar? Yung babaeng nilagyan ko ng headphones sa ulo. Shiiittt. Siya nga ata 'yun. Bakit sa dinami-dami ng pwede nilang kidnap-in, siya pa?!

Baka makilala ko ng babaeng 'to. Mahirap na. Hindi ko na muna tatanggalin ang mask ko't jacket with hoody. Kailangan kong mas maging maingat ngayon. Mayaman pala ang babaeng 'to. Siguro bodyguards talaga yung lumapit sa kanya nung araw na nagkita kami sa bar. Aish. Ano nang gagawin ko ngayong nandito ko sa loob ng isang kwarto kasama ang babaeng 'to?

Matapos magsalita ni Mister X, iniwanan na niya kami sa loob at sinaraduhan ang pintuan dahilan para dumilim.

"Aish. Di man lang nila binuksan ang ilaw." Nang mapindot ko ang switch ng ilaw, lumiwanag na. Sa paglingon ko sa kanya, kitang-kita ko ang takot sa mata niya.

Nagsimula siyang magpumiglas. Kakausapin ko ba siya? Nako. Wag na lang. Mahirap na talaga. Saka, wala naman siya sa inner circle ko eh. She's nothing. Hindi ko iri-risk ang buhay ng mga kaibigan ko sa pagsagip sa taong 'to. No way.

Naupo na lang ako sa isang tabi't yumuko na lang. Ang kailangan kong gawin, masiguradong hindi sila makakaganti kila Chaeyoung bago ko sila turuan ng leksyon. Sa ngayon, susundin ko na muna ang mga ipaguutos nila.

💔To Be Continued💔

A/N: How's my update? Leave some comments, Guys. Saranghae.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz