"Hindi ako mukhang pera. Hindi ko gustong makuha kung anong meron ka dahil wala ka naman talagang pag-aaring kahalaga-halaga tulad ng kaibigan o mabuting pamilya." Sagot ko kaya nag-init ang ulo niya.

"Sino ka para sabihin sakin 'yan? Baka nakakalimutan mo, nakasalalay parin sa pakikitungo mo sakin ang buhay ng mga kaibigan mo!" Sagot niya sabay irap sakin. Lumakad na muna siya pataas kaya naman naupo na muna ko sa sofa para magpahinga't mag-isip nang mabuti sa mga nangyayari.

It's happening. Nagsisimula na ang pagsa-suffer ko sa lugar na 'to. Pero kahit ganun, kailangan kong tiisin. Kailangan kong maging matatag para kila Mina. Napatingin na lang ako sa suot kong bracelet.

"Mina, Sana nasa maayos kang kalagayan." Nasabi ko na lang sabay hawak sa ulo kong kanina pa sumasakit sa kakaisip sa problemang 'to.

Makalipas ang ilang oras, bumaba na ulit si Tzuyu. Bago pa ko makalayo sa kanya, naupo siya sa tabi ko't naglinked arms sa braso ko.

"Hands off me."

"Kahit ilang beses mong sabihin 'yan, wala kang magagawa." Proud na sabi niya. Hindi ba marunong masaktan ang taong 'to? Kahit na sinabihan ko siya ng masasakit na salita kanina, parang hindi tumalab sa kanya. Parang kanina, inis siya sakin tapos ngayon ngiting-ngiti na naman siya.

"Bakit ako?" Seryosong tanong ko kaya naman bigla siyang natigil sa paglinked arms sakin.

"Bakit ikaw? Kasi alam kong mahalaga ka kay Mina."

"Ginagamit mo ko para saktan siya? Tama, diba?"

"Parang ganun na nga. Pero sa kabilang banda, gusto ko ring patunayan sayo na mas kamahal-mahal ako kaysa sa kanya."

"Kamahal-mahal? Paano mo nasabing kamahal-mahal ka? Desperada ka nang makuha kung anong meron si----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ko sa pisnge't salubungin ng isang halik sa labi.

Natigilan ako sa ginawa niya pero nang matauhan ako, agad ko siyang initulak palayo.

"What the hell are you doing?!"

"From now on, you're mine." Seductive na pagkakasabi niya sabay smirk sakin.

"Don't do that again!" Inis na sabi ko sa kanya.

"You can't stop me. You're not allowed to tell me what to do. You're my toy." Sabi niya sabay lapit ulit sakin nang paseryoso.

"Maaring hindi kami magkasama ni Mina ngayon. Pero mananatiling siya 'yung nasa puso ko."

"Wala akong pakialam. Hindi naman kita gusto. Ginagamit lang kita. Tandaan mo 'yan. Ang tanging gusto ko, masaktan siya nang sobra. Yung tipong iisipin niyang wala talagang nagmamahal sa kanya. Alam ba niyang nandito ka? Sigurado kong hindi pa. Gusto mong malaman niya?" Banta niya sakin.

"Please don't tell her." Nakayukong pakiusap ko sa kanya. Hindi pwedeng malaman ni Mina. Ayokong malaman niya. Masasaktan lang siya.

"Ganun naman pala eh. Then, follow my orders." Dagdag niya kaya naman napatango na lang ako sa kanya nang pwersahan.

"Just don't tell her. Don't hurt her."

Goodnight Like Yesterday (MiHyun FF)Where stories live. Discover now