117: Father-Daughter Bonding

Start from the beginning
                                    

Pinaghirapan ni Dad yung kompanya. Alam ko sa sarili kong ayaw niyang mabalewala ang lahat ng pinaghirapan niya para maibigay sakin yun. Alam ko ring tumulong rin si Mom sa pagpapatatag sa kompanya noon. Panahon na para magdesisyon akong harapin ang mas makabuluhang mundong 'to.

Kung gusto ko talaga ng kalayaan, hindi ko ikukulong yung sarili ko sa comfort zone ko.  Nakikita kong may tiwala si Dad sakin. Kaya ko 'to.

"I'll manage the company." Confident na pagkakasabi ko.

"Si--Sigurado ka?" Gulat na tanong ni Dad.

"Yes, Dad."

"Mina, you don't have to force yourself. Are you really sure?"

"No need to worry, Dad. I can do it. Gusto kong gawin 'to. Gusto kong maging malaya't harapin pa ang mas challenging na mundo. Hindi rin naman ako magiging ganito ka-confident kung hindi ako sinubok ng buhay. Thankful parin ako."

"My daughter." Napansin kong nagiging emosyonal na rin si Dad kaya minabuti kong tumayo para yakapin siya. Ang sarap sa pakiramdam na mayakap yung taong mahalaga sayo.

Ngayon ko lang nayakap si Dad nang ganito.

"My daughter, I'm so proud of you."

"Proud din ako sa katapangan mong harapin na ang kasalanan mo, Dad. Thank you so much."

"Pangako, Hindi na mauulit ang ginawa ko sa nakaraan." Dagdag niya kaya naman napangiti ako.

"Pangako, hindi ko po pababayaan yung company."

"Naniniwala akong kaya mo 'yan. Gawin mo lang kung anong sa tingin mo ay makakabuti para sa sarili mo, Mina." Sambit niya na may halong ngiti sakin.

Nagpatuloy ang pagkukwentuhan namin ni Dad hanggang sa abutin na kami ng dilim sa father and daughter bonding namin sa mansion.

Finally, ang lahat ng bad memories na nangyari noon ay napalitan ng saya.

"Gumagabi na pala, Anak. Paano ba yan? Saan ka ba matutulong ngayon? Dito o sa bahay ni Dahyun? Ipahahatid na kita kung kila Dahyun ka matutulog."

"Sa ngayon, gusto ko pong manatili dito sa mansion. Gusto ko pong makipagbonding sa inyo."

"Masaya akong nagiging maayos na ang lahat, Mina. Maraming salamat." Sagot ni Dad.

Nagdesisyon muna kong magstay sa mansion. Siyempre, natuloy ang bonding namin. Naglaro kami ng board games. Magaling rin pala si Dad sa board games. Nagawa rin naming magkantahan sa mansion. Siyempre hindi nawala yung movie marathon.

Hindi na namin napansin yung oras. Ramdam na ramdam ko yung pag-aalaga ni Dad sakin ngayon.

"Mina, Ang ganda naman niyang bracelet mo." Sabi ni Dad sakin.

"Po? Bigay po ni Dahyun 'to. Terno po kami."

"Mahal niyo talaga ang isa't-isa noh. Masaya ako para sa inyo. Alam kong sa oras na manatili na ko sa kulungan, maaari kang makaramdam ng lungkot kung magdedesisyon kang manatili mag-isa dito sa mansion. Pwedeng-pwede manatili si Dahyun dito."

"Talaga po?"

"Oo naman. Alam ko namang napapasaya ka niya."

"Salamat po, Dad." Bigla kong naalala si Dahyun. Hindi nga pala ako nakapagsabi sa kanya na magistay ako dito sa mansion ngayon.

Naka-silent nga pala yung phone ko. Shet. Nakalimutan ko. I'm sure naghihintay na yun sakin kanina pa.

Nagmadali na kong tumayo para kunin ang phone ko sa bag. Nagulat ako sa dami ng missed calls niya.

Nang tawagan ko siya, sinagot naman niya.

On the Phone:

"Mina, Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"

"Hello, Dahyun. Sorry. Hindi ako nakapagsabi sayo kanina. Magistay ako sa ngayon dito sa mansion. Gusto ko kasing maenjoy yung bonding kasama siya bago siya umalis."

"It's okay. Enjoy, Mina."

"Are you okay?"

"Yes. Don't worry."

"Are you sure?"

"Yes."

"I love you."

"Sige na, Mina. Medyo inaantok na kasi ako. Ingat ka diyan." Sagot niya sabay end call na.

End Call

Bakit parang kakaiba yung tono niya ng pagsasalita? Ayos lang ba talaga siya? Napalingon ako kay Dad na nanonood pa ng movie.

Siguro naman inaantok lang talaga siya. Di bale, magkikita naman kami bukas. Babawi ako sa kanya.

Bumalik na ko sa tabi ni Dad, bigla naman siyang nagsalita.

"Mina, Napagdesisyonan ko nang bukas aminin ang mga kasalanan ko."

Alam kong mamimiss kong ka-bonding si Dad. Pero wala naman akong magagawa eh. Kailangan niyang bayaran ang mga kasalanan niya. Alam kong para rin 'yun sa ikabubuti ng lahat.

"Magiging maayos rin po ang lahat. Samahan ko po kayo bukas."

"Hindi na, Mina. Kaya ko na 'to. Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako."

"Sigurado po kayo?"

"Oo naman. Kayang-kaya ng Dad mo 'to. Ako pa? Basta ang gusto kong gawin mo habang wala ako, gusto kong i-enjoy mo yung buhay mo. Do what makes you happy."

Napatango na lang ako kay Dad. Sana maging maayos ang lahat. Sana maging maayos din ang kalagayan niya habang nasa kulungan siya. Hihintayin ko ang pagbabalik ni Dad.

💖To Be Continued💖

A/N: Sorry sa slow ud. Malapit na pasukan ko. Malapit na ring matapos 'to. Waaaaah. Nakakamiss lol.

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now