120: Kailan?

273 12 15
                                    

Mina's Pov:

"Goodbye" Yan ang huling bagay na sinabi ni Dahyun sakin bago kami tuluyang maghiwalay ng landas.

Ano nga bang ibig sabihin ng "Goodbye" na 'yun? Sa goodbye na 'yun, may pag-asa pa ba talagang magkita kaming muli?

Walang kasiguraduhan. Walang nakakaalam. Walang nakakasigurado sa kung ano ba talagang kahulugan ng "Goodbye" na 'yun.

Miski ako, hindi ko naman talaga sigurado kung ano bang ibig sabihin ng pag-goodbye namin sa isa't-isa. Isa lang ang alam ko, kailangan muna naging magmove on sa mga masasamang bagay na nangyari.

May punto naman talaga si Dahyun. Pareho kaming nahihirapan. Mabuti na sigurong maayos muna namin ang mga bumabagabag samin dahil maaari yung makasagabal sa relasyon namin.

Naiintindihan ko naman yung mga dahilan niya. Alam ko ring magiging busy ako sa pagmamanage ng company. Siguro tamang magfocus muna kami sa mga pangarap namin.

Masaya akong may gusto na siyang gawin para sa sarili niya. Dati kasi, palaging para sa mga taong mahal niya ang ginagawa niya. Proud akong gusto niyang magpursigi sa pag-aaral. Alam kong kakayanin niya 'yun dahil masipag siyang tao.

Hindi na ko makapaghintay na makita siyang inaabot ang mga pangarap niya. Ako din, hindi na ko makapaghintay na may magawa akong tulong para sa kompanya.

Nangako ako kay Dad na hindi ko pababayaan ang company. Tutuparin ko 'yun hindi dahil gusto ni Dad, kundi dahil gusto kong ingatan at mahalin yung company na sabay nilang pinaghirapan ni Mom.

Kasalukuyan akong nagdadrive pauwi sa mansion. Minabuti kong hindi na maghire ng driver dahil kaya ko na naman magmaneho para sa sarili ko. Nagtatrabaho parin naman para sakin yung ilang tauhan ni Dad. Meron parin namang mga maid sa mansion.

Pero lahat sila, umuuwi pagdating ng gabi. Mag-isa na lang akong naninirahan sa mansion ngayon. Aminado kong nakakalungkot. Pero ano pa bang magagawa ko? Nasa kulungan pa si Dad. Pinagbabayaran pa niya ang mga kasalanan niya. Proud akong naging matapang si Dad para gawin ang tama. Hihintayin ko ang paglaya niya.

Katatapos lang ng meeting ko ngayon patungkol sa kompanya. Nakakapagod pala 'tong ginagawa ni Dad. Ang daming kailangang pag-aralan. Pero kinakaya ko naman. Salamat na rin sa ibang businesspartners at ibang namamahala sa kompanya na nagtuturo sakin ng dapat kong gawin.

Gabi na nang makarating ako sa mansion, kaya malamang wala nang ibang tao. Mag-isa lang talaga ako kapag gabi. Saka nga pala, alam naman ni Dad na nagdesisyon muna kami ni Dahyun na magfocus sa pangarap namin. Nung una, nag-alala siya dahil wala daw magpoprotekta sakin habang wala siya. Pero kaya ko naman ang sarili ko eh. Hindi namag nagkukulang ang security dito sa mansion.

Kumain na muna ako ng pagkaing inihanda ng mga maid bago sila umuwi kanina. Naupo na muna ko sa sofa sa living room at nagbukas ng tv para manood.

Sa kalagitnaan ng panonood ko, bigla kong naalala yung moment na nagmu-movie marathon kami nila Dahyun.

Nadala ako ng emosyon ko. Napalingon ako sa tabi ko. Si Dahyun, nakangiti siya sakin. Narinig ko rin yung tawanan nila Chaeyoung. Naramdaman ko ulit yung saya ng moment na 'yun.

Pero maya-maya, naglaho rin silang lahat na parang bula. Imagination ko lang pala. Namimiss ko na naman sila.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang patuloy na lumiligid ang luha ko sa mata.

"Mina, you're brave enough para kayanin 'to." Nasabi ko na lang sabay punas sa luha kong pumatak na. Kumain na lang ako nang kumain habang patuloy na tinitiis yung kalungkutan na nararamdaman ko.

Matapos kumain, nagpunta na ko sa kusina para magligpit kaso natabig ko yung isang baso dahilan para mabasag ito.

Sandali akong napahinto bago ko linisin ang mga nabasag na part ng baso.

Naalala ko na naman yung moment sa bahay ni Momo kung saan nabasag yung plato. Kung saan kasama ko si Dahyun.

"Mina, Tama nang kakaisip mo sa nakaraan." Sinabi ko na lang sa sarili mo bago tuluyang linisin nang maingat yung mga kalat.

Matapos magligpit, pumasok na ko sa kwarto kung saan nakuha ng atensyon ko yung charmander stuffed toy na nasa kama.

Nahiga na ko sa kama't niyakap na lang yung charmander stuffed toy.

"Kumusta na kaya si Dahyun at ang penguin stuffed toy niya?" Tanong ko na lang habang naga-act na kinakausap yung charmander stuffed toy.

"Suot parin kaya ni Dahyun yung bracelet niya? Kasi suot ko parin 'tong sakin." Dagdag ko habang yakap yung charmander stuffed toy.

Nababaliw na yata ako. Hindi naman sasagot 'to sakin. Napabuntong-hininga na lang ako't inisuot na lang yung headphone. Magpapatugtog na lang ako sa mp3 player.

Nagsimula na lang akong makinig ng music. Mas naging emosyonal ako dahil sa kantang "Dating Tayo" na tumutugtog ngayon. Tamang-tama sakin yung chorus eh. Miss na miss ko na si Dahyun.

"Kailan kaya muling makakatawang hindi ko pinipilit?
Walang lungkot na sumisilip.
Kailan kaya muling makakamit ang 'yong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?"

Kailan kaya ulit kami magkikita? Kailan ko kaya muling makikita yung ngiti niya? Kailan ko ulit siya mayayakap? Kailan ko ulit maririnig yung tawa niya? Kailan ko maririnig yung boses niya? Kailan ulit kami magkakasama? Kailan? Hindi ko alam.

🎧To Be Continued🎧

A/N: Guys! May problema sa wifi connection namin. Kaiyak! Ang hirap mag-ud nang ganito HAHAHAHA.

Konting chapters na lang talaga. Mamimiss ko 'tong story. Lol. Mga silent readers, magsilabas kayo bago matapos 'to. Hahaha. Kaway-kaway.

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora