"Akala ko kung anong kinakayod mo eh."
"What do you mean? Napakaberde ng utak mo, Myoui Mina. Iba na 'yan. Haha." Sagot niya sabay tawa.
Tatawa na rin sana ko kaso narinig ko ang boses ni Irene. Tumatawa-tawa siya. O m g ! Bakit parang kinikilig yung tono ng pagtawa niya?
"Kim Dahyun, may kasama ka ba sa bahay?"
"Huwag mo nang pansinin yung isang 'yun." Sagot niya.
"Sino?" Tanong ko sa kanya.
"Sige pa!" Mas nanlaki ang mata ko nang marinig na naman ang boses ni Irene. Shet. Anong sige pa? Anong ginagawa nilang dalawa? Bwisit! 'Di ko na kayang tiisin yung gigil ko.
"Kim Dahyun! Tigilan mo 'yang pakikipag-anohan mo kay Irene!" Gigil na sabi ko habang nakatayo sa labas ng bahay niya.
"Ano? Kami ni Irene? Anong anohan? Aish. Wala kaming ginagawang masama." Sagot niya sakin.
"Lumabas ka diyan o pasasabugin ko yang bahay mo."
"Okay. Okay. Okay. Nasaan ka ba?"
"Nasa labas. Handa nang pasabugin ang bahay mo ~" Pabulong kong sabi sa phone.
"What the hell?" Sagot niya sakin. Napalingon ako sa bintana kung saan nakita ko siyang nakatingin sakin. Kumaway-kaway pa siya nang nakangiti.
"Mukhang may kailangan tayong pag-usapan."
"Namiss kita!" Sagot niya sabay end call na.
End Call
Agad siyang nagtatakbo palabas ng bahay para salubungin ako. Akala ko siya yung masu-surprise ko, ako pala yung masusurprise sa kanila.
CZYTASZ
Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)
Fanfiction"Goodnight Like Yesterday" Would you risk everything for a stranger? What if that stranger becomes your everything? Date Started: April 10, 2018 Date Ended: July 30, 2018 A/N: Guys, this is my 2nd MiHyun fanfiction. I hope you'll like it. I decided...
Special Chapter #2
Zacznij od początku