Bakit parang ang weird? Tama bang nag-uusap kami nang ganito? Yung tipong kalmado lang kami pareho?

Napatingin ako sa kanya habang tinutugtog niya yung "Haru Haru" ng Bigbang.

"Kahit matagal ka nang nag-aral magpiano, naalala mo parin?"

"Kapag passion mo 'yung ginagawa mo, kahit gaano katagal---maaalala mo." Seryosong sagot niya sakin.

"Bakit parang ang weird mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit?" Lumingon siya sakin.

"Kasi diba, sinusungitan mo ko tapos wala kang pakialam sakin. Bakit parang kalmado ka lang ngayon?" Dagdag kong tanong sa kanya.

"Kalmado ka lang din naman ngayon eh. Masama bang makiusisa ako sa pagpa-piano mo?" Sagot niya kaya naman napatingin lang ako sa kanya na may halong curiosity.

"May pinaplano ka ba laban sakin?"

"Seriously? Ako pa 'tong may planong masama? Namiss ko lang magpiano. Ganun kasimple." Sagot niya sabay focus ulit sa piano.

"Teka, Alam ba ni Mina na marunong ka magpiano?"

"Sa totoo, hindi pa. Never kasi ako nagkaroon ng chance na tumugtog para sa kanya."

"Mabuti naman. Nauna kong malaman." Proud na sabi ko sa kanya.

"Eh, ano naman kung nauna kang malaman na marunong ako magpiano?" Tanong niya sakin sabay tingin pa.

"Ah----Wala naman." Napakamot-ulo na lang ako. Bakit nga ba? Siguro dahil sa wakas, may bagay na kong alam tungkol kay Dahyun na hindi alam ni Mina.

Huminto na si Dahyun sa pagpa-piano nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mom. Sinagot ko ang tawag niya't pumuwesto sa balcony.

On The Phone:

"Hello Mom."

"Tzuyu, Kumusta na?" Tanong ni Mom sakin.

"Heto. Maayos naman. Ikaw? Kumusta ka naman diyan sa ibang bansa?"

"Heto. Nagpapalipas muna ng panahon dito dahil diyan sa Dad mo."

"Huh? Anong dahil kay Dad? Diba nandiyan ka para mag-asikaso ng business natin diyan?"

"Ganun na nga. Pero may isa pang mas matibay na rason kung bakit minabuti ko rito."

"Ano 'yun, Mom?"

"Hindi na tumigil sa pambababae ang Dad mo. Nahuli ko na namang may kasamang ibang babae. Hindi ko na talaga alam kung kaya ko pang tiisin ang pambababae ng Dad mo!" Paliwanag ni Mom kaya biglang nagbago ang mood ko.

"Mom, May aasikasuhin pa ko. Next time na lang ulit tayo mag-usap. Bye."

End Call

So 'yun pala yung totoong reason. Akala ko nagbago na si Dad. Hindi parin pala talaga siya humihinto sa pambababae niya. Heto na naman tayo. Palagi na lang ganito. Umaabot na naman sa puntong gustong-gusto na nilang maghiwalay.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanilang dalawa. Sa tuwing pinag-aawayan nila 'yan, gumagawa ako ng paraan para mapunta sakin yung problema nila. Gumagawa ako ng mga bagay na ikaiinis nila sakin para lang mapunta sakin yung inis nila, hindi sa isa't-isa.

Napatikhom na lang ako ng kamay hanggang sa mapuno ako ng emosyon na ayokong nararamdaman. Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki. Manloloko. Babaero. Kapag nakuha na ang gusto sa isang babae, lilipat naman sa iba.

Naramdaman kong lumigid na ang luha sa mata ko kaya naman nagmadali akong bumalik sa loob papunta sa kwarto para mapag-isa kaso nagkabanggaan kami ni Dahyun.

"Ay! Sorry." Nasabi ni Dahyun nang magkabungguan kami. Napaupo ako sa sahig at napalingon sa kanya.

"Are you crying?" Tanong niya nang makita ako.

"No!" Nagmadali na kong tumayo para pumasok sa kwarto. Nang makapasok ako sa loob, nahiga na lang ako sa kama't tuluyan nang lumuha.

Walang nakakaalam na mahirap 'tong nararamdaman ko. Hirap na hirap ako sa tuwing mag-aaway sina Mom at Dad. Kahit ayoko, ginagawa ko ang best ko para sakin na lang sila magalit. Sa ganung paraan, magtutulungan silang ayusin ang trouble na ginawa ko.

Ipinapakita kong spoiles brat ako na hinding-hindi kaya pabagsakin ng kahit na sino.

"Umiiyak ka ba dahil nabangga kita?" Tanong ni Dahyun mula sa labas ng kwarto ko sabay katok.

"No! Leave me alone!" Sigaw ko na lang sa kanya habang pilit na pinipigilan yung luha ko.

Ginagawa ko naman yung best ko para makuha yung kompanyang gustong-gusto nila. Pero bakit hindi parin humihinto ang Dad sa pambababae niya? Napapagod na ko. Punong-puno na ko.

Ayoko ng may nakakakita saking umiiyak. Ayokong isipin nila na mahina ako. Ayokong nakikita nila na ang isang Tzuyu na walang ginawa kundi manggulo sa buhay ng iba ay may gulo rin palang iniiwasan. Ayoko!

💖To Be Continued💖

A/N: Guys, Anong masasabi niyo sa buhay ni Tzuyu at sa totoong point of view niya?

Don't forget to leave some comments.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now