99: Missing You

271 11 4
                                    

Mina's Pov:

Katext ko pa si Dahyun kanina kaso hindi na siya nagreply sakin. Busy kaya siya? Ano na kayang kalagayan niya ngayon? Nakakakain ba siya nang maayos? Komportable ba siya kung nasaan man siya? May iba ba siyang kasama o mag-isa lang siya?

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Pero sa huli, ang magagawa ko lang ay manatili at maghintay sa pagbabalik niya.

Dumilim na, nakaupo lang ako sa sofa sa living room sa bahay ni Momo. Nagluluto pa kasi si Momo ng panggabihan namin.

"Hey Dahyun." Napalingon ako kay Chaeyoung na pumasok sa loob.

"Ano 'yun?"

"Kumusta na?" Naupo siya sa kabilanh part ng sofa.

"Heto. Miss na miss ko na si Dahyun."

"Huwag kang mag-alala. Kapag nangako si Dahyun, tinutupad niya."

"Alam ko naman 'yun pero hindi talaga mawawala yung pagkamiss ko sa kanya."

"Magtiwala na lang tayo sa kanya. Wala tayong magagawa kundi maghintay. Habang wala pa siya, kami na munang bahala sayo." Dagdag niya sabay smile sakin.

"Kumusta naman kayo ng bestfriend ko?!" Tanong ko sa kanya.

"Ayun! Stay Strong parin kami." Proud na sagot niya sakin.

"Mabuti kung ganun. Sana kami din ni Dahyun, stay strong."

"Teka. Sinagot mo na ba si Dahyun?" Tanong niya sakin kaya napaisip ako.

Oo nga noh. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa pala siya sinasagot hanggang ngayon. All this time na magkasama kami't umiikot lang sa isa't-isa ang mundo namin, wala pa pala talagang official na kami.

"Wow! Kung umasta kayo, daig niyo pa kami ni Nayeon. Parang kayo pero hindi pa talaga. Hahaha." Natatawang sabi niya.

"Hoy Chaeyoung, ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ni Momo mula sa kusina.

"Eh di kinakausap si Mina. Ano pa ba?" Sagot ni Chaeyoung.

"Yun ba talaga ang pakay mo?" Dagdag ni Momo.

"Sa totoo, manghihingi yan ng ulam." Sumulpot si Jeongyeon sabay upo na rin sa sofa.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Manghihingi lang talaga ng ulam ang bwisit na 'to." Sabi ni Momo kay Chaeyoung.

"Guys. Hindi niyo ba namimiss si Dahyun?" Tanong ko sa kanila.

"Miss na miss na miss na miss ko na siya." Sabi ni Momo mula sa kusina.

"Siyempre, miss ko na rin ang bwisit na 'yun. Miss ko na yung pambabato niya ng throw pillow sakin." Sabi naman ni Chaeyoung.

"Tama. Nakakamiss si Dahyun. Sana bumalik na siya." Dagdag ni Jeongyeon.

Miss na miss na talaga naming lahat si Dahyun. Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala siya. Naaalala ko pa siya lagi sa bawat bagay na gawin ko. Kahit sa pagtambay ko lang sa labas ng bahay, naiimagine ko na siyang nakaupo sa tabi ko pero maya-maya, imagination lang pala.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Onde histórias criam vida. Descubra agora