Ang ayoko talaga sa lahat ay yung sinasabi ng iba na hindi ko kayang gawin ang isang bagay na ginagawa ko.

"Manahimik ka na lang! Kaya ko 'to. Matututunan ko 'tong ginagawa ko. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Shut up, Kim Dahyun." Sagot ko sa kanya sabay irap.

Nagulat na lang ako nang lumapit siya't nakigulo na sa ginagawa ko. Natigilan na lang ako nang makitang mukhang alam niya talaga ang ginagawa niya. Ni hindi na nga ko nakagalaw sa pwesto ko dahil abala ko sa panonood sa pagluluto niya.

"Ako na. Nakakahiya naman sayo." Sabi niya nang paseryoso sabay tuloy sa pagluluto.

"Nakachamba ka lang!"

"Hindi chamba 'to. Aminin mo na lang na sadyang may bagay parin talagang hindi mo pwedeng makuha."

"Whatever! Kung hindi ka lang sana nakialam, eh di sana nagawa ko na 'yan. Pasalamat ka nga' nageffort pa ko na mag-aral magluto para lang may dinner tayong dalawa!" Dagdag ko sabay pamewang sa gilid.

"Tayong dalawa? Wala namang tayo eh." Sabi niya kaya mas nainis ako. Nakakainis talaga 'yung mga lumalabas sa bibig niya. Parang gustong-gusto niya ko saktan eh, pero wala naman sakin 'yun dahil alam kong sa huli--- Ako parin ang masusunod.

Idagdag pa 'yung seryosong mukha niya habang nagsasalita. Samantalang kapag si Mina 'yung kasama, abot tenga na yung ngiti niya. Ang pangit naman ng taste niya. Walang-wala sakin 'yung pinsan ko eh. Nakakasora.

Matapos niyang magluto, humarap siya sakin.

"Tapos na. Ganun kadali. Diyan ka na." Sabi niya sabay akmang babalik na sa kwarto.

"Stay here!"

"And why?"

"Kumain ka na rin!" Sagot ko sa kanya pero napailing lang siya't umakyat na sa second floor.

Habang kumakain ako, bigla siyang bumalik.

"Oh, Bakit na naman?!"

"Where's my phone and charger?!" Seryosong tanong niya.

"Hindi mo na kailangan 'yun. Kayang-kaya kitang ibili."

"Nasaan?!" Pasigaw niyang tanong kaya napahinto ako sa pagkain.

Tumayo na ko't pumunta sa harapan niya. Nakakunot noo lang siyang nakatingin sakin.

"Sinabi ko na sayo, ako parin ang masusunod sa huli."

"Give it back to me!"

"Ayoko."

"Please!"

"Bakit ba gustong-gusto mo 'yung phone na 'yun?! Ibibili na lang kita!"

"It's important."

"Dahil kay Mina?" Natahimik siya sa tanong ko.

"Nandito ka sa tabi ko. Kalimutan mo na si Mina. You're not allowed to talk to her." Dagdag ko sabay hawak sa pisnge niya pero tinabig niya ang kamay ko.

"Ang sama mo! Wala kang puso!"

"Salamat. Alam ko! Bakit? Sa tingin mo, may puso akong handang maawa para sayo? Baka nakakalimutan mo, laruan lang kita!" Paliwanag ko sa kanya na may kasamang smirk.

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now