"Hindi mo ba namimiss si Mina?"

"Sa totoo, miss na miss ko na siya. Pero anong magagawa ko? Nakasalalay sa desisyon ko ang kaligtasan niya."

"Kasalanan ko 'to eh." Napayuko na lang ako.

"No. Don't blame yourself. Okay na rin siguro 'to. Ang mahalaga, ligtas siya. Kasama naman niya sila Chaeyoung sa bahay eh. May tiwala ako sa mga kaibigan ko."

Dapat ko bang sabihin kung anong nangyari sa mga kaibigan niya? Alam kong masasaktan siya.

"Ahm. Dahyun, may kailangan ka kasing malaman."

"Ano 'yun?"

"Yung mga kaibigan mo kasi."

"Anong meron sa kanila?"

"Uminom ka muna ng tubig." Iniabot ko sa kanya yung baso ng tubig para makainom siya bago ko siya sagutin.

"Salamat. Ano ba 'yun?"

"Wa--Wala na sila Chaeyoung at Nayeon."

"Huh? Are you kidding me? Wala? Saan nagpunta? Paano mo nalaman? Nagtanan na? Haha." Pabirong tanong niya.

"Hindi ganun. As in wala na talaga. Patay na sila. Isang linggo na silang wala. Nakalibing na sila."

"What?! Niloloko mo ba ko, Tzuyu?!" Naramdaman ko yung umaapaw niyang emosyon. Nawala yung ngiti sa mukha niya.

"Sorry, Dahyun. Nakipagkita ako kay Mina kanina. Nakipag-ayos na ko sa kanya. Sinabi niya sakin kung anong nangyari sa mga kaibigan niyo." Pag-amin ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla niyang ibato yung baso ng tubig na iniabot ko. Nabasag ito sa sahig. Napalingon ako kay Dahyun na nag-uumapaw sa galit.

"Bakit? Anong nangyari sa kanila? Tell me! Kailangan kong makausap si Mina. Kailangan ko silang mapuntahan." Tumayo siya't akmang aalis na.

"Wait, Dahyun. Alam ni Mina na nandito ka."

"What? Sinabi mo? Bakit sinabi mo? Kailangan kong magpaliwanag sa kanya!"

"Alam niya kung bakit nandito ka. Dahyun, huwag ka munang umalis. Delikado pa. Alam na rin niyang si Dad ang nagpakidnap sa kanya. Mag-isip muna tayo ng plano bago kumilos." Paliwanag ko sa kanya pero ayaw niyang makinig.

"No! Gusto kong malaman kung sinong may gawa nun kila Nayeon at Chaeyoung. Bakit pati mga kaibigan ko? Bakit?! Sino ang pumatay sa kanila?!" Sigaw niya.

"Ang Da--Dad ni Mina."

"Marami nang nawala. Hindi pwedeng manatili lang ako dito't hintayin na isa-isa silang mawala. Walang kasalanan yung mga kaibigan ko dito!" Nagsimula nang lumuha si Dahyun kaya naman niyakap ko siya nang mahigpit.

"Dahyun, I know it's really hard. Pero kailangan nating mag-isip ng plano. Kapag nagpadalos-dalos tayo, baka mas lalo pang may masaktan."

"Anong gagawin ko? Mananatili na lang dito? Hihintayin hanggang si Mina na ang mawala sakin? Hindi ko kaya. Mas mabuti pang isugal ko yung buhay ko para sa kanya!"

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now