"May iba pa ba tayong dapat pagusapan? Kung tapos na, papasok na ko sa loob ng bahay. Makakaalis ka na po,Dad."

"Nasaan nga pala si Dahyun?" Tanong niya.

"Umalis. May inasikasong importante."

"Ah. Tinatrato ka ba niya nang tama?"

"Yes."

"Mina, alam naman natin na may hindi tayo pagkakaunawaan. Nakaraa na naman ang lahat. Kalimutan na natin 'yun at magsimula na nang bagong buhay."

"Bakit sinasabi niyo 'to sakin, Dad?"

"Tumatanda na ko. Walang magpapatuloy sa pagaasikaso sa kompanya kung hindi ka pa magsisimulang mag-aral tungkol sa business natin." Paliwanag niya kaya naman napasinghal na lang ako.

"I see, nagiging ganyan ka dahil nag-aalala ka sa kompanya at hindi sakin."

"It's not like that, Mina. Para rin naman sayo 'to. Ikaw lang ang kaisa-isang tagapagmana ng kompanya. Kung hindi mo magagawang pamunuan ang company natin, mapupunta yun kay Tzuyu." Dagdag niya.

"So what kung mapunta kay Tzuyu? Diba mas may tiwala ka naman sa kanya. Let her handle your business."

"Myoui Mina! Pinaghirapan ko yung kompanyang 'yun para sayo. Anong iniisip mo? Para sayo 'yun!" Biglang tumaas ang boses niya.

"Paano kung sabihin kong ayokong mamuno sa kompanya mo? Paano kung sabihin kong gusto kong mamuhay nang normal?"

"Nababaliw ka na ba? Kung pakakawalan mo 'yung kompanya, makakaranas ka lang ng mahirap na buhay kasama ang hampaslupa na Dahyun na 'yun. Pineperahan ka lang niya. Malamang gusto lang niya ang mamanahin mo kaya ipinaparamdam niya sayong mahalaga ka sa kanya."

"Hampaslupa? Sayo pa mismo nanggaling yung salitang 'yun, Dad? Hindi mo kilala si Dahyun. Noong mga panahong walang naniniwala sakin, pinaniwalaan niya ko nang buong-buo. Noong panahong walang-wala ako, siya mismo yung nagpuwang ng mga kakulangan na yun sa buhay ko. Noong makilala ko siya, nagawa ko yung mga bagay na ipinagkait mo sakin."

"Bumalik ka na sa mansion. I-handle mo ang business o kailangan ko pang gumawa ng paraan para mapabalik ka?" Banta niya.

"Hindi ka parin pala talaga nagbabago, Dad. Ginagamit mo parin ang kayamanan at kapangyarihan mo para makuha ang mga gusto mo. Sorry, hindi po ako madadala sa banta mo. Gagawin ko yung alam kong makabubuti sakin. Pipiliin ko yung kung saan ako masaya."

"Myoui Mina, Bakit ginagawa mo sakin 'to? Sariling ama mo, pinagtataksilan mo!" Galit na sabi niya.

"Kayo po? Bakit ginagawa niyo 'to sakin? Sariling anak niyo, pinagkakaitan niyo ng kalayaan. Bakit ginawa niyo 'yun kay Mom? Bakit pinatay niyo yung Mom ko? Bakit inilihim niyo? Bakit nagsinungaling kayo?!" Naluluhang tanong ko.

"Aksidente 'yun. Hindi ko sinasadya."

"Kahit hindi sadya, kailangan niyo paring managot sa kasalanan na nagawa niyo. Kailangan niyong ibigay kay Mom 'yung hustisya na para sa kanya!"

"Hindi ko pwedeng gawin 'yun. Hindi ko pwedeng hayaan na mawalan nang tagapamahala ang kompanya."

"Kompanya na naman? Sino ang pamilya mo? Kami o yung kompanya?"

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon